Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

BATANGAS STATE UNIVERSITY


The National Engineering University
ARASOF-Nasugbu Campus
R. Martinez St., Brgy. Bucana, Nasugbu, Batangas, Philippines 4231
(+63 43) 416-0350 local 101; (+63 43) 416-0068
E-mail Address: cte.nasugbu@g.batstate-u.edu.ph | Website Address: http://www.batstate-u.edu.ph

MONOLOGO NG ULILANG MAG-AARAL


(April Joy Mendoza)

Ang sarap balikan ng mga ala-ala noong nabubuhay pa sina tatay at nanay. Naalala ko
pa ang sabi ni tatay na ang tanging pangarap daw nila ni nanay ay ang makapagtapos kaming
dalawa ni kuya sa kolehiyo. Hindi man halata pero sobrang saya ko ng marinig ko ang mga
katagang iyon ng aking ama. Lalo pa ng sabihin ni nanay na sya na raw siguro ang
pinakamasayang nanay sa buong mundo kapag nangyare yon.
Hindi pa man nakakapagtapos si kuya ay iniwan na kame ni tatay. Namatay siya sa
sakit na cancer. Mula ng mawala si tatay ay si nanay na ang nagtrabaho para sa amin.
Naglalabada at sumasama sa pagtatanim sa bukid ang aking ina para lamang makapagpatuloy
kame sa pag aaral ni kuya. Ngunit ilang taon pa lamang ang nakalilipas mula ng iwan kami ni
tatay ay sumuko na agad si nanay. Sa sobrang pagod sa kabi-kabilang trabaho ay hindi na
kinaya ng aking ina. Ngayon ay pareho na silang wala ni tatay.
Dalawa na nga lang kami ni kuya ay mas pinili pa niyang tumigil sa pag-aaral at iwan
ako kay lola upang magtrabaho. Hindi man ako pabor sa kanyang desisyon ay wala naman
akong magawa sapagkat kailangan daw niyang magsakripisyo upang isa man lang daw sa
amin ay matupad ang pangarap ng aming mga magulang. Ang sabi pa ng iba ay may
cellphone naman daw, may videocall kaya maaari pa rin kaming magkita ni kuya. Ngunit
paano kung ito lamang ang cellphone na mayroon ako? Hanggang text at tawag lang ang
magagawa nito.
Sa bawat araw ay wala akong ginawa kung hindi ang magdasal at magpasalamat sa
iyo Panginoon sapagkat iyan ang turo samen ni nanay, pero bakit? Bakit pamilya ko pa?
Paano na ang pag aaral naming magkapatid? Salat na nga kami sa hirap kinuha mo pa ang
magulang naming. Sa tuwing papasok ako sa aming silid aralan ay walang ibang pumapasok
sa isip ko kung hindi ang kamusta na kaya si kuya? Na sana ay ligtas at malusog ang kanyang
pangangatawan. Sapagkat hindi ko na kakayanin kong pati siya ay mawawala pa. Gusto kong
maniwala na may plano ka para sa akin Lord pero bakit pakiramdam ko ay pinaparusahan
mo ako sa kasalanang hindi ko alam.
Gusto ko rin naman maranasan ang pakiramdam na may isang buong pamilya. Sa
tuwing nagtatanong ang aking mga kaklase tungkol sa aking mga magulang ay hindi ako
makasagot bagkus ay ngumingiti na lamang ako. Ayoko na malaman nila na isa na akong
ulila at wala rin naman akong balak na ipaalam pa sa kanila sapagkat ayoko na kaawaan ako
ng iba.

Republic of the Philippines


BATANGAS STATE UNIVERSITY
The National Engineering University
ARASOF-Nasugbu Campus
R. Martinez St., Brgy. Bucana, Nasugbu, Batangas, Philippines 4231
(+63 43) 416-0350 local 101; (+63 43) 416-0068
E-mail Address: cte.nasugbu@g.batstate-u.edu.ph | Website Address: http://www.batstate-u.edu.ph

Ayoko na madagdagan pa ang sakit na nararamdam ko sa tuwing maiisip ko na isa akong


ulilang mag aaral.
Kaunting tiis na lang at makakapagtapos rin ako. Matutupad ko rin ang pangarap ni
tatay at nanay para sa akin. Sobrang pasasalamat ko kay kuya sapagkat hindi niya ako
pinabayaan. Palagi niyang sinasabi na “mahal kita bunso, ako ang magsisilbing kuya mo na
magtatanggol sa iyo sa tuwing may umaapi sa’yo, ako ang magsisilbing tatay mo na
susuporta sa pangangailangan mo, at ako ang magsisilbing nanay mo sa mga panahon na
kailangan mo ng yakap ng isang ina” iyan ang rason kung bakit patuloy akong nagsisikap at
nagpapakatatag. Umaasa rin ako na baka sakali, kahit sa aking panaginip man lamang ay
makita at mayakap kong muli ang aking mga magulang, maipagmalaki si kuya at marinig na
sabihin nilang “Proud kami sa inyo mga anak”.

You might also like