Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 32

Kaantasan ng

Pang-uri
PANG-URI- Ito ay
tumutukoy sa mga
salitang naglalarawan
sa pangngalan ng tao,
bagay, hayop, lugar, o
pangyayari. Maaari rin
itong magbigay turing
sa isang panghalip.
1. Lantay – ito ay
nasa lantay na
kaantasan kapag
walang
ipinaghahambing na
dalawa o maraming
bagay. Ang mga
halimbawa nito
ay maganda, mataas,
mabigat,
at mahinahon.
Halimbawang
pangungusap:
a. Maganda si Eloisa.
b. Mataas ang bundok
sa probinsya ng
Malapatin.
c.Maagang umuwi si
Patrick kagabi.
Pahambing - ang
pang-uri kung ito ay
naghahambing o
nagtutulad ng
dalawang pangngalan
o panghalip. May
dalawang uri ng pang-
uring pahambing.
a. Pahambing na
Pasahol o Palamang-
nagsasaad ng
nakahihigit o
nakalalamang na
katangian ng isa sa
dalawang pangngalan
o panghalip na
pahambing.
Gumagamit ito ng mga
katagang higit, mas,
lalong, di gaano, di
gasino at iba pa.
Halimbawang pangungusap:
a. Mas maganda si
ELoisa kaysa kay
Katryn.
b.Magkasing-taas ang
mga bundok sa
probinsya ng Malapatin
at Hinanduraw.
c.Mas maagang umuwi
si Patrick kagabi kaysa
noong isang araw.
b.Pahambing na
Patulad – Nagsasaad
ng magkatulad o
magkapantay na
katangian ng
dalawang pangngalan
o panghalip na
pinaghahambing.
Gumagamit ito ng
mga panlaping tulad
ng sing/sin/sim,
magsing, kasing o ng
mga salitang kapwa at
pareho.
Halimbawang pangungusap:
a.Ang telebisyon at
internet ay
parehong masama
kapag nasobrahan.
b. Ang impluwensiyang
dulot ng mga ito sa
isipan ay
magsindami
3. Pasukdol – ito ay
nasa pasukdol na antas
o kaantasan kapag ito
ay nagpapakita ng
pangingibabaw sa
lahat. Ang mga
halimbawa nito
ay pinakamatalino,
pinakamatapang,  at 
pinakamalaki.
Halimbawang pangungusap:
a. Pinakamaganda si
Eloisa sa kanilang
magkakaibigan.
b. Pinakamagaang
umuwi si Patrick dahil
nagmamadali itong
makapagligpit sa
bahay nila.
c. Pinakamalakas na
ulan ngayong linggo
ang ulan noong
sabado.

You might also like