WPS Office

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

Si Zeus na pinuno ng mga diyos ay napaibig sa isang napakagandang

titanya na si Metis, ang diyosa ng karunungan at kahinahunan. Sinubukang


iwasan ni Metis si Zeus gamit ang lahat ng kanyang makakaya.

Dahil sa mayroon siyang kapangyarihan ng metamorphosis, nagawang


magbago ang diyosa bilang iba-ibang hayop para lang makawala kay Zeus.
Ngunit hindi niya magawang makatakas kay Zeus kahit anong gawin niya.

Sinunggaban siya ni Zeus at kinuha siya bilang kanyang asawa. Mabilis


siyang nabuntis at tiyak na manganganak ng isang napakagandang diyos.

Gayunpaman, may nagpaalala kay Zeus ng isang propesiya na "Kung ang


magiging anak nila ni Metis ay babae ito ay magiging katuwang niya, ngunit
pag ito naman ay lalaki ay maalisan siya nito ng tungkulin, katulad ng pag-alis
niya ng tungkulin sa ama niyang si Cronus".

Ikinatakot ni Zeus ang posibilidad na harapin ang parehong kapalaran ng


kanyang ama na si Titan Cronus at sa kanyang lolo na si Uranus na parehong
pinatay ng kanilang mga anak gaya ng ginawa din niya sa kanyang ama.

Hiniling ni Zeus na magbago si Metis bilang isang patak ng tubig. Kaya


naman ay nilamon niya ang kanyang buntis na asawa. Hindi na niya binigyan ng
pagkakataon na manganak pa ito.

Pagkatapos lunukin ang kanyang asawa, sinimulang gamitin ni Zeus ang


mga regalo ng diyosa para sa kanya. Siya ngayon ay mas matalino, patas, at
mahinahong diyos.

Lumipas ang mga araw, ang makapangyarihang diyos ay nagsimulang


makaramdam ng matinding pananakit ng ulo. Ang kanyang ulo ay lumaki ng
lumaki. Inutos ni Zeus sa isa nyang tao na biyakin ang kanyang ulo at alisin ang
sanhi ng nasabing sakit.

Si Hephaestus, ang diyos ng apoy at ng masining na mga gawaing


pangmetal ay gumamit ng isang palakol upang biyakin ang ulo ni Zeus. Mula sa
butas ng diyos sa ulo, lumitaw si Athena na isa ng ganap na dalaga kasama ang
kanyang sandata at mga armas.

Ipinagmamalaki ni Zeus na may anak siyang isang napakaganda at


pambihirang nilalang na dahil sa katalinuhan ng kanyang ina, ay magiging
diyosa ng karunungan.

Ituturing din siyang diyosa na tagapagtanggol sa mga digmaan.


Samakatuwid, ang pakikipaglaban niya kay Ares, ang diyos ng digmaan ay
hindi maiiwasan.

Nanatili si Metis sa tiyan ni Zeus, nang sa gayon ang propesiya ng


ikalawang anak na lalaki ay hindi na matutupad.

Ipapakita ni Athena ang kanyang sarili bilang isang magiting, dalisay, at


patas na diyosa. Ituturing siyang paboritong anak na babae ni Zeus at
maituturing siya bilang nararapat na tagapagmana ni Zeus.

You might also like