Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Republika ng Pilipinas

BARANGAY MAPULANG LUPA


Lungsod ng Valenzuela

TANGGAPAN NG PUNONG BARANGAY


=============================================================================
REGION-WIDE SYNCHRONIZED CLEAN-UP DRIVE 2015 NG MAPULANG LUPA NA GINANAP
NOONG IKA-20 NG AGOSTO, 2015 GANAP NA IKA-7:00 NG UMAGA SA BARANGAY HALL, NG
MAPULANG LUPA, LUNGSOD NG VALENZUELA.
=============================================================================

Mga dumalo:

Ang kabuuang bilang ng dumalo sa ginanap na Region -Wide Synchronized Clean-Up Drive 2015
kabilang na ang mga Sangguniang Barangay, mga naglilingkod sa Barangay, panauhin at iba pa ay
nasa hiwalay na papel.

Sinimulan ang Region -Wide Synchronized Clean-Up Drive 2015 sa ganap na ika-7:00 ng umaga sa
pamamagitan ng pambungad na panalangin na pinamunuan ni G. Balbino Belo at matapos nito ang
pag-awit ng Pambasang awitin ay pinamunuan ni Gng. Nora Dula.

Matapos nito ay binati at isa-isang ipinakilala ng tagapagdaloy na si G. Franklin Banting ang mga
namumuno sa mga samahan, ang mga naglilingkod sa Barangay, Sangguniang Barangay at mga
panauhing dumalo.

Ang unang bahagi ay nagbigay ng welcome remarks sa mga nagsidalo ay si Dr. John Phillip Tiongco
ang Barangay Health Center Physician. Inulat niya ang status ng Dengue case sa buong National
Capital Region.Nagbigay din siya ng konting kaalaman kung papaano nakukuha ng sakit na ito at
kung paano maiiwasan ang paglaganap ng nakakamatay na sakit na Dengue. Matapos nito ay
binigyan ng pagkakataon ang mga Barangay Kagawad na bumati at magbigay ng mensahe.

Ang pangalawang pagbati at nagbigay ng kanyang mensahe ay si Kgd. Renato C. Candido


Committee on Health & Sanitation. Hangad din niya na makiisa ang lahat ng mamamayan ng
Barangay Mapulang Lupa at magtulong tulong sa gaganaping Region -Wide Synchronized Clean-Up
Drive 2015 upang maiwasan at masugpo ang mga lamok na my dala ng sakit na Dengue.

Nagkaroon din ng pagkakataong magbigay ng kanilang pagbati at mensahe ang Administrative


Assistant na si G. Felix Dela Cruz at si Kgd. Mark E. Santiago.

Dumalo rin sa pagpupulong ang may bahay ni Punong Barangay Fernando C. Francisco na si Dr.
Sherry Anne D. Francisco at ang kanyang mga kasama sa Women’s & Children’s Protection Desk.

Nagbigay din ng kanyang pagbati at mensahe ang Punong Barangay Fernando C. Francisco. Sinabi
niya na gagawa ng isang Resolusyon ukol sa pagbuo sa “Dengue Task Force” na kung saan ay
magbibigay ng 5 kinatawan ang bawat Home owners Association at Mapulang lupa National High
School at Apolonia F. Rafael Elementary School.Sinabi rin niya na ang lahat ng mga sangay na
nabanggit ay makikiisa sa gaganaping Region -Wide Synchronized Clean-Up Drive 2015 ngayong
umaga sa lugar na kanilang nasasakupan. Ang Bawat samahan ay magsasagawa ng paglilinis at ito
ay kanilang idudukumento at kukunan ng mga larawan na kanila ibibigay ang kopya sa Tanggapan
ng Punong Barangay. Nagbigay ng Kaunting kaalaman si Punong Barangay Fernando C. Francisco
kung ano ang magiging partisipasyon ng bawat makikiisa sa gaganaping clean-up drive. Sinabi rin
niya na mag-iikot siya sa bawat asosasyon sa oras na magsimula ang paglilinis nais niya ng ma-
monitor kung ginagampanan ng bawat miyembro ang kanilang tungkulin.

Nagbigay naman ng closing remarks si Kgd. Renato C. Candido sa mga nagsidalo sa pagpupulong
bago magsimula ang paglilinis sa buong Barangay ng Mapulang Lupa.

Natapos ang pagpupulong sa ganap na 9:00 ng umaga at ang bawat dumalo sa pagpupulong ay
pumunta na sa kanilang lugar na nasasakupan upang simulan na ang paglilinis ng kanilang mga
kapaligiran.

You might also like