Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

TABLE OF SPECIFICATIONS

Second Periodical Test in ESP 5


2022-2023

ITEM PLACEMENT
EASY AVERAGE DIFFICULT No. of
COMPETENCY
Remember Apply Analyze Evaluate Create Items
Understand

Nakapagsisimula ng 6 3,4 1,2,8-9 7,10 5 10


pamumuno para
makapagbigay ng
kayang tulong para
sa nangangailangan
1.1. biktima ng
kalamidad 1.2.
pagbibigay ng
babala/impormasyon
kung may bagyo,
baha, sunog, lindol,
at iba pa
EsP5P – IIa –22
Nakapagbibigay-alam sa 11-15 5
kinauukulan tungkol sa
kaguluhan, at iba pa
(pagmamalasakit sa
kapwa na sinasaktan /
kinukutya / binubully
EsP5P – IIb – 23
Nakapagpapakita ng 16-20 5
paggalang sa mga
dayuhan sa
pamamagitan ng: 3.1.
mabuting
pagtanggap/pagtrato sa
mga katutubo at mga
dayuhan 3.2. paggalang
sa natatanging
kaugalian/paniniwala ng
mga katutubo at
dayuhang kakaiba sa
kinagisnan
EsP5P –IIc – 24
Nakabubuo at 21-25 5
nakapagpapahayag nang
may paggalang sa
anumang ideya/opinion
EsP5P – IId-e – 25
Nakapagpapaubaya ng 26-30 5
pansariling kapakanan
para sa kabutihan ng
kapwa
EsP5P – IIf – 26
Nakapagsasaalang-alang 35 31-33 34 5
ng karapatan ng iba
EsP5P – IIg – 27
Nakikilahok sa mga 36,38 39-40 37 5
patimpalak o paligsahan
na ang layunin ay
pakikipagkaibigan
EsP5P – IIh – 28
Nagagampanan nang 45,47,4 43-44 41-42 46 48,50 10
buong husay ang 9
anumang tungkulin sa
programa o proyekto
gamit ang anumang
teknolohiya sa paaralan
EsP5P – IIi –29
TOTAL NUMBER OF 9 17 11 8 5 50
ITEMS

Prepared by: Noted by:

MARIA ANTONIA B. TALAY JOVINA S. LEABAN


Class Adviser Teacher-In-Charge
SECOND PERIODICAL TEST IN ESP 5
2022-2023

Pangalan:__________________________________ Score:_____

Panuto: Piliin ang pinaka-angkop na sagot.

1. Ang ating pamahalaan ay gumagawa ng iba’t ibang paraan upang mapigilan ang paglaganap ng sakit
na covid-19, bilang isang mamamayan ano ang dapat mong gawin?
A. Huwag sumunod sa mga gabay at alituntunin ng pamahalaan.
B. Ipagsawalang bahala ang ipinatutupad na mga gabay at alituntunin ng pamahalaan.
C. Pagsunod at pagpapahalaga sa ipinatutupad na mga gabay at alituntunin ng
pamahalaam
2. Ano ang maari mong gawin upang makatulong sa mga frontliners ng ating bansa?
A. Mamasyal sa mall.
B. Maglaro sa labas ng bahay.
C. Manatili sa loob ng tahanan.
3. Ang pagiging mabuting pinuno ay maipakikita sa pamamagitan ng
A. Hindi pakikinig sa opinyon o suhestiyon ng iba.
B. Handang makinig sa opinyon o suhestiyon ng iba.
C. Pinipili lamang ang pinakikinggang opinyon o suhestiyon ng iba.
4. Ano ang ibig sabihin ng pagmamalasakit sa kapwa?
A. Pagtulong ng may kapalit.
B. Pagbibigay-kusa ng tulong.
C. Pagpili sa gustong tulungan lamang.
5. Paano maipakikita ang lubos na pagtulong sa ating kapwa?
A. Lubos na pagmamalasakit sa kapwa.
B. Pagmamalaki sa mga naibigay na tulong.
C. Pagbibigay-tulong sa mga nangangailangan kung may nakakakita.
6. Anong ahensiya ng pamahalaan ang nagbibigay impormasyon ukol sa lagay ng panahon?
A. PHIVOLCS B. PAG-ASA C. NDRRMC D. DENR
7. Ang sumusunod ay maaring pagkunan ng mga impormasyon ukol sa paparating na sama ng panahon

maliban sa isa, alin ito?


A. radyo B. telebisyon C. diyaryo D. kapitbahay
8. Napanood mo sa balita na may parating na malakas na bagyo ano ang iyong gagawin?
A. Magtatago dahil parating ang bagyo.
B. Maglalaro sa labas pagdating ng bagyo.
C. Ipagsawalang bahala ang napanood na balita.
D. Sasabihin sa magulang upang makapaghanda ang buong pamilya.
9. Nakita mo ang iyong kaibigan na masayang naglalaro sa baha, ano ang iyong gagawin?
A. Sasali sa paglalaro sa baha.
B. Mananatili lang sa loob ng bahay.
C. Hindi papansinin ang kaibigan sa kanyang paglalaro.
D. Sasabihan ko ang aking kaibigan na huwag maglaro sa baha.
10. Ang sumusunod ay maaari mong gawin upang makatulong sa mga biktima ng kalamidad na tulad
ng bagyo maliban sa isa, alin ito.
A. Pagbibigay ng relief goods.
B. Pagdadasal para sa kanilang kaligtasan.
C. Pagbebenta ng pagkain sa mga nasalanta ng bagyo
D. Pagbibigay ng pinaglumaan ngunit maayos na damit.
11.Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng pagmamalasakit sa kapwa?
A. Nakakita kayo ng pitaka ng iyong kaklase at hindi ninyo ibinalik.
B. Napansin ninyong nagnakaw ng pera ang iyong kaklase at hinayaan niyo lang.
C. Isinumbong mo ang kaklaseng laging nang-aaway tuwing recess sa iyong guro.
D. Nahuli mong hindi pumasok sa paaralan ang iyong kaklase.Hinayaan mo lang siyang
gumala.
12. Binubully ni Alex ang inyong kaklaseng si Ana dahil ito ay payat.Tinatawag niya itong “butiking
kalansay.”Ano ang gagawin mo?
A. Ipagbigay-alam sa guro B. Samahan si Alex sa kanyang ginagawa
C. Huwag pansinin D. Isumbong sa pulis
13. Nakikipag-away ang iyong kaklase sa loob ng palikuran.Ano ang gagawin mo?
A. Sumali sa away
B. Huwag makialam sa away nila
C. Sabihin sa guro ang iyong nakita
D. Suntukin ang dalawang nag-aaway
14. May nakita kang batang nagtutulakan sa kanilang pila pauwi. Alin sa sumusunod ang dapat mong
gawin?
A. Tingnan na lamang ang batang itinutulak
B. Sabihin sa ito sa kanilang guro.
C. Hayaan na lamang ang bata
D. Bahala siya sa buhay niya
15.Habang nanonood kayo ng paligsahan sa paaralan ay narinig mo ang iyong kaibigan na wala nang
ginawa kundi pintasan ang mga kalahok.Ano ang iyong gagawin?
A. Kausapin ko at pagsabihan na hindi maganda ang pangungutya ng kapwa
B. Isumbong sa mga kalahok ng paligsahan
C. Sabihin ko sa mga magulang ko
D. Suntukin para tumahimik
16. Nakita mo ang isang dayuhan sa palengke at may gustong itanong sayo. Ano ang gagawin mo?
A. di siya papansinin C. kakausapin siya ng magalang
B. lalayuan ko siya D. Sisigawan siya
17. Pinagtawanan ng isang batang lalaki ang isang katutubo. Ano ang gagawin mo?
A. sasawayin C. babalewalain ko siya
B. sasamahan ko siya D. Susuntukin ko siya
18. Gusto ng kasama mong magpakuha ng larawan sa isang katutubo.
A. sasamahan mo siya C. tatakbuhan mo siya
B. sasabihin mong huwag kasi ang pangit D. Wala sa nabanggit
19. Binati ka ng isang dayuhan. Ano gagawin mo?
A. di papansinin C. sasagutin ng maayos ang pagbati
B. tatalikuran na lamang D. Wala sa nabanggit
20. Sa halip na halik ng kamay ang pagbati ay halik sa pisngi ang mga dayuhan. Ano gagawin mo?
A. di ko papansinin C. igagalang ang kanilang pagbati
B. tatalikuran na lamang D. wala sa nabanggit
21. Galit na galit si Emerito nang malaman niyang hindi sang ayon ang mga kaibigan niya sa kaniyang
opinyon.
A. sang-ayon B. hindi sang-ayon c. huwag makialam
22. Binasag ni Loren ang kaniyang alkansya upang makabili ng gamot ng kaniyang ina.
A. sang-ayon B. hindi sang-ayon c. huwag makialam
23. Nang makita niya si Bart na hirap na hirap mag linis ng kanilang silid-aralan ay kaagad niya itong
tinulungan kahit may pupuntahan pa siyang miting.
A. sang-ayon B. hindi sang-ayon c. huwag makialam
24. Masayang masaya si Judy nang makabili na ito ng kaniyang makakain ngunit nang makita niya ang
isang batang pulubi ay hindi ito nagdalawang isip na ibigay ang pagkain niya.
A. sang-ayon B. hindi sang-ayon c. huwag makialam
25. Ibinigay ni Klyne ang kaniyang nabiling facemask sa matanda nang makita niya itong hirap na hirap
sa panyong nakatakip sa bibig.
A. sang-ayon B. hindi sang-ayon c. huwag makialam
26. Nabibili ang karapatan?
A. tama B. mali C. wala sa nabanggit
27. May karapatan kang maipahayag ang iyong saloobin.
A. tama B. mali C. wala sa nabanggit
28. Ang bawat isa ay mayroong pantay-pantay na karapatan.
A. tama B. mali C. wala sa nabanggit
29. Hindi kasapi ng ating lipunan ang mga taong makatira sa bundok
A. tama B. mali C. wala sa nabanggit
30. Ang bawat bata ay may karapatang natuto, mag aral at pumasok sa paarala.
A. tama B. mali C. wala sa nabanggit
31. Ano ang dapat nating gawin sa karapatan ng iba?
A. balewalain B. igalang C. bastusin D. lapastanganin
32. Nadinig mo ang iyong kamag-aaral na sumisigaw at sinasabihan ang isang bata ng hindi
magagandang salita. Ano ang iyong gagawin?
A. makikisigaw rin C. hahayaan lang
B. pagtatawanan D. pipigilan
33. May isang matandang pulubi na lumapit sa iyo upang humingi ng tulong. Ano ang iyong dapat
gawin?
A. pagalitan B. paalisin C. tulungan D. ipagtabuyan
34. Ano ang magiging reaksyon mo kung nakikinig ang mga kamag-aaral sa iyong opinyon?
A. malulungkot B. magagalit C. matatakot D. matutuwa
35. Kailangan ng bawat isa ang __________ upang maisaalang-alang ang karapatan ng iba
A. respeto B. pagmamahal C.paggalang D. lahat ng nabanggit
36. Ibinabahagi mo sa iyong kaibigan ang mga aklat ukol sa sports na pareho ninyong paboritong
laruin.
A. tama B. mali C. wala sa nabanggit
37. Pagtawanan ang kaibigan sapagkat hindi siya naibili ng magulang nito ng kaniyang paboritong
sapatos.
A. tama B. mali C. wala sa nabanggit
38. Kusang loob na tinuturuan ang kaibigan kahit na may pagkakataon na nahihirapan na dahil may
ibapang gawain.
A. tama B. mali C. wala sa nabanggit
39. Sinusuportahan at hinihintay ang kaibigang seryosong naghahanda sa kanilang laban sa spelling
quiz bee.
A. tama B. mali C. wala sa nabanggit
40. Hindi mo tinatanggap ang paliwanag ng iyong kaibigan na kaya hindi siya nakarating sa takdang
oras ng inyong pagsasanay sa pag-awit ay dahil sa pagkakasakit ng kaniyang ina.
A. tama B. mali C. wala sa nabanggit
41. Ipagsasawalang bahala ko ang panunukso ng aking mga kaklase sa group chat namin kahit
ito ng lahat habang nasa online class pa kami.
A. tama B. mali C. wala sa nabanggit
42. Dahil wala pa namang pasok dahil sa COVID-19 at ECQ. Sinabi ng iyong ina na oras na para ikaw ay

mag zoom ngunit hindi mo ito pinansin at nagpatuloy sa paglalaro ng mobile legend.
A. tama B. mali C. wala sa nabanggit
43. Panonorin ko sa Youtube o sa Webinar ang wastong pag-uugali sa Virtual Classroom upang
mapaalalahanan ko ang aking mga kaibigan at kamag-aaral.
A. tama B. mali C. wala sa nabanggit
44. Mayroon kayong pinag-usapang alituntunin na dapat sundin sa Messenger Classroom na dapat ay
naka mute ang mic sa pagpasok mo sa app, nagkunwari kang naka-mute at kumanta nang malakas.
A. tama B. mali C. wala sa nabanggit
45. Binigyan kayo ng gawain ni Gng. Pelayo sa ESP na gumawa ng orihinal na tula tungkol sa
pakikipagkapwa gamit ang media at teknolohiya, nagpasa ka ng galing sa internet at inangkin na
ikaw ang may akda.
A. tama B. mali C. wala sa nabanggit
46. Magalit sa panauhing dayuhan kung sinabi sa ‘yong ikaw ay tamad.
A. natatanging kaugalian B. hindi natatanging kaugalian c. wala sa nabanggit
47. Ang paghalik sa pisngi ng panauhing dayuhan bilang pagbati ay dapat nauunawaan.
A. natatanging kaugalian B. hindi natatanging kaugalian c. wala sa nabanggit
48. Awayin ang dayuhang deretsahang magsalita o prangka.
A. natatanging kaugalian B. hindi natatanging kaugalian c. wala sa nabanggit
49. Kaibiganin ang mga dayuhan/katutubo
A. natatanging kaugalian B. hindi natatanging kaugalian c. wala sa nabanggit
50. Pag-aralan ang kaugalian ng mga dayuhan o katutubo upang maging kaibigan.
A. natatanging kaugalian B. hindi natatanging kaugalian c. wala sa nabanggit
ANSWER KEY FOR ESP 5

No. Answer No. Answer

1 C 20 C

2 C 21 B

3 B 22 A

4 B 23 A

5 C 24 A

6 B 25 A

7 D 26 B

8 D 27 A

9 D 28 A

10 C 29 B

11 C 30 A

12 A 31 B

13 C 32 D

14 B 33 C

15 A 34 D

16 C 35 D

17 A 36 B
18 A 37 A
19 C 38 A

39 B

40 A

41 B

42 B

43 A

44 B

45 B

46 B
47 A

48 B

49 A

50 A

You might also like