Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

PAGKATAPOS NG OBSERBASYON

Ang naobserbahan ay isang mahusay na pagkaklase kung saan ang banghay aralin ay mahusay na
inihanda at isinagawa ng isang magaling na guro. Inumpisahan at tinapos ang pagtuturo nang walang
anumang balakid at ang binalak na mga gawain ay naisagawa rin nang buong sigla at sigasig. Madali lang
hindi ba? Maaaring hindi. Ang nakita mong pagtuturo nang may paghanga ay produkto ng isang
mahabang karanasan at intwisyon sa pagtuturo na nakasalig sa mga mahuhusay na teorya at simulain sa
pagtuturo at pagkatuto. Napansin mo rin marahil na sa bawat maliliit na episodo sa pagkaklase, may
mga desisyong ginawa ang guro, mga desisyon na mapangangatwiranan ng mga kolektibong kabatiran
hinggil sa pagtuturo at pagkatuto ng wika.

Sariwain

ang mga desisyong isinagawa ng guro habang pinag-iisipang mabuti ang

nabuo mong mga pedagohikal na tanong mula sa binilangang mga "pahayag

sa itaas.

1. Bakit nagpaawit at nagkaroon ng pagbabalitaan (sa halip na liksyon agad ang pag-usapan)? Anong
Simulain sa pagtuturo ang magbibigav katwiran sa ganitong pagsisimula ng klase? Gaano katagal dapat
ang ganitong gawain?

2. Bakit pinabuksan ni Ms. Magimot ang aklat sa halip na gumawa siya ng kopya ng aralin at idikit ito sa
pisara? Ano ang kabutihan o kahinaan nito?

3. Ano ang kahalagahan ng maikling pagsasalaysay ng guro tungkol sa aralin?

4 Anu-ano ang mga kagalingan at kahinaan ng pagbibigay ng mga tuwirang tanong na nakapokus sa
aralin? Ano kaya ang maaaring mangyari kung hindi masagutan ng mag-aaral ang mga tanong?

5. Gumawa ang guro ng ilang piling pagwawasto sa kamalian ng mga mag-aaral. Paano kaya niya tiniyak
kung aling sagot ang iwawasto at kung alin ang hindi? Hindi ba nararapat lamang na "iwasto ang lahat ng
pagkakamali?"

6. Bakit hindi ito ginawa sa pagsisimula ng aralin? Paano kung hindi kilala ng mga mag-aaral ang mga
larawan?
7-8. Huminto ka muna sandali. Pansinin na ang bawat tanong sa taas ay nagpapahiwatig ng mga
desisyon/pagpili na isinagawa ng guro. Mula sa maraming posibilidad na maaaring gamitin ni Ms.
Magimot sa pagtuturo ng araling ito, pumili siya ng isang partikular na set ng mga gawain, isang
partikular na pagkakasunud-sunod, at isang partikular na teknik sa pagsasagawa ng mga ito. Ang isang
aralin ay karaniwang nakabatay sa maraming simulain sa pagtuturo at pagkatuto at karamihan sa mga
simulaing ito'y madalas na pinag-aalinlanganan.

Halimbawa, ang isyu tungkol sa pagsagot nang isahan o sabayan.

9. Hindi kaya medyo nahuli ang gawaing ito? Sapat kaya ang isang tanong tulad ng ibinigay ng guro sa
bilang 7? Ano ang masasabi mo sa tanong na ito?

10. Handa na kaya ang mga bata sa gawaing ito?

11. Ano ang layunin ng guro sa pagbibigay ng ganitong tanong? Hindi kaya mas mabuti ang magpangkat
ng mga mag-aaral at sila ang pinakuha ng mga bagay sa paligid at pagkatapos ay "ipinabasa" sa bawat
pangkat ang ngalan ng mga ito?

12. Mas mabuti kaya kung isusulat ng guro ang sagot ng mga bata sa halip na pasalita lahat ang sagot?
Bakit?

13. Wala sa aklat ang bahaging ito. Bakit isinagawa ito ng guro?

14. Tama bang isinulat ng guro ang sagot ng mag-aaral? Bakit?

15. Bakit inihuli ng guro ang pagbigkas sa malaking titik na A sa halip naisabay ang pagbigkas nito habang
isinusulat sa pisara?

16. Ano ang masasabi mo sa teknik na ginamit ng guro sa pagpapasulat ng malaki at malit na titik A, a?
May batayang pedagohikal kaya ang guro?

17. Anong simulain sa pagtuturo ng pagsulat ang magbibigay katwiran sa mga ginawang ito ng guro?

18. Bakit tumawag ang guro ng ilang mag-aaral sa halip na mga boluntaryong mga mag-aaral?
Magagawa na ba ng mga mag-aaral na magsuri?

19. Mabisa kaya ang mga gawaing ipinagawa ng guro? Ano ang layunin niya sa pagbibigay ng ganitong
mga gawain?
20. Hindi kaya totoong malilit ang mga letrang nakalimbag sa mga magasin pahayagan?

Ano pang mga pagpapatibay na maibibigay ka bang katulad ng mga gawain na sa palagay mo'y mas
mabisa kavsa ginamit ng guro?

Nagawa nang isa-isahin ang ilan lamang sa maraming katanungan na maaaring itanong kung bakit ito sa
halip na iyon ang ginawa ng guro sa pagtuturo ng aralin. Ang ilan sa mga sagot ay tiyak na may tahasang
pagtutol samantalang ang ibang tugon ay maaaring di-sang-ayunan kahit pa ng mga magagaling na guro.
Ngunit ang mga tugon sa lahat ng mga tanong na ito'y makikita, humigit kumulang sa talaksan ng mga
pananaliksik tungkol sa pagkatuto at pagtuturo ng wika.

Habang patuloy na isinasagawa ang ating propesyunal na paglalakbay, tungkulin nating bumuo ng isang
koneksyon sa pagitan ng teorya at simulan sa mga gawaing isinagawa sa pagtuturo.

ANG DAIGDIG NG KLASRUM

Napansin mo ba ang mahika ng klasrum? Di ba't sa loob lamang ng ilang saglit ay nagawa mong makaisip
ng mga teknik upang maging mabisa ang pagtuturo ng guro? Tama ka... under-represented sa mga
propesyunal na literatura ang kahalagahan ng kaligiran sa pagkatuto- ang daigdig na ginagalawan ng
guro, ang klasrum.

Minsa'y naging guro rin ako sa isang paaralang elementarya sa aming baryo. Nagulat ako sa malaking
kaibhan ng mga inirereseta ng mga ekspert tungkol sa kung ano ang dapat mangyari sa loob ng klasrum
at kung ano talaga ang nangyayari rito. Noong mga panahong iyon, nalunod ako sa iba't ibang paraan sa
pagtuturo ng wika na hango sa mga preskripsyong malayung-malayo sa relayidad ng aking klasrum. At
di-kalaunan, ang preskripsyon ay napalitan ng bago raw... at ang bago ay napalitang muli...

Sa naging karanasan ko sa pagtuturo, parang naaasiwa ako sa mga paraan ng pagtuturo na batay sa mga
preskripsyong malayo sa reyalidad ng klasrum. Naniniwala ako na upang makalinang ng mga epektibong
gawaing pedagohikal, kailangang pag-ugnayin natin ang mga kaalaman sa kalikasan ng
pagkatuto/pagtuturo ng wika at ang gamit nito mula sa iba't ibang disiplina tulad ng linggwistika,
sikolohiya, at sosyo-lingguwistika at mga kabatiran sa nga nagaganap sa loob ng klasrum. Hindi tama na
umasa na lamang sa mga naisulat at natuklasan ng iba tungkol sa kalikasan ng wika at gamit nito. Hindi
rin angkop ang sabihing ito ang gamit ko dahil ginagawa ng nakararami. Ang huling kapasyahan ay nasa
kamay ng guro. Siya ang dapat magsabi kung ano ang mabisa sa kanya at sa kanyang mag-aaral ayon sa
kanilang interes at kawilihan. Mahalagang isaalang-alang ang mga nagaganap sa loob ng klasrum kung
epektibong pagtuturo ang pag-uusapan sa halip na humango na lamang ng mga teknik at paraan na
ipinatutupad ng mga ekspert na kung minsay malayo sa kung ano talaga ang nagaganap sa loob ng
klasrum.

Naniniwala ako na anumang metodolohiya hinggil sa pagtuturo at pagkatuto ng wika ay kailangang


matibay na nakaangkla sa mga ebidensyang empirikal. Ang mga kagamitang panturo, gawain sa
pagkatuto at mga pagsasanay na pedagohikal ay hindi dapat nakabatay lamang sa mga ideyolohiya o
dogma, gaya ng nangyayari ngayon, kundi sa mga ebidensya at mga kaalamang bunga ng sariling paraan
ng pag-aaral o pananaliksik hinggil sa mga proseso sa pagtuturo at pagkatuto ng wika.

Upang maging makabuluhan ang anumang pananaliksik, dapat isipin na kailangan nito ang taos-pusong
pagsang-ayon ng mga guro. Hindi lamang dapat na maging hanguan ng datos ang mga guro, higit sa
lahat ay mahalaga ang kanilang personal na pakikilahok sa mga pananaliksik. Dapat din na malinaw na
masasalamin ang ugnayan ng pagtuturo at pananaliksik at ng guro at mga mananaliksik.

pgric

SWSiSpSO

ANG GURO AT ANG PAMAMAHALA NG KLASRUM


Isa sa pinakamahalagang salita kaugnay ng pagtiyak sa pagkatuto ng mg mag-aaral ay ang mabuting
pamamahala ng klasrum. Ang kahusayan ng guro sa gawaing ito ang titiyak sa kabisaan ng pagkatuto ng
mga mag-aaral. Ang unang araw ng pasukan ang pinakamahalagang araw para sa isang buong taong
aralan. At ang epektibong pamamahala ng klasrum ay kailangang magsimula agad sa araw na ito.

Ang pamamahala ng klasrum ay tumatalakay sa lahat ng mga bagay na ginagawa ng guro sa


pagpapanuto ng buong klase, pagsasaalang-alang ng laki ng klase, oras, at mga kagamitan upang
lubusang maganap ang anumang pagtuturo at pagkatuto.

NASA TAMANG SILID BA AKO?

Ayon kay Brooks (1985), ang unang-unang gustong malaman ng isang mag-aaral sa unang araw ng
pasukan ay "Nasa tamang silid ba ako?" Ang paghahanap ng tamang silid-aralan sa unang araw ng
pasukan ay maaaring isa sa nakasisindak na karanasan para sa isang mag-aaral. Hindi ba nakakahiva na
matuklasan mong may 20 minuto ka nang nakaupo sa isang silid at huli na nang malaman mong mali
pala ang silid na pinasok mo?

May pitong (7) bagay na gustong mabatid ang mga mag-aaral sa unang araw pa lamang ng pasukan.

1. Nasa tamang silid ba ako?

2. Saan ako dapat umupo?

3. Anu-ano ang mga tuntunin sa klasrum na ito?

4. Ano ang aking inaasahang pag-aaralan/gagawin sa taong ito?

5. Paano kaya magbigay ng marka ang guro? Mataas? Mababa?

6. Ano kaya ang mga katangian ng aking guro bilang isang tao?

7. Paano kaya ang magiging pakitungo ng guro sa akin?

ANG PAGBATI/ PAGSALUBONG SA MGA MAG-AARAL SA UNANG ARAW

Tumayo nang nakangiti sa may pintuan ng klasrum at mainit na tanggapin ang sinumang papasok.

Siguro ay mag-aalangan ka sa gawaing ito lalo na't kung ikaw lamang ang gumagawa nito? Hindi
kailangan! Magagawa pa nito na ikaw ay tularan.

Narito ang ilang teknik sa pagtanggap ng mga mag-aaral sa unang araw ng pasukan.
UNANG HAKBANG

Idikit/Ipaskil ang sumusunod na mga impormasyon malapit sa pinto ng klasrum:

ang iyong pangalan;

bilang ng silid-aralan;

seksyon/takdang oras, kung maaari

baitang o subject;

Isang angkop na paraan ng pagbati o pagtanggap.

IKALAWANG HAKBANG

Tumayo sa may harap ng pinto. Ipakita ang matamis na pagngiti at mainit na pagtanggap.

IKATLONG HAKBANG

Habang ang mga bata ay nakatayo sa may pinto ng klasrum at may bahagyang agam-agam kung ikaw
nga ang kanilang guro at tama ang silid na kanilang papasukan, mainit silang tanggapin at ibigay ang
sumusunod na mga impormasyon:

iyong pangalan

silid blg. ___

seksyon/takdang oras, kung maaari

anumang nararapat na gawin gaya ng kung saan uupo

IKAAPAT NA HAKBANG

Tingnan ang kard o papel sa pagpapatala at kung mali ang pinasukan ng mag-aaral, tulungan siya para
mahanap ang kanyang silid-aralan. Gawin ang lahat ng nararapat para sa pagtanggap ng mga mag-aaral
at tiyaking alam nila kung saan pupunta at ang tamang oras ng pagpunta roon.
MGA KATANGĪAN NG ISANG KLASRUM NA MAHUSAY ANG PAMAMAHALA

1. Ang mga mag-aaral ay tutok sa kanilang mga gawain lalo't higit iyong mga gawaing akademiko at mga
gawain sa pagkatuto na nasa pamamatnubay ng guro.

2. Malinaw sa mga mag-aaral kung ano ang inaasahan nilang matutuhan at matagumpay nila itong
naisasagawa.

3. Humigit-kumulang ay walang nasasayang na oras, walang pagkalito, at walang mga sagabal.

You might also like