ANG KALAKHANG MARIKINA – LUGAR KUNG SAAN AKO LUMAKI
Ako ay nakatira sa Lungsod ng Marikina na kilala bilang Kabisera
ng paggawa ng Sapatos sa Pilipinas. Ang lungsod ng Marikina ay matatagpuan sa Luzon, sa may silangang hangganan ng Kalakhang Maynila, nakapaligid sa Marikina ang Lungsod Quezon sa kanluran, Lungsod ng Pasig at Cainta, Rizal sa timog, Lungsod ng Antipolo sa silangan, ang kabisera ng lalawigan ng Montalban at San Mateo sa hilaga na nasa Rizal din. Tinatayang 21 kilometro ang layo nito mula sa Lungsod ng Maynila. Isang lambak o Valley ang Marikina na may mainit na klima o tropical monsoon na medyo mataas na temperatura, mataas na humidity at masaganang pag-ulan. Madalas ang pagbaha dito sa Marikina dulot na din ng pagkakasalikop sa atin ng mg bayan ng Rizal na lubhang matataas kung kaya ang mga biglaang dagsang daloy na tubig mula sa kanila ay syang pagbaha naman sa atin dito. Pangunahing ilog ang dumadaan sa Lungsod ng Marikina. Isa ito sa mga sanga ng Ilog Pasig na ang pinagkukunan ng tubig ay sa Bulubundukin ng Sierra Madre Rodriguez, Rizal. Dumadaloy ang Ilog ng Marikina, isang sanga ng Ilog Pasig sa gitna ng lungsod. Sa katunayan, sinasakop ng lungsod ang bahagi ng Lambak ng Marikina at binabaha kapag may mga bagyo (tulad ng nangyari noong Bagyong Ondoy). Luntian ang kalakhang Marikina. Marami pang mga lugar na may taniman ng gulay at mga fruit trees. Pinipilit din ng pamahalaang panglungsod ang pangalagaan ang kalinisan at pagpapayabong ng mga puno at halaman sa kabuuan ng Marikina. Kapag pumasyal ka sa may ilog, may mga lugar na napakaganda tignan dahil makakapal ang damo at maituturing na scenic spot. Suriin natin ang mga subdivisions na kagaya ng kung saan ako nakatira---sa Sampaguita Village, kung saan may mga mayayabong na puno ang mga daanan kung kaya’t malilim at malamig habang ikaw ay naglalakad. Masasabing tumutupad sa Clean and Green Campaign ang bayan ng Marikina. Ang aming lugar (Sampaguita Village) ay 4.2 kilometro ang layo mula sa Marikina River kung kayat minsan ay naaapektuhan talaga ng pagtaas ng tubig gaya na lamang noong Ondoy at Ulysses.