Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 25

PAGSULAT NG LIHAM

PANG-NEGOSYO
ANO ANG LIHAM?
• Ang pagsulat ng liham ay isang paraan ng
pakikipagtalastasan o komunikasyon sa
isang tiyak na pinag-uukulan sa
pamamagitan ng mga salitang nakalimbag o
nakatitik.

• Ang liham ay isang mabisang paraan ng


komunikasyon dahil dito nakapaloob ang
iyong mensahe sa padadalhan mo nito.
URI NG LIHAM
• LIHAM DI PORMAL
Liham na isinusulat para sa mga
kaibigan, kamag anak at iba pang mga kakilala
na ang mga salitang ginagamit at kadalasang
nagpapahayag ng pagiging palakaibigan,
magiliw, pagmamahal o pag aalala.
• LIHAM NA PORMAL
Liham na ang layunin ay seryoso,
opisyal at kadalasan ay tungkol sa
pangangalakal.
KARANIWANG BAHAGI NG LIHAM

• PAMUHATAN -Ito ang nagsasaad ng lugar o tirahan


kung saan ang liham ay isinulat o nagmula.
• PATUNGUHAN - Isinusulat dito ang buong pangalan
ng tao, ang kanyang designasyon, kumpanya,
kumpletong deskripsyon ng tirahan o lugar ng
kanyang opisina .
• BATING PANIMULA O PAMBUNGAD - Ito ay ang
magalang na pagbati ng sumusulat sa kanyang
sinusulatan.
KARANIWANG BAHAGI NG LIHAM

• KATAWAN NG LIHAM - Inilalahad dito ang mga nais


ipahiwatig o ang dahilan ng sumusulat sa kanyang
pagsulat ng liham.
• BATING PANGWAKAS – Sa bahaging ito makikita
ang maikling pamamaalam ng sumusulat.
• LAGDA – Dito makikita ang pangalan ng nagpadala at
ang kanyang personal na pagpirma.
ANYO NG LIHAM
• GANAP NA BLAK (FULL BLOCK STYLE)
Mapapansin na mas madaling tandaan ang ganap
na blak na anyo ng liham. Lahat ay nagsisimula sa
pinaka-kaliwang bahagi ng liham .
• MODIFAY BLAK ( MODIFIED BLOCK STYLE)
Ang modifay blak ay halos katulad ng ganap na
blak, ang kaibahan lamang ay ang pamuhatan at ang
bating pangwakas at lagda ay nasa bandang kanan ng
liham
ANYO NG LIHAM

• SEMI-BLAK ( SEMI-BLOCK STYLE)


Dito ang pamuhatan lamang ang nasa kanan. Ang
unang mga salita sa kanan ay naka-indent o nakaurong
ng konti sa kanan.
KATANGIAN NG ISANG MAAYOS NA
LIHAM
• MALINAW (CLEAR)
Ang pagiging malinaw ng isang liham ay makikita sa
kung paano mo pinagsunod-sunod ang iyong mga ideya.
Ang isang liham ay hindi dapat na maging sobrang haba o
maligoy.
• WASTO (CORRECT)
Lagi mong isaisip na anumang liham ay dapat
magtalglay ng angkop at tiyak na impormasyon.
• BUO ANG KAISIPAN (COMPLETE IDEA)
Siguruhin buo at sapat ang mga impormasyong
isinama sa liham.
KATANGIAN NG ISANG MAAYOS NA
LIHAm

• MAGALANG (COURTEOUS)
Maging magalang sa anumang uri ng liham na
isinusulat.
• MAIKLI (CONCISE)
Sikapin na ang bawat salitang iyong ginamit sa iyong
liham ay nakatutulong sa pagbabatid ng nais mong
sabihin.
• KOMBERSASYONAL (CONVERSATIONAL)
Masasabing mahusay ang pagkakasulat ng isang
liham kung ang bumabasa nito’y parang personal na
kausap ng sumulat.
LIHAM PANG-NEGOSYO
• Ang liham pang-negosyo ay liham na ginagamit
sa mga tanggapan at sa mundo ng kalakalan. Ito
ay mahalangang instrumento ng komunikasyon sa
pagitan ng mga mangangalakal at ng kanilang
mga kostumer o iba pang taong nais
makipagsapalaran sa kanila.
• Sa mundo ng kalakalan ang liham pang-negosyo
ang kanilang paraan ng komunikasyon. Ito ang
ginagamit pagdating sa mga transaksyon ng
kompanya o sa iba’t ibang institusyon.
URI NG LIHAM PANG-NEGOSYO
• LIHAM KAHILINGAN
-layunin nitong magpahayag ng isang malinaw at
tiyak na kahilingan.
URI NG LIHAM PANG-NEGOSYO
• LIHAM SUBSKRIPSYON
- ang ganitong uri ng liham ay nagsasaad ng pagbili
ng mga babasahin mula sa mga tanggapan ng pahayagan,
magasin, at komiks na siyang na syang magiging supply
ng kompanya ng sumulat ayon sa hiniling o napag-usapan
ng sumulat at ng publikasyon.
URI NG LIHAM PANG-NEGOSYO
• LIHAM SUBSKRIPSYON
URI NG LIHAM PANG-NEGOSYO

• LIHAM APLIKASYON
- layunin ng ganitong uri ng liham na
matanggap sa trabahong inaaplayan.
URI NG LIHAM PANG-NEGOSYO

• LIHAM PAGTATANONG
- nais ng sumulat na linawin ang mga tiyak
na impormasyon mula sa mga dalubhasa o sa
mga taong kaniyang sinulatan.
URI NG LIHAM PANG-NEGOSYO

• LIHAM KARAINGAN
- layunin ng sumulat na ipabatid ang
kaniyang reklamo maaaring sa isang tao o isang
kompanya.
URI NG LIHAM PANG-NEGOSYO
• LIHAM PASASALAMAT
-nais nang sumulat na ipaabot ang kaniyang
pasasalamat sa isang tao o institusiyon.
BAHAGI NG LIHAM PANG-NEGOSYO

• ULONG-SULAT
- Ito ang bahagi ng liham- pang negosyo na
nagsasaad ng kompanya o institusiyon na pagmumulan
ng liham.
• PAMUHATAN
- Ito ang bahagi ng liham na nakasulat ang address
ng sumulat.
• PETSA
- Bahagi kung kailan isinulat o ipinadala ang liham.
BAHAGI NG LIHAM PANG-NEGOSYO

• PATUNGUHAN
- Dito nakalagay kung para kanino ang liham.
Kasama rin dito ang posisyon, kompanya o institusiyon (at
adres) kinabibilangan ng susulatan.
• BATING PANIMULA
- Pagbati sa taong susulatan.
• KATAWAN NG LIHAM
- Sinasabing ito ang pinakamahalagang bahagi ng
liham dahil dito nakasaad ang layunin o pinakapunto ng
iyong mensahe.
BAHAGI NG LIHAM PANG-NEGOSYO

• PAGBATING PANGWAKAS
- Naglalaman ng magalang na pagbati sa
pagtatapos ng liham.
• LAGDA
- Panghuling bahagi ng liham. Nakalagay dito ang
pangalan at lagda ng sumulat kasama na ang posisyon at
kompanyang kinabibilangan ng sumulat.

You might also like