Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Pagtulong sa oras ng kalamidad

Isang araw habang nanonood si Anna sa telebisyon, napanood niya na may darating na malakas na
bagyo sa kanilang lugar. Agad niya sinabi ito sa kanyang magulang.

Anna: Tatay at Nanay may darating daw pong malakas na bagyo sa ating lugar.

Tatay: Kung ganun, kailangan nating maghanda sa parating na bagyo.

At dumating na ang malakas na bagyo. Nagbuhos ito ng ng malakas na ulan at hangin na nagdulot
ng pagbaha at pagkasira ng mga bahay at mga ari- arian. Kaya nag si likas ang mga tao gayundin
ang pamilya ni Anna.

Makalipas ang isang araw bumalik sina Anna sa kanilang tahanan. Paglabas niya sa kanilang
tahanan, nakita niya si aling Tina.

Anna: Aling Tina, Kamusta po kayo? Bakit po kayo umiiyak?

Aling Tina: Nasira ang aming tahanan, nadala ito ng baha, walang natira sa aming ari-arian.

Nang marinig ni Anna ang nangyari kay Aling Tina dali dali itong kumuha ng pagkain,damit at
tubig para ibigay kay Aling Tina.

Anna: Ito po! Tanggapin niyo po. Nawa makatulong po ito sa inyo!

Aling Tina: Salamat Anna! Malaking tulong ito sa amin.

Anna: Walang anuman po, Handa po akong tumulong, lalo na po sa mga ganitong kalamidad.

Makalipas ang isang linggo, sa pagtutulungan ng mga tao, Muling nakabangon ang lugar nina
Anna mula sa malakas na bagyo

You might also like