Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Tema: Ang pelikulang “Anak” ay kwento ng isang ina na nangangarap magtrabaho sa ibang

bansa para magtrabaho para sa kanyang mga anak at asawa na nasa Pilipinas, bilang isang
Overseas Filipino Worker (OFW) sa Hong Kong. Nais niyang umalis ng bansa upang
magtrabaho para sa pamilya upang mapangalagaan, matustusan at maibigay ang mga
pangangailangan ng kanyang asawa at tatlong anak. Ipinakita sa mga manonood ng pelikulang
Anak ang sakripisyo at pagsusumikap na ginagawa ng mga magulang na OFW para sa kanilang
pamilya, at may kinalaman din ito sa relasyon ng isang ina sa kanilang mga anak.

Tauhan:
Vilma Santos gumanap bilang si Josie- Ina na nagtatrabaho sa Hongkong at nawalay sa pamilya.
Tiniis niyang magtrabaho at mangulila sa ibang bansa upang mabigyan ng magandang
kinabukasan ang kanyang asawa na si Rudy at ang mga anak na sina Carla, Michael, at Daday.
Ngunit iba ang nangyari sa kanyang pangarap na mabigyan ng magandang buhay ang mga anak
at asawa.
Claudine Barreto gumanap bilang si Carla- Ang unang anak ni Josie at Rudy. Nangulilang anak
para sa kanyang ina kaya siya'y nagrebelde habang wala ang ina sa kanyang tabi. Punong-puno
ng galit at sama ng loob sa ina dahil sa ilang taong di kapiling ang ina.
Joel Torre gumanap bilang si Rudy- Asawa at ama nina Carla, Michael, at Daday.
Barron Geisler gumanap bilang si Michael- Ang pangalawang anak nina Josie at Rudy at nag
iisang anak na lalaki sa magkakapatid. Isang matalinong anak kaya't siya ay skolar ng kanyang
paaralan ngunit natanggal ito dahil sa kanyang personal na problema.
Shiela Mae Alvero gumanap bilang si Daday- Ang bunsong anak ni Josie at Rudy. Hindi
kinikilalang ina si Josie dahil sa pag iwan ni Josie sa kanya noong sanggol pa lamang. At anim
na taong di nakapiling ang ina.

You might also like