Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

Kayumangging Pilipino : Sa Mata ng mapanghusgang Lipunan

The Lady Mediatrix Institute Inc.

Ashley M. Macaraig

Justin B. Burce

Brandon Joseph Bernal

Dean Cyrus Cuyos


Kabanata I

Panimula

Kaligran ng pag aaral

Maitim man o maputi ang kulay ng balat, lahat ng tao ay mag kakapantay.
Napakalaki ng epekto ng diskriminasyon batay sa kulay nating mga Pilipino, na kung
saan hinuhusgahan nang masama ang isang Pilipino sa kanyang pagiging Morena o
moreno. Ang pananaw ng mga Pilipino patungkol sa kulay ng balat ay lumalabas na
lubos na pinapaburan ng tao, ang mga taong may maputi ang kulay ng balat, sila ang
sinasabing pinag pala, sila ang mabuti, malinis, maganda, kutis mayaman at lahat ng
positibong papuri ay kanilang natatanggap. Ang pananaw ng mga Pilipino patungkol
sa maitim o morenong balat ay salungat sa pananaw ng mga Pilipino sa mga
mapuputi, sila ang kadalasang nakatatanggap ng mga negatibong salita o papuri,
sila ang mga taong nasasabihan madalas ng pangit dahil sa kanilang kayumangging
kulay, sila madalas ang hindi pinag tutuunan ng pansin at kakaunti ang oportunidad
sa lipunan. Dahil nais ng mga Pilipino na maging kabilang sila sa lipunan, gumagamit
sila ng mga produktong pampaputi, kagaya ng sabon at lotion, mga produktong
nakakatulong upang pumuti ang kulay ng balat.

Sa panahong ito maraming mga Pilipino pa rin ang nakakaranas ng


diskriminayon dahil sa kulay ng kanilang balat, maraming mga Pilipino ang hindi pa
rin lubos na tanggap ang kayumangging kulay ng kanilang balat kahit pa ito ay ang
siyang tunay napag kaka kilanlan nating mga Pilipino. Dahil sa diskiminasyon
maraming mga Pilipino ang apektado, ito ay nakapag dududlot ng hindi magandang
epekto at hindi kanais-nais na bagay sa kanila, madalas ito ay nag dudulot ng
negatibo sa kanila, nag dudulot din ito ng malaking epekto sa lipunan, dahil kahit sa
simpleng panunukso ng isang tao sa isang indibiduwal ay makapag dudulot pa rin ito
ng malaking epekto sa kanila, maaring makaapekto sa kanilang pisikal napag-iisip,
pisikal na gawain at sa kanilang pang araw-araw na pamumuhay. Dahil sa
diksriminasyong nararanasan ng mga Pilipino, maraming mga Pilipino sa panahon
ngayon ay napipilitang gumamit ng iba’t ibang mga produktong makakatulong upang
sila ay pumuti at mas maging katanggap tanggap sa mata ng mapanghusgang
lipunan. Ginagamit nila ito upang mag karoon sila ng kumpyansa at lakas ng loob na
humarap at ipag malaki ang sarili sa lipunan.
Diskriminasyon sa balat ang laging suliranin ng mga kayumangging Pilipino.
Maitim, Negra o negro ang kadalasang bansag o tawag sa mga Pilipinong may
kayumangging kulay. Dahil dito, ito ay nakaapekto ng Malaki sa mga Pilipino,
nakapag dudulot ito ng kapahamakan, pag baba ng tingin sa sarili, depresyon, at
pag-gawa ng hindi kanais nais o pag hantong sa suicide. Kaya naman karamihan sa
mga kabataan ngayon ay mas ninanais na maging maputi ang kanilang balat isa na
dito si Madeahl Yamyamin na nasa ikaanim na baitang sa Pilipinas nang nagsimula
siyang maniwala na magiging mas maganda siya kung mas maputi ang kanyang
balat. Noong malapit na siyang sumali sa kanyang unang beauty pageant, sa
pagkakalarawan niya ng kanyang sarili bilang taong palaban, naniwala siya na ang
pagkakaroon ng maputing balat ay makakatulong sa kanya upang manalo na kung
saan sinabi niya na “Kuntento ang pakiramdam ko, at mataas ang kumpiyansa”.
Kaya naman ang mga kabataan ngayon ay handang gumastos ng malaki sa mga
produktong pampaputi upang mag karoon ng lakas ng loob na humarap sa
maraming tao ng hindi nahihiya at taas noong ipinag mamalaki ang kanilang mga
sarili.

Ang pag tanggap sa sariling kulay ay hindi pa rin lubos sa mga Pilipino, mas
pinapaburan pa rin ang mga taong may mapuputi ang kulay at lubos na naipag
mamalaki ng isang Pilipino ang kanyang sarili kung siya ay maputi, bilang lamang
ang mga taong tanggap ang kanilang kulay ng balat sa bansang Pilipinas dahil takot
silang mahushagan. May mga influencers na tanggap at proud sa pagiging
kayumangging kulay nila kagaya nina Bianca Gonzalez, Gabbi Garcia, Michelle
Madrigal, Lovi Poe at marami pang iba. May ilang kababaihan din ang nag
papalaganap ng kaalaman sa kapuwa nila upang mas mahalin at tanggapin nila ang
pagiging kayumanggi ang kulay isa na dito si Ayn Bersos isang blogger at social
media influencer na nag papalaganap at nag bibigay kaalaman patungkol sa
kayumangging balat ng mga Pilipino, na kung saan hinihikayat niya sa pamamagitan
ng kanyang social media platform kagaya ng youtube at tiktok, ginagamit niya ang
mga ito upang lubos na maintindihan at mahalin ng mga Pilipino ang natural na kulay
ng balat nating mga Pilipino, na sadyang likas sa atin ang pag kakaroon ng moreno
at morenang balat kaya hindi natin dapat ito ikahiya, sa halip ay ipagmalaki pa natin,
dahil ito ang nag papatunay ng pagiging isang tunay na Pilipino.
Paglalahad ng Suliranin

Ang pag-aaral na ito na may paksang “Kayumangging Pilipino: Sa mata ng


mapanghusgang Lipunan” ay naglalayong sagutin ang mga sumusunod na suliranin:

1. Ano ang kayumangging kulay?

2. Anu-ano ang mga epekto ng diskriminasyon sa kayumangging kulay?

3. Ano ang mga epekto nito sa sumusunod;

3.1 Mga taong sangkot dito, at

3.2 Mga mamamayang Pilipino

4. Maiwasan ang Diskriminasyon sa Kayumangging kulay.

5. Malaman ang bawat saloobin ng mga Pilipino hingil sa kayumangging kulay;

5.1 Disadvantage ng may kayumangging kulay sa bansang Pilipinas.

5.2 Pagtrato sa pang araw-araw na pamumuhay

Kahalagahan ng pag aaral

Ang pananaliksik na ito ay inaasahang magsisilbing gabay at makakatulong


sa mga sumusunod:

Kabataan. Makatutulong ito upang mas mailahad at lubos na maunawaan ng


mga kabataan ang epekto ng diskriminasyon sa kayumangging kulay nating mga
Pilipino.

Magulang. Dahil sa kanila unang natututo ang mga kabataan, sila ang taga
gabay at unang nag tuturo ng tamang asal at tamang pag uugali sa mga kabataan,
kaya lubos nilang maipapaunawa ang kahulugan at ano ang epekto ng
diskriminasyon sa kapwa nila tao.

Guro. Sila ang tumatayong pangalawang magulang ng mga kabataan, sa


pamamagitan ng pananaliksik na ito mas lubos nilang maiintindihan at
maipapaunawa sa pamamagitan ng pag tuturo sa kanilang mag-aaral sa kung ano
nga ba ang diskriminasyon batay sa kulay ng balat nating mga Pilipino, lubos nilang
maipauunawa sa kanilang mga mag-aaral na ang pagiging kayumangging kulay ay
natural sa atin at ang tunay na pagkaka kilanlan ng isang tunay na Pilipino.

Paaralan. Makakatulong ang pananaliksik na ito upang magkaroon sila ng


kaalaman sa kung ano ang maari nilang ibahagi sa mga mag-aaral patungkol sa
wastong pag trato sa kapwa Pilipino at mahikayat ng mga estudyante na mag aral ng
Mabuti at mag turo ng tamang pag uugali.

Saklaw at limitasyon
Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa diskriminayong nararanasan ng mga
Pilipino dahil sa kayumangging kulay ng kanilang balat, kung ano saloobin at
malaman kung ano ang kanilang nagiging karanasan gayong kayumanggi ang kulay
ng kanilang balat sa sa ating lipunan.
Ang diskriminasyong nararanasan ng mga kabataan sa lipunan ay nakapag
dudulot ng hindi magandang epeko sa kanila, layunin ng pananaliksik na ito na
makapag bigay ng kaalaman sa kung paano nakaapekto sa isang indibidwal ang
diskrimasyon sa kayumangging kulay ng balat.
Ang pananaliksik na ito ay nag lalayon na makakuha ng respondente mula sa
mga kabataang Pilipino.

Depinisyon ng mga termino


Ito ay ang mga salitang ginamit sa pananaliksik na may malalim na kahulugan
patungkol sa isinasagawang pag-aaral upang lubos na mabigyang linaw ang pag-
aaral patungkol sa isinasagawang pananaliksik tungkol sa kayumangging kulay ng
mga Pilipino.
Moreno/Morena kataga mula sa wika ng Espanyol upang ilarawan ang isang
indibidwal na may kayumanggi ang kulay ng balat o
morena/moreno para sa mga babae at lalaki.

Diskriminasyon ito ay ang hindi patas na pag trato sa isang tao batay sa
kanilang katangian o pisikal na kaanyuan dahil sa kulay ng
kanilang balat na kung saan hinuhusgahan nang masama ang
isang Pilipino dahil sa kaniyang pagiging moreno o morena.

social media platform ito ay tumutukoy sa sistema ng pakikipag-ugnayan sa mga


tao na kung saan sila ay lumilikha, nagbabahagi at
nakikipagpalitan ng impormasyon at mga ideya sa isang virtual
na komunidad, ito rin ang ginagamit ng mga tao upang mag
hatid ng impormasyon sa Pilipino patungkol sa diskriminasyon.

Youtube ginagamit ng mga influencers upang mag hatid ng impormasyon


sa mga Pilipino patungkol sa kung paanong dapat mahalin ng
mga Pilipino ang sariling kulay ng balat.

Tiktok isa itong uri ng social media platform na kung saan madaming
influencers ang nag babahagi ng kanilang saloobin patungkol
sapag mamahal sa sariling kulay ng balat. Isa itong application
na ginagamit ng karamihan lalo na ng mga kabataan ngayon.
Kabanata II

Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

Sa kabanatang ito lubos natin malalaman kung ano nga ba ang


kayumangging kulay ng mga Pilipino, mabibigyang linaw dito ang iba’t ibang
literatura na may pagkakahalintulad sa paksang aming sinasaliksik. Ang kabanatang
ito ang mag sisilbing gabay upang lubos nating maunawaan ang usapin tungkol sa
paksang aming pinag-aaralan. Magsisilbi rin itong gabay ng mga mananaliksik sa
susunod na henerasyon. Ang impormasyong nakasaad dito ay makakatulong upang
mabigyang linaw at lubos nating maunawaan kung ano nga ba ang usapin at
saloobin noon tungkol sa diskriminasyon sa kayumangging kulay na may
pagkakahalintulad, at kaugnay sa kayumangging kulay ng mga Pilipino.

Skin Color and Colorism: Global Research, Concepts, and Measurement

RACE AND COLOR GLOBALLY

Throughout the world, ideas of white or light-skin supremacy have long been
associated with status and privilege for light-skinned individuals and disdain for dark-
skinned ones. Scholars of the West often trace light-skin color preferences,
sometimes called colorism, to the origins of race and racism associated with
European colonization, Western slavery, and white supremacy (for an exception, see
Frost 1990). Scholars focusing on the East and Middle East more often point to a
distinct set of forces revolving around class status and Arab slavery, respectively, as
the source of distinct strands of colorism. In sociology, most of the empirical research
on skin color concerns the United States, where the idea of colorism has developed
as a concept separate from racism. Although such research has set an excellent
standard for empirical analysis, the focus on the United States has also led to a
framing of color and colorism that cannot be simply extended globally. The idea that
color and colorism are distinct from race and racism depends on particular histories
and linguistic understandings. In the English-speaking world, race and color may be
more easily distinguished, but this distinction is less clear in the non-English-
speaking West (Banton 2012, Glenn 2009, Monk 2016). Moreover, in the context of
social and power relations in the West, skin color and race are closely related
concepts, but the relation between them differs widely across societies. For example,
in Latin America, where both race and color are often seen as a continuum, color and
colorism are sometimes equivalent to race and racism. In much of Latin America, the
word “race” is hardly used today to categorize people, and color is a primary way to
describe ethnoracial categorizations (Telles & Paschel 2014) analogous to what is
considered race in the United States. For the sake of a working definition, “race”
generally refers to categories of people divided by physical type, based on
appearance or descent and real or putative characteristics, that are named, defined,
and ordered by a racial ideology originating in Europe in the eighteenth and
nineteenth century; this ideology puts whites at the top of the social hierarchy and
blacks and other nonwhites at the bottom. “Skin color” generally refers to gradations
of a physical characteristic (ordered from light to dark or white to black) that, in the
Western world, are also based on ideas of race and of a racial or color hierarchy.
(Angela R. Dixon and Edward E. Telles)

Asia

Karamihan sa kasalukuyang panitikan sa mga lipunang Asyano ay


nagtatampok sa papel ng klasismo at aesthetics sa pagbuo ng maagang mga
kagustuhan sa kulay, bago ang anumang Western contact, na kadalasang nakabatay
sa katayuan at pagkakalantad sa araw. Ang mga taong nasa mababang katayuan ay
nagtatrabaho sa araw, samantalang ang mga taong may mataas na katayuan ay
nagtatrabaho sa loob ng bahay. Bukod dito, para sa mga kababaihan sa partikular,
ang pagiging magaan nauugnay hindi lamang sa klase sa paglilibang, kundi pati na
rin sa pagkababae, kagandahan, at kadalisayan (Hall 2010, Rondilla & Spickard
2007) sa India (Vaid 2009), China (Dikotter 2015, Keevak 2011), Indonesia ¨
(Saraswati 2013, Sorokowski et al. 2013), at Japan (Arudou 2013, Wagatsuma
1967). Halimbawa, sa Japan, ang kaputian sa loob ng maraming siglo, kung hindi
hihigit sa isang milenyo, ay nagtataglay ng mga simbolikong kahulugan at mga
asosasyon na may pribilehiyo ng klase, espirituwal na kadalisayan, at kagandahang
pambabae (Wagatsuma 1967). Ang sining ng Hapon ay madalas na naglalarawan sa
mga Hapones na mas maputi kaysa sa mga Europeo, na kung minsan ay
inilalarawan bilang kulay abo o mataba (Jablonski 2012, Keevak 2011, Wagatsuma
1967). Ang ideya ng Hapon at iba pang Silangang Asya bilang "dilaw" ay lumitaw
lamang noong ikalabinsiyam na siglo, kung kailan ang dilaw ay nauugnay sa lahi ng
mongoloid (Keevak 2011).

Kahit sa sa iba’t ibang bansa partikular sa Asya madaming tao ang


nakakaranas ng Diskriminasyon sa kulay ng balat, sapagkat karamihan sa mga tao
sa Asya ay may kayumangging kulay, ang tingin ng nakararami sa mga mapuputi ay
sila ay malilinis, maganda, kutis mayaman, lahat ng positibong papuri ay
natatanggap nila, pati sa trabaho, ang mga mapuputi ay kadalasang nag tatrabaho
sa mga kumpanya, marami ang kumpanyang nag bibigay ng malaking oportunidad
sa kanila, na salungat naman sa mga maiitim, sila ang tinatawag na pangit, mataba
at lahat ng negatibong papuri ay nasa kanila, at kakaunti ang oportunidad na ipinag
kakaloob sa kanila, sinasabing sila ang madalas gumagawa ng trabahong mahirap,
kagaya ng pag-gawa sa ilalim ng matinding sinag ng araw.

Tungkol sa India, mayroong isang patuloy na debate sa iskolar tungkol sa


relasyon sa pagitan ng colorism at ang caste system. Ayyar & Khandare (2013)
argue na kulay ng balat ay implicated in sinaunang mga diyos at tekstong Hindu na
bumalangkas ng mga hierarchy ng caste at hegemonya ng Brahmin. Iba pa
pinagtatalunan ng mga iskolar na ang sistema ng caste ay hindi unang nakatuon sa
pagkakategorya ayon sa kulay ng balat. Sa halip, ang bawat klase ay may nauugnay
na kulay na hindi lamang isang gradasyon sa isang linear na puti-sa-itim continuum;
ang kulay ay hindi deterministiko, dahil ang mga taong may maitim na balat ay
miyembro din ng mas mataas na mga caste at ilang mga diyos ay inilalarawan na
may maitim na balat (Jablonski 2012, Vaid 2009). Sa kabila ang kanilang posibleng
magkahiwalay na pinagmulan, sa paglipas ng panahon ang sistema ng caste at
colorism ay naugnay bilang magaan na balat lumaki upang bumuo ng caste at class
connotations, dahil sa ang katunayan na ang mga indibidwal na mas mataas na uri
na maaaring maiwasan ang panlabas na paggawa ay madalas na mas magaan;
Kanluraning ideya ng lahi, kasama ng mga mangangalakal sa Europa at pagkatapos
ay pinalakas ng pamamahala ng Britanya ang asosasyong ito (Jablonski 2012, Khan
2009, Vaid 2009).

Ang Pilipinas, sa kabilang banda, ay nagbibigay ng isang halimbawa ng


Kanluraning rasismo (sa kapwa nito Iberian at North American variant) morphing na
may mas kamakailang Eastern colorism. Sa panahon ng ng kolonyal, ang mga
kolonyalistang Espanyol ay nagpataw sa populasyon ng katutubong Pilipino ng isang
color-caste system kahawig ng sistema sa Latin America; sumunod ang isang Jim
Crow–naimpluwensyahan ng kolonisasyong Amerikano. Kamakailan lamang, ang
mga sistemang ito ay pinagsama ng lumalagong impluwensya ng mga ideya sa
Silangang Asya tungkol sa tagumpay at kagandahan at sa pamamagitan ng
aesthetic preferences transplanted by the global diaspora of Filipinos in ang
ikadalawampu siglo (Rondilla 2009, Rondilla & Spickard 2007). Ngayon, maraming
Pilipino ang nag-idealize "Kagandahan ng Silangang Asya," na tinukoy ng
karaniwang mas magaan ang balat na pang-ekonomiyang powerhouse ng Japan,
China, at Korea (Rondilla 2009, p. 64). Sa buong Asya, mas matingkad ang balat ng
mga East Asian, lalo na pinaghalong mga indibidwal na nagtataglay ng mga tampok
na European, ay idealized at contrasted sa darker-skinned Pilipino, Cambodian, at
Vietnamese. Ang pribilehiyo ng isang pinaghalong European/Asian phenotype—
kabilang ang iba pang katangian ng katawan bilang karagdagan sa kulay ng balat,
tulad ng mga labi, bibig, ilong, mata, at, kapansin-pansin, ang mga talukap ng mata
(Hunter 2007)—ay nagreresulta sa tinatawag ni Rondilla (2009, p. 64) na “Asian
beauty ayon sa sa puting imahinasyon." Ang paraan sa cosmetic surgery upang
makamit ang mga tampok na Anglo ay kumakalat mabilis hindi lamang sa Timog-
silangang Asya kundi pati na rin sa buong mundo, na nagpapahintulot sa mga
mamimili ng isang paraan para sa "pagbili ng lahi kapital” (Hunter 2011).
(Angela R. Dixon and Edward E. Telles)

You might also like