Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region 02(Cagayan Valley)
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF ISABELA
Ramon District
AMBATALI ELEMENTARY SCHOOL

Ikalawang Markahang Pagsusulit


FILIPINO 3

Pangalan: _____________________________________________ Petsa: ________________


Panuto: Basahin at sagutin ng maayos ang mga tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang letra ng
sagot bago ang numero.

1-4. Basahin ang pangungusap. Hanapin ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit. Isulat ang titik
ng wastong sagot  sa patlang bago ang bilang.

_____1. Nakita ni Aries ang dambuhalang alon sa dagat kaya siya ay takot na takot na napakapit sa kanyang
tatay.
A. Malaki B. tahimik C. matapang D. mayabang
_____2. Ang nakatiwangwang na lupa ay tinaniman ng iba’t-ibang gulay ni Mang Pedro.
A. Bayolente B. tahimik C. bakante d. mayabong
_____3. Ang Barangay Silangan ay isang payapang lugar.
A. Bayolente B. tahimik C. bakante d. mayabong
_____4. Nakakatakot kasama ang mga taong marahas dahil kadalasan, sila ay nakakasakit.
A. Bayolente B. tahimik C. bakante d. mayabong
5-7. Basahin ang pangungusap. Hanapin ang kasalungat ng salitang may salungguhit. Isulat ang titik ng
wastong sagot  sa patlang bago ang bilang.
_____5. Hindik na hindik ang bata sa kanyang nakitang kakaibang nilalang sa kanyang panaginip.
A. Takot na takot B. nanabik C. nalulungkotD. nayayamot
_____6. Malungkot si Allan dahil umalis ang kanyang kaibigan.
A. naiinis B. nanabik C. Masaya D. nayayamot
_____7. Maraming tao ang dumalo sa kaarawan ni Ivana.
A. Kaunti B. mayabong C. Malaki D. mataas

8-12. Piliin ang salitang katugma ng salitang nasa kahon.

_____8. A. kahera B. laso C. tahi D. lapit


Pera
_____9. dilis A. buto B. lamesa C. walis D. baho

_____10. bata A. pata B. susi C. baso D. papel

_____11. gulay A. baka B. laro C. kubo D. kulay

_____12. dahon A. kaha B. kalan C. kahon D. bao

13-15. Piliin ang letra ng angkop na kambal katinig o klaster upang mabuo ang diwa ng pangungusap.
_____13. Kinagat ako ng isang malaking langgam sa aking __aso.
A. tr B. pr C. br D. dr
_____14. Ang __ago ay isang ibon na madalas gising sa gabi.
A. gw B. kw C. pw D. dw
_____15. Darna ang __ogramang gusto kong panoorin sa telebisyon.
A. tr B. pr C. br D. dr
_____16. Si Lorna ay matiyagang nag-aaral upang tumaas ang kanyang grado. Anong salita sa pangungusap
ang may klaster?
A. Lorna B. tumaas C. grado D. nag-aaral
_____17. Nais ni Bella na bumili ng bagong tsinelas. Anong salita sa pangungusap ang may kambal katinig?
A. tsinelas B. bagong C. Nais D. bumili
_____18. Sa kalagitnaan ng kanyang paglalaro, napatid ni Elsa ang paa ni Pepito. Alin sa mga salitang may
salungguhit ang may panlaping unlapi at hulapi?
A. Paglalaro B. kalagitnaan C. napatid
_____19. Si Brian ay naging masaya nang Makita niya ang kanyang Lola Berta. Ang salitang masaya ay
may panlaping ______.
A. Ya B. na C. sa d. ma
_____20. Si Alpha ay isang pulis. Siya ay kinatatakutan ng mga magnanakaw sa kanilang lugar. Ano ang
salitang ugat ng salitang may salungguhit?
A. Takot B. takutan C. tatakot D. akot
_____21. Si Arah ay masayahing bata samantalang si Cristy ay malungkutin. Ang mga salitang may
salungguhit ay ________.
A. Magkasalungat B. magkatugma C. Magkasingkahulugan
_____22. Maraming dumalo sa misa noong Linggo kaya masagana ang handaan pagkatapos. Ang mga
salitang may salungguhit ay ________.
A. Magkasalungat B. magkatugma C. Magkasingkahulugan
_____23. Ano ang kasingkahulugan ng salitang maganda?
A. Marikit B. maputi C. madumi D. marami
_____24. Iniibig ng ina ang kanyang mga anak ng higit pa sa kanyang buhay.
Ano ang ibig ipahiwatig ng salitang may salungguhit?
A. Handa niyang isakripisyo ang kaligayahan para sa mga anak
B. Handa niyang iwan ang mga anak
C. Hindi nya mahal ang kanyang mga anak
D. Madilim ang bahay kung wala ang nanay
_____25. Si Lovely ay isang magiting na sundalo. Anong salita ang naglalarawan kay Lovely bilang
sundalo?
A. Magiting B. matapang C. mahinhin D. tamad
_____26. Ang tigre ay kinatatakutang hayop sa kagubatan. Alin ang naglalarawan sa tigre sa pangungusap?
A. Kagubatan B. kinatatakutan C. tigre D. hayop
_____27. Iniwan ni Lloyd ang kanyang aso nang siya ay magtungo sa kanilang paaralan. Ano ang
mararamdaman ng aso nang siya ay maiwan sa bahay nina Lloyd?
A. Masaya B. matakaw C. malungkot D. mananabik

28-30. Basahin ang talata at bigyan ng angkop na wakas ang kuwento. 

_____28. Matapat na bata si Evelyn. Minsan may nakaiwan ng kaniyang pitaka sa upuan niya. Mabuti na
lang at kilala niya kung sino ang may-ari nito. Ano kaya ang gagawin niya? 
a. Isasauli sa may-ari ang pitaka. 
b. Itatago ang pitaka sa kaniyang kuwarto. 
c. Kukuha ng pera sa pitaka at itatapon niya sa kalsada.
_____29. Mahilig kumain ng tsokolate si Aliya. Palagi siyang pinasasalubungan ng tsokolate ng kaniyang
Tatay tuwing galing siya sa trabaho. Ngunit, sinasabihan naman siya na huwag marami ang kaniyang
kakainin. Minsan, pagkatapos maghapunan dumating ang kaniyang Tatay na may dalang maraming
tsokolate. Dahil sa katuwaan naparami ang kain niya nito. Ano kaya ang puwedeng mangyari sa kaniya? 
a. Masaya si Aliya. 
b. Mahimbing ang kaniyang tulog. 
c. Di-nakatulog at iyak nang iyak dahil sumakit ang kaniyang ngipin.
_____30. Sabado ng umaga, maagang gumising ang magkapatid na Kc at Kia. Agad silang kumuha ng walis
tingting at nagwalis sa kanilang bakuran. 
a. Nagalit ang kanilang ina. 
b. Pinaalis sila ng kanilang ina. 
c. Tuwang-tuwa ang kanilang ina sa kanilang ginawa.

Inihanda ni:
DIVINA GRACIA S. APPOY
Tagapayo

You might also like