Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Pagbabasa: Ang Manggagawang Hindi Marunong Magpatawad

Isang takipsilim ay lumapit si Pedro kay Hesus at nagtanong, “Panginoon, makailan pong beses kong dapat na patawarin ang
aking kapatid na paulit-ulit na nagkasala sa akin? Makapito po ba?” Sinagot naman siya ng Panginoon. “Hindi ko sinabing
makapito kundi kahit ilang ulit pa nito. Sapagkat ang paghahari ng Diyos ay katulad ng kuwentong ito: May isang hari na
nagpasiyahang singilin na ang mga manggagawang may utang sa kanya. Sa lahat ng may utang ay unang dinala sa kanya ang
may pinakamalaking halagang nahiram na salapi. Nagkahalaga ng 10,000,000 piso ang kabuuan ng dapat bayaran ng
manggagawang ito. “Napakatagal na ng utang mo sa akin ngunit ni isang sentimo’y di mo pa ako nagawang bayaran. Sige
ngayon din ay magbayad ka kung ayaw mong makulong!” mariing wika ng hari. “Ngunit mahal na hari, wala pa po akong salapi
na maaari kong maibigay sa inyo!” takot na takot na wika ng manggagawa. “Kung gayon ay ipagbili mo ang iyong sarili sa akin!
Ang iyong asawa, anak, at lahat ng iyong ari-arian! Ikaw at ang iyong buong pamilya ay paglilingkuran ako sa mahabang
panahon!” ani ng hari. Nagmamakaawang nanikluhod ang manggagawa sa harap ng hari at lumuluhang nagwikang, “Mahal na
hari, parang awa na po ninyo. Bigyan pa po ninyo ako ng sapat na pagkakataong makabayad ng aking mga utang. Ipinapangako
ko pong babayaran ko ang lahat ng utang ko sa inyo.” Likas sa hari ang pagkakaroon ng pusong-mamon kaya naman pinatawad
na nito ang kanyang mga utang at pinayaon na siya. Ngunit, pagkaalis ng manggagawa sa kaharian ay bigla niyang nasalubong
ang isang kapwa manggagawa na may utang din sa kanya ng 500 piso. Sinunggaban niya ito at sinakal, sabay sabing, “Ikaw!
Magbayad ka na sa akin ng iyong utang! Tatlong buwan na’y kahit piso’y wala ka pang naibibigay sa akin palibhasa’y isa kang
patay-gutom!” Naglumuhod din ang kanyang kapwa manggagawa at nagwikang: “Bigyan mo pa ako ng sapat na panahon at
mababayaran din kita.” “Hindi maari! Sapat na ang palugit na ibinigay ko sa ‘yo at isa pa’y amoy-lupa ka na at mahihirapang
makabayad! Ipakukulong kita at di ka makalalabas ng piitan hanggang hindi ka nakakabayad sa akin o ang iyong pamilya.”
Nagpatuloy sa pagmamakaawa ang nasabing manggagawa ngunit nagtaingang-kawali lamang ang unang manggagawa.
Gayon nga ang ginawa niya sa kanyang kapwa manggagawa. Ipinabilanggo niya ito at hindi nakalabas nakalabas ng bilangguan
hangga’t hindi nabayaran ang utang na 500 piso sa kanya. Samantala, may isang kapwa lingkod na nakaalam ng kanyang ginawa
at labis na nagdamdam kaya’t isinumbong siya nito sa hari. “Mahal na hari, ang isa sa mga manggagawa ninyong nagkautang ng
10,000,000 piso at inyong pinatawad ay nagpakulong ng isang kapwa manggagawa na nagkautang naman sa kanya ng 500 piso.
Nakalabas lamang ito ng bilangguan nang makapagbayad ito sa kanya.” Sumbong ng isang manggagawa. Nagalit ang hari at
ipinatawag ang manggagawang gumawa nang gayon. “Ikaw, napakasama mo! Pinatawad kita sa utang mo sa akin dahil nahabag
ako sa iyo, hindi ba’t dapat ka ring mahabag sa kapwa mo? Pero bakit ganoon ang ginawa mo sa iyong kapwa manggagawa?”
“Ngayo’y ipararanas ko sa iyo ang ginawa mo sa iyong kapwa. Mga kawal, ibilanggo ang lalaking ito at huwag siyang palayain
hanggang hind nakakabayad ng lahat ng utang niya sa akin.” Matapos ang kuwento, nagwika ang Panginoon kay Pedro, “Gayon
din ang gagawin sa inyo ng aking Ama sa langit kung hindi ninyo patatawarin ang inyong mga kapatid.”
---Bibliya. Mateo18:21-35

You might also like