Professional Documents
Culture Documents
Ang Pagmimisa Ukol Sa Pag-Iisang-Dibdib
Ang Pagmimisa Ukol Sa Pag-Iisang-Dibdib
PAG-IISANG-DIBDIB
2 | ANG PAGMIMISA UKOL SA PAG-IISANG-DIBDIB
UNANG BAHAGI
PAGPASOK SA SIMBAHAN
Pagsapit ng takdang oras, ang pari, na nararamtan ng kasuotan, para sa pagmimisa, ay paroroon
sa pintuan ng simbahan. Siya ay sasamahan ng mga naglilingkod. Maaari rin namang siya ay
pumaroon sa dambana. Babatiin niya ang mga ikakasal bilang pagpapahayag na ang
Sambayanan ng Diyos ay nakikiisa sa kanilang kagalakan. Kapag mayroong dahilan upang
laktawan ang pagsalubong sa ikakasal, masisimulan kaagad ang pagdiriwang ng pag-iisang-
dibdib sa pasimula ng Misa.
Kapag magpuprusisyon patungong dambana, mauunang lalakad ang mga naglilingkod, susunod
ang pari ang mga ikakasal na maaaaring Samahan ng mga magulang at mga ninong at ninang na
maaaring Samahan ng mga magulang at mga ninong at ninang alinsunod sa umiiral na kaugalian.
Habang ito ay nagaganap, ang pambungad na taludtod ay inaawit.
PASIMULA
Matapos ang awiting pambungad, habang nakatayo ang lahat, ang pari at ang mga tao ay magkukrus.
Ipapahayag ng paring nakaharap sa tao:
S a ngalan ng Ama,
at ng Anak, at ng Espirito Santo.
Amen.
Ilalahad ng pari ang kanyang mga kamay bilang pagbati sa mga tao, habang ipinahahayag:
At sumaiyo rin.
Susunod na gaganapin ang pagsisisi sa kasalanan. Aanyayahan ng pari ang mga tao:
Amen.
KYRIE
Isusunod ang mga pagluhog na ”Panginoon, kaawaan mo kami,” maliban kapag naganap na ito
kaugnay ng ibang paraan ng pagsisisi sa kasalanan:
PAPURI SA DIYOS
PANALANGING PAMBUNGAD
Pagkaraan ng awit, magkadaop ang mga kamay na ipahahayag ng pari:
Manalangin tayo.
Ang lahat kaisa ng pari ay tahimik na mananalangin nang saglit. Pagkalipas ng ilang sandali,
ilalahad ng pari ang kanyang kamay at ipahahayag and panalanging pambungad:
A ma naming makapangyarihan,
iyong itinatalaga na ang pag-iisang-dibdib
ay maging sagisag ng pag-ibig
ni Kristo sa kanyang banal na Sambayanan.
Sa pinagdurugtong na buhay nina N., at N.,
na ngayo’y umaako sa banal na tipan ng kasal
nawa’y mangibabaw ang ipinahayag nalang pagmamahalan
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Amen.
IKALAWANG BAHAGI | 7
IKALAWANG BAHAGI
PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS
Paroroon sa pook ng pagbasa ang maglalahad ng Salita ng Diyos. Habang ipinapahayag niya ang unang
pagbasa, ang lahat ay nakaupong makikinig.
UNANG PAGBASA
Genesis 2, 18-24
“Sila’y nagiging iisa.”
S inabi ng Panginoon,
“Hindi mainam na mag-isa ang tao;
bibigyan ko siya ng makakasama at makakatulong.”
Kaya, lumikha siya ng mga hayop sa parang at ibon sa himpapawid,
inilapit sa tao,
at ipinaubaya dito ang pagbibigay ng pangalan ng mga iyon.
Kung ano ang kanyang itawag, iyon ang magiging pangalan ng mga iyon.
Ang tao nga ang nagbigay ng pangalan sa lahat ng ibon at mga hayop,
maging maamo o mailap.
Ngunit wala isa man sa mga ito
ang angkop na kasama at katulong niya.
Sinabi ng lalaki,
“Sa wakas, narito ang isang tulad ko,
laman ng aking laman, buto ng aking buto;
babae ang siyang itatawag sa kaniya
sapagkat sa lalaki nagmula siya.”
8 | ANG PAGMIMISA UKOL SA PAG-IISANG-DIBDIB
Ito ang dahilan kaya iniiwan ng lalaki ang kanyang ama at ina
Upang sumama sa kaniyang asawa, sapagkat sila’y nagiging iisa.
Salamat sa Diyos.
Ang tagapaglingkod ng salmo o tagaawit ay magpapahayag ng akda mula sa Aklat ng mga Awit at ang
mga tao ay tutugon ng kaukulang taludtod.
SALMONG TUGUNAN
Salmo 127, 1-2, 3, 4-5.
Pagkatapos, kung mayroong ikalawang pagbasa, ipapagayad din ito sa pook ng pagbasa katulad ng
nauna.
IKALAWANG PABASA
Efeso 5, 2a. 21-33
“Isang dakilang katotohanan and inihahayag nito
- ang kaugnayan ni Kristo sa Simbahan.”
M ga kapatid,
mamumuhay kayong puspos ng pag-ibig tulad ni Kristo;
dahil sa pag-ibig sa atin, inihandog niya ang kanyang buhay
bilang mahalimuyak sa hain ng Diyos.
Mga babae,
pasakop kayo sa inyu-inyong asawa
tulad ng pagpapasakop ninyo sa Panginoon.
Sapagkat ang lalaki ang ulo ng kanyang asawa, tulad ni Kristo
na siyang ulo ng simbahan, na kanyang katawan,
at siyang Tagapagligtas nito.
Kung paanong nasakop ni Kristo ang simbahan,
gayun din naman,
ang mga babae’y dapat pasakop nang lubusan sa kani-kanilang asawa.
Mga lalaki,
ibigin Ninyo ang inyu-inyong asawa,
gaya ng pag-ibig ni Kristo sa simbahan.
Inihandog niya ang kanyang buhay para rito,
upang ang simbaha’y italaga sa Diyos
matapos linisin sa pamamagitan ng tubig at ng salita.
10 | ANG PAGMIMISA UKOL SA PAG-IISANG-DIBDIB
Salamat sa Diyos.
IKALAWANG BAHAGI | 11
Samantalang ginaganap ang pag-awit, maglalagay ng isenso sa insensaryo ang pari kung minamabuting
gamitin ito. Pagkaraan, ang diyakonong magpapahayag ng Mabuting Balita ay yuyuko sa hap ng pari
at hihilingin niya ang pagpapala sa mahinang tinig:
Amen.
Kapag walang diyakono, ang paraing nakayuko sa gawing dambana ay magdarasal nang pabulong:
Makapangyarihang Diyos,
gawin mong dalisay ang aking puso at mga labi
upang marapat kong maipahayag ang Mabuting Balita.
Pagkatapos, ang diyakono o ang pari ay paroroon sa pook ng pagbasa. Magagawa ito nang paprusisyon
na nilalahukan ng mga tagapaglingkod na may dalang insensaryo at mga kandila. Sa pook ng pagbasa,
ihahayag ng tagapaglahad:
At sumainyo rin.
12 | ANG PAGMIMISA UKOL SA PAG-IISANG-DIBDIB
Samantala’y kurusan niya ang aklat, ang kanyang noo, ang kanyang bibig, at ang kanyang dibdib.
Pagkaraan, iinsensuhan ng diyakono o ng pari ang aklat kung ginagamit ang insenso at ipahahayag niya
ang Mabuting Balita.
Pagkapahayag sa Mabuting Balita, gaganapin ng pari ang pangaral na nasasalig sa mga inilahad mula
sa Banal na Kasulatan tungkol sa misteryo ng pag-iisang-dibdib ng mga Kristiyano, dangal ng pag-ibig
ng mga mag-asawa, pagpapalang dulot ng sakramentong ito at mga pananagutan ng mga mag-asawa.
Ang pangaral ay inaangkop sa katayuan ng mga kinauukulan.
PANGARAL
(Hinalaw sa Familiaris Consortio, 11, 12, 13, at 86)
Mga kapatid, tayo’y nilikha ng Diyos bilang kanyang kawangin, tinatawag niya
tayo upang mabuhay sa pamamagitan ng pag-ibig at para sa pag-ibig. Ang
pangunahing kataga sa Pahayag ng Diyos ay ang kanyang pag-ibig sa kanyang
sambayanan. Ito ay ipinahahayag sa inyong pag-iibigan, N., at N. Ang buklod ng
pag-ibig ng magkaisang-dibdib ay siyang larawan at tagapaghiwatig ng tipan na
siyang nag-uugnay sa Diyos at sa kanyang sambayanan.
IKATLONG BAHAGI
PAG-IISANG-DIBDIB
Ang lahat ay titindig pati ang mga ikakasa. Sisindihan ang mga kandila sa magkabilang gilid ng luhuran
ng mga ikinasal. Ang mga sumusunod na pangungusap o anumang katumbas nito ay ipapahayag ng
pari sa ngalan ng Simbahan ng Diyos:
Sa katapusan ng pangaral, ang pari ay maglalahad ng mga katanungan sa mga ikakasal upang kanilang
maipahayag ang kanilang kusang-loob at tapat na pag-ibig sa isa’t isa at ang pagiging handang tanggapin
at hubugin ang kanilang magiging anak. Makahaharap sa bayan ang mga ikakasal hanggang sa
pagpapatibay ng kanilang kasal. Kapag sila’y lampas na sa gulang na pagkakaroon ng anak,
malalaktawan ang huling tanong.
Alinsunod sa pasya ng mga ikinakasal, kanilang maipahayag ang pagtitipan nila sa pamamagitan ng
pagtugon sa mga tanong ng pari o kaya’y sa pamamagitan ng pagsasabi nila ng kanilang panata sa isa’t
isa. Anumang paraan ang mapili, ang pagtitipan ay gaganapin ng mga ikinakasal habang sila’y
magkadaup-palad.
Ang ikalawa at ikatlong tanong ay malalaktawan kapag nakasal na sa hukuman ng pamahalaan ang
magkatipan.
Magkasintahan:
Ama namin,
kami po ay inyong loobing
magkaisa ng kalooba’t damdamin
mula ngayon sa kaginhawahan at kahirapan
sa karamdaman at kalusugan
sa lahat ng araw ng aming buhay.
IKATLONG BAHAGI | 19
Pari:
Lahat:
Amen.
Lalapit ang maydala ng singsing at aras upang ito’y panalanginan ng pari bilang pagbibigay-kahulugan
sa mga sagisag na ito ng kasal. Wiwisikan ng pari ang mga singsing at aras ng banal na tubig.
Pari:
Lahat:
Amen
20 | ANG PAGMIMISA UKOL SA PAG-IISANG-DIBDIB
Sa halip ng mga salapi, ang mga aras at maaaring sagisag ng kabuhayan tulad ng bigas, mga kuwintas
at pulseras, alinsunod sa umiiral na kaugalian.
Pari:
Lahat:
Amen
Isusuot ng lalaki sa kinauukulang daliri ng babae ang singsing habang kanyang sinasabi:
Lalaki:
Isusuot ng babae sa kinauukulang daliri ng lalaki ang singsing habang kanyang sinasabi:
Ilalagak ng lalaki ang mga aras (mga salapi, o kaya bigas, kuwintas o pulseras) upang ipagkatiwala ito
sa babae habang kanyang sinasabi:
Tintanggap ko ito
at nangangako akong
magiging iyong katuwang
sa wastong paggamit at pangangasiwa
ng ating kabuhayan.
Matapos ang pagbibigayan ng singsing at aras, maaaring batiin ng mag-asawa ang isa’t isa sa
pamamagitan ng masuyong paghalik. Sila’y magmamano sa kanilang mga magulang, ninong at ninang.
Sila’y papalakpakan ng sambayanan habang tinutugtog ang mga batingaw.
22 | ANG PAGMIMISA UKOL SA PAG-IISANG-DIBDIB
PAGPAPAHAYAG NG PANANAMPALATAYA
Isusunod ang “Sumasampalataya ako,” kung hinihingi ng araw ng pagdiriwang at pagkatapos ay ang
Panalangin ng Bayan.
Sumasampalataya ako
sa Diyos Amang makapangyarihan sa lahat,
na may gawa ng langit at lupa.
Sumasampalataya ako kay Hesukristo,
iisang Anak ng Diyos, Panginoon nating lahat.
Nagkatawang-tao siya lalang ng Espiritu Santo,
ipinanganak ni Santa Mariang Birhen.
Pinagpakasakit ni Poncio Pilato,
ipinako sa krus, namatay, inilibing.
Nanaog sa kinaroroonan ng mga yumao.
Nang may ikatlong araw nabuhay na mag-uli.
Umakyat sa langit.
Naluluklok sa kanan ng Diyos
Amang makapangyarihan sa lahat.
Doon magmumulang paririto
at huhukom sa nangabubuhay at nangamatay na tao.
Sumasampalataya naman ako
sa Diyos Espiritu Santo,
sa banal na Simbahang Katolika,
sa kasamahan ng mga banal,
sa kapatawaran ng mga kasalanan,
sa pagkabuhay na muli ng nangamatay na tao
at sa buhay na walang hanggan.
Amen.
IKATLONG BAHAGI | 23
PANALANGIN NG BAYAN
Amen.
IKAAPAT NA BAHAGI | 25
IKAAPAT NA BAHAGI
PAGDIRIWANG NG HULING HAPUNAN
Sa pagsisimula nito, makapagpuprusisyon ang mga tao na nag-aalay ng makatutulong sa mga dukha.
Samantalang ito’y ginagawa, aawitin ang sumusunod o ibang naaangkop na awit.
Pagkatapos, ilalagay ng mga tagapaglingkod ang telang patungan ng Katawan ni Kristo, ang pamahiran,
ang kalis, at ang Aklat ng Pagmimisa sa ibabaw ng dambana.
Ngayon nama’y tatayo ang Pari sa gawing gitna ng dambana, hahawakan niya ang pinggan ng tinapay
nang bahagyang nakaangat sa dambana, habang dinarasal niya nang pabulong:
Kapag hindi ginaganap ang awit ng pag-aalay, ang mga pangungusap na ito ay madarasal nang malakas
ng Pari at sa katapusan makapagbubunyi ang mga tao:
Ang diyakono o ang pari ay magbubuhos ng alak at kaunting tubig sa kalis habang dinarasal nang
pabulong:
Pagbalik sa gawing gitna ng dambana, hahawakan ng Pari ang kalis nang bahagyang nakaangat sa
dambana habang dinarasal niya nang pabulong:
Kapag hindi ginaganap ang awit ng pag-aalay, ang mga pangungusap na ito ay madarasal nang malakas
ng Pari at sa katapusan makapagbubunyi ang mga tao:
Kung minamabuting gawin, iinsensuhan ng pari ang mga alay at ang dambana; pagkaraa’y iinsensuhan
ng diyakono o ng tagapaglingkod ang pari at ang mga nagsisimba.
Pagkatapos, ang pari’y pupunta sa gilid ng dambana, maghuhugas siya ng mga kamay samantalang
pabulong niyang dinarasal:
Pagbalik ng pari sa gawing gitna ng dambana, ilalahad niya ang kanyang mga kamay sa mga tao at muli
niyang pagdaraupin habang kanyang ipinahahayag:
A ma naming Lumikha,
iyong pagdamutan at tanggapin ang aming handog
para sa pag-iisang-dibdib nina N., at N.
Ang pag-ibig mong kanilang tintaglay
ay loobin mong kanilang maihandog s aiyo
sa kanilang pagmamahalan araw-araw
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Amen.
28 | ANG PAGMIMISA UKOL SA PAG-IISANG-DIBDIB
A ma naming makapangyarihan,
tunay ngang marapat
na ikaw ay aming pasalamatan.
SANTO
A ma naming banal,
ikaw ang bukal ng tanang kabanalan.
Pagdaraupin ng pari ang kamay at kukrusan niya ang tinapay at kalis, samantalang kanyang dinarasal:
Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay at kukrusan niya ang tinapay at kalis, samantalang
kanyang dinarasal:
Ang mga salita ng Panginoon sa mga sumusunod na pangungusap ay ipahahayag nang malinaw at
nauunawaan ng tanan ayon sa hinihingi ng kahulugan ng mga ito.
Hahawakan ng pari ang tinapay nang bahagyang nakataas sa ibabaw ng dambana habang kanyang
patuloy na inihahayag:
Ipamamalas niya ang ostiyang itinalagang maging Katawan ni Kristo, ipapatong niya ito sa pinggan, at
luluhod siya bilang pagsamba.
Hahawakan ng pari ang kalis nang bahagyang nakataas sa ibabaw ng dambana habang kanyang patuloy
na inihahayag:
Ipamamalas niya ang kalis, ipapatong niya ito sa telang patungan ng Katawan ni Kristo, at luluhod siya
bilang pagsamba.
Aming ipinahahayag
na namatay ang ‘yong Anak,
nabuhay bilang Mesiyas
at magbabalik sa wakas
para mahayag sa lahat.
A ma,
ginagawa namin ngayon ang pag-alala
sa pagkamatay at muling pagkabuhay ng iyong Anak
kaya’t iniaalay namin 31 aiyo
ang tinapay na nagbibigay-buhay
at ang kalis na nagkakaloob ng kaligtasan.
Kami’y nagpapasalamat
dahil kami’y iyong minarapat
na tumayo sa harap mo
para maglingkod 31 aiyo.
Isinasamo naming kaming magsasalu-salo
sa Katawan at Dugo ni Kristo
ay mabuklod sa pagkakaisa
sa pamamagitan ng Espiritu Santo.
Isang nakikipagmisa
Ama,
lingapin mo ang iyong Simbahang
laganap sa buong daigdig.
Puspusin mo kami sa pag-ibig
kaisa ni Francisco, na aming Papa
at ni Jose, na aming Obispo,
at ng tanang kaparian
32 | ANG PAGMIMISA UKOL SA PAG-IISANG-DIBDIB
Isang nakikipagmisa
Alalahanin mo rin
ang mga kapatid naming nahimlay
nang may pag-asang sila’y muling mabubuhay
gayun din ang lahat ng mga pumanaw.
Kaawaan mo sila at patuluyin sa iyong kaliwanagan.
Kaawaan mo at pagindapatin kaming lahat
na makasalo sa iyong buhay na walang wakas.
Kaisa ng Mahal na Birheng Maria na Ina ng Diyos,
ng kanyang Kabiyak ng puso, si San Jose,
kaisa ng mga apostol at ng lahat ng mga banal
na namuhay dito sa daigdig nang kalugud-lugod sa iyo,
maipagdiwang nawa namin ang pagpupuri sa ikararangal mo.
Hahawakan ng pari ang pinggang may ostiya at ang kalis na kapwa niya itataas habang kanyang
ipinahahayag.
Amen.
IKAAPAT NA BAHAGI | 33
ANG PAKIKINABANG
Pagkalapag ng kalis at pinggan sa dambana, ipahahayag ng pari nang may magkadaop na mga
kamay:
Illalahad ng pari ang kanyang mga kamay at ipahahayag niya kaisa ng lahat
Mga kapatid,
halina't ipanalangin
sa Ama nating banal
ang mga bagong kasal
na nangangakong magmamahalan
bilang mga magkasalo
sa Katawana at Dugo ng Poong mahal.
34 | ANG PAGMIMISA UKOL SA PAG-IISANG-DIBDIB
Itataas ng pari ang kanyang mga kamay na lumulukob sa mag-asawang nakaluhod habang kanyang
inihahayag ang tanging pagpapala ukol sa bagong kasal. Malaktawan ang mga pangungusap sa
panaklong kapag sila’y napakatanda na at hindi na magkakaanak.
Sa ikatlo at ikaapat na talata, ang pangungusap na nasa panaklong ay malalaktawan kapag lampas na
sa gulang ng pagkakaanak ang mag-asawa.
P anginoong Hesukristo,
sinabi mo sa iyong mga Apostol:
“Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo.
Ang aking kapayapaan ang ibinibigay ko sa inyo.”
Tunghayan mo ang aming pananampalataya
at huwag ang aming pagkakasala.
Pagkalooban mo kami ng kapayapaan
at pagkakaisa ayon sa iyong kalooban.
At, alinsunod sa kaugalian ng iba’t-ibang pook, ang mga nagsisimba ay mabigbigyan ng kapayapaan.
Ang pari at ang mga tagapaglingkod ay makapagbibigayan ng kapayapaan.
Pagkatapos, hahawakan ng pari ang ostiya at hahati-hatiin niya ito sa ibabaw ng pinggan at
isasawak niya ang kaputol sa kalis habang pabulong niyang dinarasal:
Sa pagsasawak na ito
ng Katawan sa Dugo ng aming Panginoong Hesukristo
tanggapin nawa namin sa pakikinabang
ang buhay na walang hanggan.
Samantalang ginaganap ang paghahati-hati sa ostiya, aawitin o darasalin ang pagluhog na ito.
Kordero ng Diyos,
na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
maawa ka sa amin.
Kordero ng Diyos,
na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
maawa ka sa amin.
Kordero ng Diyos,
na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
ipagkaloob mo sa amin ang kapayapaan.
Ito ay mauulit-ulit habang ginaganap ang paghahati-hati sa tinapay. Sa huling pag-uulit saka pa lamang
idurugtong ang “ipagkaloob mo sa amin ang kapayapaan.”
IKAAPAT NA BAHAGI | 37
o kaya:
Luluhod ang pari at pagtayo niya’y kanyang hahawakan ang ostiya na itataas sa ibabaw ng pinggan.
Paharap sa mga tao siyang magsasabi ng malakas:
Katawan ni Kristo.
Amen.
Pagkapakinabang, ang mga mumo ng ostiya na nasa pinggan ay titipunin sa kalis na huhugasan ng pari
o ng diyakono o ng tagapaglingkod. Habang ito ay ginaganap ng pari, pabulong siyang magdarasal:
Makababalik ngayon sa upuan ang pari. Makapag-uukol ng ilang saglit na katahimikan o makaaawit ng
papuri o salmo.
IKAAPAT NA BAHAGI | 39
PANALANGIN PAGKAPAKINABANG
Pagkaraan, ang pari ay titindig sa harap ng upuan o sa gawi ng dambana paharap sa mga nagsisimbang
magpapahayag:
Manalangin tayo.
A ma naming mapagmahal,
ang iyong loobing makiisa
ay panatilihin mong umiiral,
sa mga nagsalo sa haing nagbibigay-buhay.
Pamalagiin mong nagmamahalan
at nagkakaisa ng kalooba’t kaisipan
sina N., at N., na pinagbulklod mo
sa banal na pagsasama ay iyong pinapagsalo
sa pagkai’t inuming pagkakaisa ang ibinibigay
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
Amen.
PAGHAYO SA PAGWAWAKAS
Iaalis ngayon ang belo at kordon. Tatayo ang mga bagong kasal para sa tagubilin at pagbabasbas. Bilang
tagubilin, sasabihin ng pari sa mga bagong kasal:
At sumainyo rin.
Amen.
Ipapahayag ng pari:
Amen.
IKAAPAT NA BAHAGI | 41
Ipapahayag ng pari:
Amen.
Amen.
Ang diyakono o ang paring magkadaop ang mga kamay ay magpapahayag ng paghayo sa
sambayanan:
Salamat sa Diyos.