Tingnan Ang Larawan NG Magkaibigan Na Sina Ana at Bea

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Tingnan ang larawan ng magkaibigan na sina Ana at Bea.

Ano ang gngwa ni Ana sa unang larawan?


Anong uri ng panahon ang mabilis makakatuyo ng sinampay na damit?

Si Bea naman ang bata sa ikalawang larawan.


Ano ang kanyang ginagawa?
Bakit kaya naglilikom ng sinampay si Bea?

Tingnan muli ang mga larawan.


Anong petsa o date nangyari ang nasa larawan?
Ilang oras ang lumipas sa pagitan ng dalawang larawan?
Ilang minuto ang binibuo ng apat na oras?

Ipinahihiwatig lamang ng mga larawang ito na maaari nating maranasan ang biglang pabago bago ng
panahon sa loob ng maghapon o magdamag.

UPang higit niyong maunawaan, alamin natin ang kahulugan ng panahon at ang ibat ibang uri nito.

Kapit Lang
Masayang namumuhay ang pamilya Dimaano sa kanilang bukirin sa Brgy. Pag-Asa. Sina Mang
Bert at Aling Tasya , kasama ang kanilang anak na si Riza ay masayang nakadungaw sa kanilang bintana
habang pinagmamasdan ang kanilang pananim.
Pgtatanim ng palay ang kanilang pinagkakakitaan.
Konting araw na lamang ay malapit na nilang maani ang kanilang palay. Ang kanilang maiipong
pera mula dito ay gagamitin pang-kolehiyo ni Riza.
Isang umaga habang nag-aalmusal ang mag-anak, narinig nila ang balita mula sa radyo na may
paparating na malakas na bagyo sa susunod na araw. Ito ay daraan raw sa kanilang probinsiya. Labis na
nag-alala ang mag-asawa. “Nay, Tay, huwag po kayong mag-alala, hindi po tayo pababayaan ng Diyos”
wika ni Riza sa knyang mga magulang.
Ilang araw ang lumipas at dumating ang kanilang kinatatakutang bagyo. Hinagupit nito ang
kanilang probinsya. Sama-sama silang nanalangin upang maging ligtas sila at hindi mapinsala ang
kanilang pananim.
Natapos na ang hagupit ng bagyo. Laking gulat ni Riza sa pagsilip niya sa kanilang bintana.
Hindi napinsala ang kanilang mga pananim. “ Salamat sa Diyos, hindi niya tayo pinabayaan” ani ni Aling
Tasya. Nagyakapan ang mag-anak. Bakas sa kanilang luha ang labis na tuwa at pasasalamat sa Diyos .
Naniniwala ang kanilang pamilya na kapag may pananalig sa Diyos ay kakayanin nila ang kahit anong
pagsubok na kanilang haharapin sa buhay.

You might also like