Filipino 4

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

JESUS GOOD SHEPHERD DEVELOPMENT CENTER

Lingayen, Pangasinan
Ikatlong Markahan sa Filipino 4

Pangalan: _______________________________________________________Iskor:_________

I. Tukuyin ang salitang may salungguhit sa bawat pangungusap. Isulat ang PL sa patlang kung
ito ay pang-uring panlarawan. Isulat ang PM naman kung ito ay pang-uring pamilang.

_____ 1. Ang aking pamilya ay nakatira sa puting bahay.

_____ 2, May 500 bata ang nabigyan ng bakuna sa health center ng baranggay kahapon.

_____ 3. Katamtaman lamang ang temperatura sa Tagaytay sa panahong ito.

_____ 4. Ang bahay nina Mang Pedro ang 3 punong nakatanim sa kanilang bakuran.

_____ 5. Si Wesley So ang pinakabatang kampeon ng Chess sa ating bansa.

_____ 6. Si Mang Ben ay may 20 alagang aso.

_____ 7. Makasaysayan ang nangyari sa EDSA noong 1986.

_____ 8. Nabasa ko pa ang libro dahil maliwanag ang aking lampara.

_____ 9. Ang Mt. Mayon ay isa sa mga aktibong bulkasn sa Pilipinas.

_____ 10. Ang Pilipinas ay madalas nakararanas ng bagyo.

II. Salungguhitan ang tamang pang-uri para sa kaantasang ipinahihiwatig sa pangungusap.

1. Si Lance ay (mapagbigay, mas mapagbigay, pinakamapagbigay) sa kanyang mga kaibigan.

2. (Mabaho, Masmabaho, Pinakamabaho) ang utot ni Sam sa lahat.

3. (Malaki, Masmalaki, Pinakamalaki) ang tyan ng nanay ko.

4. Tayo ba ay pupunta sa (malayo, masmalayo, pinakamalayong) lugar?

5. (Matulis, Masmatulis, Pinakamatulis) ang lapis ko kaysa sa inyo.

6. (Matangkad, Masmatangkad, Pinakamatangkad) si Maki sa mga batang naririto.

7. Ang pari ay (mabait, masmabait, pinakamabait) sa kanyang mga parokyano.

8. Si Snow White ang (maputi, masmaputi, pinakamaputi) sa kaharian.

9. (Malikot, Higit na Malikot, Pinakamalikot) ang aking bunsong kapatid.

10. Ang pari ay (mabait, masmabait, pinakamabait) sa kanyang mga parokyano.

III. Ang pang-abay (adverb) ay salitang naglalarawan ng pandiwa (verb), pang-uri

(adjective), o kapwa pang-abay. Salungguhitan ang buong pang-abay sa pangungusap.

1. Sadyang matigas ang ulo ng bata.

2. Mahirap magtahi sa lugar na madilim.

3. Ang magnanakaw ay tumakbo nang mabilis.

4. Kamuntik nang magkabungguan ang dalawang sasakyan.

5. Halos kumpleto na ang pangkat ng mga mang-aawit.


6. Si Mang Teodoro ay maingat magmaneho ng dyip.

7. Magiliw na sinalubong ng Ginoong Garcia ang mga panauhin.

8. Mainit nang bahagya ang tubig mula sa bukal na ito.

9. Ang mga mag-aaral ay tahimik na nagbabasa sa silid-aklatan.

10. Tunay na kapani-paniwala ang mga kuwento ni Mang Pabling.

IV. Salungguhitan ang pang-abay na pamaraan sa pangungusap.

1. Maingat na ibinalik niya ang alahas sa lalagyan nito.

2. Ang tagahatid-sulat ay mabilis maglakad.

3. Sumagot nang pasigaw ang tsuper ng dyip.

4. Dali-dali niyang kinain ang kanyang almusal.

5. Ang mag-anak ko ay tahimik na namumuhay sa probinsiya.

6. Ang mga damit ay itiniklop ni Weng nang maayos.

7. Masipag na nag-aaral ang mga kapatid ko.

8. Ang mga liham na iyan ay binasa niya nang palihim.

9. Kalayaan ang taimtim na hinahangad ng mga tao.

10. Dalus-dalos nilang ibinaba ang mga kahon mula sa trak

V. Salungguhitan ang pang-abay na pamanahon sa pangungusap.

1. Binabasa ni Liza ang mga bagong aralin gabi-gabi.

2. Manonood kami ng sine sa darating na Linggo.

3. Si Jose ay darating mula sa Cavite samakalawa.

4. Araw-araw siyang nakikinig sa radyo.

5. Aalis mayamaya ang bus na papuntang Bikol.

6. Nagkita kami ni Marie noong kaarawan ni Justine sa Jollibee.

7. Namalengke kami ni Ate Daria kanina.

8. Ipinalabas kagabi sa telebisyon ang pelikulang Spider-Man.

9. Magsisimula bukas ang aming pagsusulit sa paaralan.

10. Hindi ka kasi nakikinig sa mga magulang mo kaya parati kang sinasabihan.

VI. Salungguhitan ang pang-abay na panlunan sa pangungusap.

1. Lumangoy sila sa malaking lawa.

2. Dahan-dahan kaming tumawid sa lumang tulay.

3. Sa Malacañang tumitira ang pangulo ng Pilipinas.

4. Inilagay ko sa loob ng kabinet ang mga pagkaing de-lata.

5. Sumasayaw ng tinikling ang pangkat ni Mario sa entablado.


6. Binili ni Ate Rica ang blusang ito sa Divisoria.

7. Sa harap ng simbahan tayo magkita sa Linggo.

8. Natutulog ang aso sa ilalim ng kotseng nakaparada.

9. Isinampay sa bakuran ang mga damit na bagong laba.

10. Nasalubong ko sa labas ang magkakapatid.

You might also like