Gonzales - Gawain 1

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Laguna State Polytechnic University


Province of Laguna

Gawain 1

Pangalan: Honeylyn Z. Gonzales Guro: Gng. Elayba


Kurso at Baitang: BSED 2-E

Replektibong sanaysay tungkol sa


Antas at Barayti ng Wika

Bago natin tuluyang talakayin ang antas at barayti ng wika ay atin munang
alamin kung ano nga ba muna ang Wika? Sa aking sariling pagkakaintindi, ang wika ay
isang bahagi ng ating pakikipagtalastasan at ito ay kalipunan ng mga simbolo,tunog, at
mga kaugnay na batas upang maipahayag ang nais sabihin ng ating kaisipan.
Ginagamit ang pamamaraang ito sa pagpapaabot ng kaisipan at damdamin sa
pamamagitan ng pagsasalita at pagsulat kung saan nagkakaugnayan,
nagkakaunawaan at nagkakaisa ang mga kaanib ng isang pulutong ng mga tao. Ano
naman ang kahalagahan ng wika? Para sa akin, isang mahalagang yaman ng isang
bansa ang wika dahil ito ang nagsisilbing salamin ng kultura, kasaysayan, at
pagpapahalaga ng isang bansa. Maliban dito, napatunayan na rin ang halaga ng wika
upang mas mapaunlad pa ang pamumuhay ng mga mamamayan. Dahil kasi sa wika,
maayos ang palitan ng mga ideya na mahalaga naman upang mapanatili ang pag-unlad
ng tao at gayundin ang bansa.

Sa aming nakaraang diskusyon o talakayan ay aming napag-aralan ang Antas at


Barayti ng Wika kung saan natalakay ang kahulugan at kahalagahan ng mga ito. Ang
antas ng wika, sa aking pagkakaintindi ay isang mabisang palatandaan kung anong uri
ng tao siya at kung sa aling antas-panlipunan siya nabibilang. Mayroong dalawang
antas ang wika, ito ay ang pormal kung saan ito ay binubuo ng pambansa at
pampanitikan at impormal kung saan binubuo naman ito ng lalawiganin, kolokyal at
balbal. Ang pormal na antas ng wika ay ang mga salitang istandard dahil nga ito raw ay
kinikilala, tinatanggap at ginagamit ng higit na nakararami kung saan kabilang nga dito
ang pambansa na ang kahulugan ay mga salitang karaniwang ginagamit sa mga aklat
pangwika o pambarirala sa lahat ng paaralan. Ilan sa mga halimbawang nabanggit dito
ay ang mga salitang ina at ama kung saan ito ay alam ng halos lahat ng tao at may
iisang kahulugan kahit saang parte o lugar man nabibilang ang isang taong
makakadinig ng mga salitang ito at ang pampanitikan naman ay ang mga salitang
ginagamit ng mga manunulat sa kanilang mga akdang pampanitikan kung saan ito ay
may higit na malalim, matatayog at masisining na kahulugan. Ang ilang halibawa na
nabanggit sa aming diskusyon ay mababaw ang luha kung saan ito ay
nangangahulugang iyakin o mabilis tumulo ang luha, noong ako naman ang natawag
upang magbigay ng iba pang halimbawa, ang aking binanggit ay taong nagbibilang ng
poste na ang kahulugan naman ay mga taong tambay at walang trabaho. Kasunod
naman na tinalakay ng tagapagsalita ukol sa paksa ay ang impormal na antas ng wika
kung saan ito ay ang mga salitang karaniwang ginagamit sa pang araraw-araw na
pakikipag-usap. Sa aming patuloy na pagtatalakay, aming natutunan naman ang
kahulugan ng barayti ng wika kung saan ito ay pagkakaroon ng natatanging katangian
na nauugnay sa partikular na uri ng katangiang sosyo-sitwasyonal at gayundin ang
pagkakaiba-iba sa uri ng wika na ginagamit ng mga tao sa bansa (tono, bigkas, uri, at
anyo ng salita). Kabilang ang mga ito; dayalek, ekolek, sosyolek, idyolek at etnolek sa
barayti ng wika na meron ang gating bansa.

Sa talakayang naganap noong nakaraan na tungkol nga sa paksang antas at


barayti ng wika ay masasabi kong ako ay natuwa sapagkat may alam man ako sa
paksang ito ay mas lamang na ang mga nakalimutan ko ng ideya sa mga ito. Matapos
ang talakayan ay mas luminaw at naalala ko na ulit kung ano nga ang mga ito at ang
mga halimbawa, kahulugan at kahalagahan ng wika, antas ng wika at barayti ng wika at
kung paano nito napapaunlad ang isang bansa gayundin ang mga tao sa bansang ito.

You might also like