Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

PANGKAT 2 - BUGHAW

MAY MAHIKA (Maikling dula)

Magandang Umaga aming mga kamag-aral gayundin sa iyo Maestro Ian. Ito ang
pagsasadula ng pangkat bughaw na ang nabunot ay “MAY MAHIKA” at ang pagsasadula
na ito ay pinamagatan naming ‘MAHIKA”

“MAJIKA”
Ang Majika ay isang Filipino fantasy-themed na tungkol sa mga wizard, na kilala bilang
Salamangka, na naninirahan sa mundo ng Saladin, kung saan ang magic ang paraan ng
pamumuhay.

Si Justine ay isang masayahing bata…

At mapagmahal sa kanyang magulang.

Isang araw habang sila ay nasa sala, may hindi inaasahang pangyayari ang nasaksihan
ni Justine.

Dahil ang pumasok sa bahay nila ay ang kukuha pala sa kanyang magulang. Walang
nagawa ang magulang ni Justine at nadakip sila ng itim na salamangkero at biglaan na
lamang silang naglaho.

Lubos ang pighati ni Justine sa nangyare sa kanyang magulang

Kaya naman pinangako niya sa kaniyang sarili na hahanapin niya ang kanyang mga
magulang.

Naalala ni Justine na mayroon silang kamag-anak na batid ang lugar ng Saladin na kung
saan dinala ang kanyang mga magulang.

Kaya agad niya itong nilapitan at kinausap kung paano makakapunta sa lugar ng Saladin.

Nalungkot si Maestro Tyron sa kanyang balitang natanggap mula sa kanyang pamangkin.

Kaya naman agad na inampon ni Maestro Tyron si Justine.

Si Maestro Tyron ay isang salamangkero na may alam tungkol sa lupain ng Saladin,


isang lugar kung saan ang mga lalaking salamangkas ang naroon.

Si Justine sa kanyang murang inosenteng edad, ay nalaman na kailangan niyang pasukin


ang mundo ng saladin upang iligtas ang kanyang pamilya,
kaya sumailalim siya sa mahigpit na pagsasanay sa ilalim ng maingat na mga mata ni
Maestro Tyron, na lingid sa kaalaman ng lahat, ay isang tunay na master ng mahika at
pinili si Justine na maging kanyang nararapat na kahalili.

Lumipas ang ilang mga buwan ng kanilang pagsasanay ay sa wakas ay handa ng


pasukin ni Justine ang mundo ng Saladin.

Sa tulong ni Maestro Tyron ay nabuksan din ang lagusan papunta sa mundo ng Saladin

At nang dumating na si Justine sa mundo ng Saladin ay hindi niya alam kung nasaan na
ang kanyang magulang.

Kaya naman ay nagtanong tanong ito sa mga nakikita niyang mga salamangkero.

At sa wakas ay naituro ng isang salamangkero ang kinalalagyan ng kanyang magulang at


agad naman itong pinuntahan ni Justine.

At nang mapuntahan ito ni Justine ay may nakita siyang mga nakabantay na itim na mga
salamangkero.

Nag-isip ng plano si Justine kung paano siya makakasulot sa kamay ng mga itim na
salamangkero.

Ang naisip niyang paraan ay kalabanin niya ito sa pamamagitan ng kanyang mahika na
natutunan niya kay Maestro Tyron.

Kinalaban niya ang mga itim na salamangkero at ito’y kanyang natalo.

At nang kanyang matalo ang mga itim na salamangkero ay agad niyang pinuntahan ang
kanyang magulang at hinagkan.

Lubos ang galak ng pamilya ni Justine na muli silang magkita dahil sa wakas ay buo na
muli ang kanilang pamilya.

You might also like