Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF LAGUNA
Santa Cruz

Project REACH
Pre-Test
Grade 3

Name: _________________________________________ Date: __________________


Grade & Section: _______________________________ Teacher: _______________

Kwento: Si Joey at ang Gulay Gang

I. Pagkuha sa Mahahalagang Detalye (Noting Details)

Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.


1. Sino ang ayaw kumain ng gulay?
a. Jenny b. Jessie c. Joey d. Joy

2. Ano ang paboritong kainin ni Joey?


a. tsokolate at biskwit b. tsokolate at cheese curls
c. tsokolate at cotton candy d. tsokolate at kendi

3. Bakit nagustuhan ni Joey ang pagkain ng gulay?


a. Dahil ginamot siya nito b. Dahil pinagaling siya nito
c. Dahil pinalakas siya nito d. Lahat nang nabanggit

II. Pagsunod sa Tiyak na Panuto (Following Directions)

Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na mga pahayag.


4. Una, awitin ang “Bahay Kubo”.

5. Sunod, iguhit ang larawan ng mga gulay sa loob ng basket habang inaawit ang “Bahay
Kubo”.

6. Pagkatapos, kulayan ang mga iginuhit na gulay.

Bahay Kubo

Bahay kubo, kahit munti.


Ang halaman doon ay sari-sari.
Singkamas, at talong, sigarilyas at mani.
sitaw, bataw, patani,
kundol at patola, upo’t kalabasa.
At saka mayroon pang labanos, mustasa,
Sibuyas, kamatis, bawang at luya.
Sa paligid-ligid ay puno ng maraming linga.

III. Pagsusunud-sunod ng mga Pangyayari (Sequencing Events)


Panuto: Pagsunud-sunurin ang mga pangyayari batay sa kwentong napakinggan. Lagyan
ng A, B, C, D ang patlang.

_____7. Napapunta si Joey sa lugar ng Gulay Gang.

_____8. Ayaw kumain ng gulay ni Joey.

_____9. Napadpad si Joey sa karnabal ng Tropang Sitsirya.


_____10. Ginamot si Joey ng mga kaibigang gulay at siya ay gumaling at lumakas.

IV. Pagtukoy sa Sanhi at Bunga (Identifying Cause and Effect Relationship)

Panuto: Basahing mabuti ang mga pangungusap. Isulat ang S sa patlang kung ito ay
nagsasaad ng sanhi at B kung nagsasaad ng bunga.

_____11. Nanghina at nagkasakit si Joey.

_____12. Kumain si Joey ng maraming tsokolate at sitsirya.

V. Pagtukoy sa Paksang Pangungusap (Identifying the Key Sentence)

Panuto: Basahin ang maikling talata sa ibaba. Piliin ang paksang pangungusap at bilugan
ang titik ng wastong sagot.

13. Ayaw kumain ni Joey ng gulay. Hindi niya pinapansin ang mga lutong gulay ng kanyang
nanay sa tuwing maghahain ito sa kanilang hapag-kainan. Hindi rin niya nais na kilalanin
ang pangalan ng iba’t ibang gulay na tanim ng kanyang tatay sa kanilang bakuran.

a. Ayaw kumain ni Joey ng gulay.

b. Hindi niya pinapansin ang mga lutong gulay ng kanyang nanay sa tuwing maghahain ito
sa kanilang hapag-kainan.

c. Hindi rin niya nais na kilalanin ang pangalan ng iba’t ibang gulay na tanim ng kanyang
tatay sa kanilang bakuran.

VI. Pagtukoy sa Mga Suportang Detalye (Identifying Supporting Details)

Panuto: 14-15.Basahin muli ang maikling talata sa itaas. Piliin ang mga pangungusap na
nagsisilbing suportang detalye sa paksang pangungusap. Bilugan ang mga titik ng wastong
sagot.

a. Ayaw kumain ni Joey ng gulay.

b. Hindi niya pinapansin ang mga lutong gulay ng kanyang nanay sa tuwing maghahain ito
sa kanilang hapag-kainan.

c. Hindi rin niya nais na kilalanin ang pangalan ng iba’t ibang gulay na tanim ng kanyang
tatay sa kanilang bakuran.

VII. Paghinuha sa Susunod na Mangyayari (Drawing Conclusions)

Panuto: Basahin ang maikling talata.


16. Oras na nang tanghalian. Inihanda ni Nanay ang mesa. Dali-daling lumapit si Joey at
umupo sa silya. Napangiti siya nang makita ang mga kaibigang gulay. Ano kaya ang
susunod na gagawin ni Joey?

a. Itatapon ang mga gulay b. Kakainin ang mga gulay


c. Makikipaglaro sa mga gulay d. Tititigan ang mga gulay

VIII. Paghinuha sa Maaaring Kahinatnan (Predicting Outcomes)

Panuto: Basahin at unawain ang maikling talata. Bilugan ang wastong sagot.

17. Sa kabila ng babala ng mga kaibigang gulay, ipinagpatuloy pa rin ni Joey ang
pagkain ng mga paborito niyang tsokolate at sitsirya. Sinamahan pa niya ito ng softdrinks at
kendi. Ano kaya ang kahihinatnan ni Joey sa maling gawaing ito?

a. Lagi siyang pupunta sa doctor

b. Manghihina ang katawan niya

c. Magkakasakit siya

d. Lahat nang nabanggit

IX. Pagtukoy sa Katotohanan at Opinyon (Distinguishing Between Fact and Opinion)

Panuto: Basahing mabuti ang mga pahayag. Isulat ang K kung ito ay nagsasaad ng
katotohanan at O kung opinyon.

_____18. Mayaman sa bitamina at mineral ang mga gulay.

_____19. Sakit at panghihina ng katawan ang dulot nang pagkain ng tsokolate at sitsirya.

_____20. Masusustansyang pagkain ang kailangan ng ating katawan upang ito ay lumakas
at tumibay.

Susi sa Pagwawasto:

1. c
2. b
3. c
4-6. Pasya ng guro
7. b
8. a
9. c
10. d
11. B
12. S
13. a
14-15. b, c
16. b
17. d
18. K
19. O
20. K

You might also like