AP7 - Assessment 1 - Q1

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Pangalan: ____________________________________ Petsa: ____________

Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pangungusap at isulat ang titik ng tamang sagot sa
patlang bago ang bawat bilang.
___ 1. Alin sa sumusunod ang nagpapaliwanag sa konsepto ng Heograpiya?
A. Ang heograpiya ay tumutukoy sa pag-aaral ng katangiang pisikal ng daigdig.
B. Ang heograpiya ay ang pag-aaral ng wika at kultura ng isang pamayanan.
C. Ang heograpiya ay tumutukoy sa pag-aaral ng distribusyon at alokasyon ng likas na yaman.
D. Ang heograpiya ay pag-aaral sa pinagmulan ng tao.
___ 2. Ilang kontinente ang bumubuo sa daigdig?
A. 5 B. 6 C. 7 D. 8
___3. Aling rehiyon sa Asya napapabilang ang bansang Pilipinas?
A. Timog asya B. Silangang Asya C. Timog Silangang Asya D. Hilagang Asya
___ 4. Kung ikaw ay nakatira sa bansang pinagmulan ng mga K-pop songs at Korean drama, Aling bansa at rehiyon
ka sa Asya napapabilang?
A. India sa Timog Asya C. South Korea sa Silangang Asya
B. Thailand sa Timog Silangang Asya D. Qatar sa Kanlurang Asya
___5. Ang Asya ay binubuo ng limang rehiyon na nabuo batay sa pisikal, historikal at kultural na aspekto. Kung
pagsasama-samahin ang mga bansa, alin ang mga bansang napapaloob sa iisang rehiyon?
A. United Arab Emirates, Qatar at Iran C. Myanmar, Turkmenistan at Taiwan
B. North Korea, Nepal at Singapore D. China, Indonesia at Uzbekistan
___6. Ang kontinente ng Asya ay binubuo ng limang rehiyon na kinabibilangan ng Hilagang Asya, Timog Silangang
Asya, Kanlurang Asya, Timog Asya at Timog Silangang Asya. Kung ikaw ang bibigyan ng pagkakataon na bumuo
ng mga rehiyon, anong mga aspekto ang iyong isasaalang-alang sa paghahati ng bawat rehiyon?
A. Isasaalang-alang ko ang pamamaraan ng paglinang ng kapaligirang pisikal.
B. Isasaalang-alang ko ang mga porma ng anyong lupa, anyong tubig sa lugar.
C. Isasaalang-alang ko ang klima ng isang lugar.
D. Isasaalang-alang ko ang aspektong historikal, kultural at heograpikal.
___7. Ilang rehiyon ang bumubuo sa kontinente ng Asya?
A. 5 B. 6 C. 7 D. 4
___8. Ano ang itinuturing na pinakamalaking kontinente sa Daigdig?
A. Africa B. Asya C. Europa D. Australia
___9. Ang rehiyong ito ay kilala rin sa katawagang Inner Asia o Central Asia?
A. Timog Asya B. Silangang Asya C. Hilagang Asya D. Kanlurang Asya
___10.Alin sa sumusunod ang pinagbatayan sa paghahati ng mga rehiyon sa Asya?
A. Pisikal, Kultural at Historikal na aspekto. C. Historikal at Kultural na aspeto
B. Heograpikal na aspeto lamang. D. Pisikal at kasaysayang aspeto
___11.Ang Timog-Silangang Asya ay nahahati sa dalawang subregions, ang Mainland Southeast Asia at Insular
Southeast Asia. Kung ikaw ay nakatira sa Pilipinas, sa anong subregion ka napapabilang?
A. Mainland Southeast Asia B. Insular Southeast Asia C. Inner Asia D. Sentral Asia
___12. Ito ay ang pinakamataas na bundok sa buong mundo na may taas nahalos8,850 metro.
A. Mt Everest B. Mt Fuji C. Mt Pinatubo D. Mt Kanchenjunga
___13. Ano ang pinakamalaking archipelagic state sa buong mundo na may humigitkumulang 13,000 na pulo?
A. Indonesia B. Pilipinas C. Japan D. Brunei
___14. Ano ang tawag sa isang uri ng anyong lupa na nakausli sa karagatanngAsya?
A. Kapatagan B. Tangway C. Talampas D. Disyerto
___15. Ano ang mahalagang papel na ginagampanan ng mga anyong lupasapamumuhay ng mga Asyano?
A. Nagsisilbi itong panirahan ng mga tao
B. Nililinang ng mga tao ang mga kagubatan para sa ma pananim
C. Ang mga bulubundukin ay nagsisilbing likas na tanggulan
D. Nakakapagbigay ito ng malaking suliranin sa pamumuhay ng mgatao

___16. Ano ang mahahalagang ilog na nagsilbing lundayan ng mga kabihasnanhindi lamang sa Asya kundi sa buong
daigdig?
A. Tigris at Euphrates, Indus, Huang Ho C. Ilog ng Amu Darya
B. Ilog ng Lena D. Yangtze
___17. Paano mo pahahalagahan ang iyong kapaligiran?
A. Gumamit ng Dinamita C. Pagtapon ng plastic sa dagat
B. Pagputol ng Kahoy D. Huwag magtapon ng basura sa dagat
___ 18. Alin sa sumusunod na pangungusap ang tamang nagpapaliwanag ukol sa klimang tropikal?
A. Mayroong labis o di kaya’y katamtamang init o lamig ang lugar naito.
B. Nakararanas ang mga bansa dito ng iba-ibang panahon.
C. Nakararanas ang mga bansa ng tag-init, taglamig, tag-araw, at tag-ulan
D. Nakararanas ang mga bansa dito ng mahabang taglamig.
___19.Bakit sinasabing ang Pilipinas kasama ang mga bansa sa rehiyongAsyaPasipiko ay nakalatag sa isang malawak
na sona na kung tawagin ay Pacific Ring of Fire?
A. Dahil sa ang mga lugar na ito ay nagtataglay ng maraming hanayngmga bulkan.
B. Dahil sa nakaharap ito sa karagatang Pasipiko.
C. Dahil nagtataglay ito ng mga hanay ng kabundukan.
D. Dahil sa napakaraming anyong tubig na nakapalibot dito.
___20.Kayo ay naatasang magsaliksik tungkol sa mga anyong lupa at ipinalalarawan ang katangian ng bawat anyo.
Paano mo ilalarawan angarkipelago o kapuluan?
A. Ito ay napaliligiran ng tubig C. Ito ay malawak na kalupaan na may bulubundukin .
B. Ito ay binubuo ng mga pulo. D. Ito ay kapatagan na nasa ibabaw ng bundok.
___21.Ito ay uri ng behetasyon na inilararawan bilang damuhan at kagubatanatkaraniwang makikita sa bansang
Myanmar at Thailand na nasaTimog-Silangang Asya. Anong behetasyon ang inilalarawan dito?
A. Prairie B. Savanna C. Taiga D. Rainforest
___22. Anong bansa sa Hilagang Asya ang may pinakamaraming deposito ng ginto sa buong mundo?
A. Tajikistan B. Kyrgyztan C. Turkmenistan D. Uzbekistan
___23. Sa rehiyong ito matatagpuan ang may pinakamaraming deposito ng gas at petrolyo?
A. Kanlurang Asya B. Timog Asya C. Silangang Asya D. Timog Silangang Asya
___24. Hindi lingid sa ating kaalaman na lahat ng bagay ay may limitasyon at katapusan. Bilang mag-aaral papaano ka
makakatulong upang mapanatili ang mga likas na yaman ng iyong lugar para sa susunod pang henerasyon?
A. Sasama ako sa mga illegal loggers para sa walang habas na pagputol ng mga puno sa kagubatan.
B. Makikiisa ako sa aking mga kanayon sa pagsusulong ng mga gawaing makakabuti sa aming lugar tulad ng
pagtatanim ng puno sa mga nakakalbo ng kabundukan.
C. Ipagwawalang bahala ko na lamang ang lahat dahil naririyan ang aking mga kapwa para sila ang gumawa ng
mga hakbang sa paglutas.
D. Mananahimik na lamang ako upang hindi madamay.
___ 25. Malaki ang bahaging ginagampanan ng likas na yaman sa pamumuhay ng mga tao. Mas higit na napaunlad ng
tao ang antas ng pamumuhay at natutugunan ang pangunahing pangangailangan. Kung kayo ang mag-iisip
ng pamamaraan, ano ang inyong gagawin upang higit na mapakinabangan ang likas na yaman at makatulong
sa pag-unlad ng ating bansa?
A. Gagamitin ng wasto ang mga likas na yaman upang makatugon sa pangangailangan ng tao.
B. Hindi makikialam sa mga usapin sa likas na yaman dahil ito ay usapin ng Pamahalaan.
C. Kinakailangang iluwas ang mga produkto sa ibang bansa upang higit na pakinabangan ng mamamayan.
D. Hindi na gagamitin ang mga likas na yaman upang higit na mapagyaman.
___26. Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang kabilang sa Timog Silangang Asya na nagtataglay ng mayamang likas na
yaman. Ano ang pangunahing produkto na iniluluwas ng bansang Pilipinas?
A. Langis ng niyog at kopra, palay, at Trigo C. Palay at Trigo
B. Natural gas at Liquefied gas D. Tilapia at Bangus

___27. Ang Hilagang Asya ay sagana sa likas na yaman at kinikilala ang rehiyon na nangunguna sa produksiyon at
pinakamalaking deposito ng ginto. Kung ating tutukuyin, saan yamang likas napapabilang ang ginto?
A. Yamang Lupa B. Yamang Tubig C. Yamang Gubat D. Yamang Mineral
___28. Sa pagkakaroon ng lambak-ilog at mababang burol ng mga bundok na mainam na pagtaniman sa Hilagang
Asya, ano ang mahihinuha mong maaaring maging hanap buhay ng mga naninirahan dito?
A. Pangingisda B. Pagmimina C. Pagsasaka D. Pagpipinta
___29. Ang rehiyon ng Timog Silangang Asya ay sagana sa lahat ng uri ng likas na yaman. Kung totoo iyon, bakit may
mga bansa pa rin dito na hindi maunlad? Pangatwiranan.
A. Ang pag-unlad ng bansa ay nakasalalay sa taglay nitong likas na yaman.
B. Ang mga bansang maunlad ay may masaganang likas na yaman, ang mga bansang hindi maunlad ay salat sa
pinagkukunang yaman.
C. Nasa tao nakasalalay ang pag-unlad ng isang bansa.
D. Ang pag-unlad ng bansa ay nakasalalay sa wasto at tamang paglinang at paggamit ng tao sa kanilang likas
na yaman.
___30.Ang bawat bansa sa rehiyon ng Timog Silangang Asya ay may taglay na iba’t ibang uri ng likas yaman na
nakatutulong sa pag-unlad ng mga bansa sa Timog Silangang Asya. Alin sa sumusunod ang HINDI naglalarawan
sa likas na yaman na taglay ng rehiyon ng Timog Silangang Asya?
A. Salat sa likas na yaman ang rehiyon ng Timog Silangang Asya.
B. Ang rehiyon ng Timog Silangang Asya ay nangunguna sa larangan ng magagandang aplaya o beaches.
C. Ang Timog Silangang Asya ay kilala sa mala-paraisong mga pulo at baybayin na may pinong-pinong
buhangin.
D. Ang Timog-Silangang Asya ay tahanan ng mga natural wonders o kahanga-hangang tanawin na likha ng
kalikasan.
___31.Ang pagkakaroon ng malawak at matabang lupain ay nakapagbibigay ng maraming produkto at
nakapagpapalaki ng produksiyon na nakatutulong sa pagtugon sa pangangailangan ng mga tao sa isang bansa.
Anong larangan ang pinagtutuunan ng pansin dito?
A. Agrikultura B. Ekonomiya C. Panahanan D. Turismo
___32. Malaki ang epekto ng paglaki ng populasyon sa ating likas na yaman sapagkat maraming mamamayan ang
nangangailangan ng mga hilaw na materyales lalo’t higit sa mga bansang mauunlad at mga bansang
papaunlad pa lamang. Kung susuriing mabuti, ano ang magiging implikasyon nito sa ating likas na yaman ng
Asya pagdating ng panahon?
A. Ang likas na yaman ng Asya ay mauubos o mawawala.
B. Mapreserba ang mga yamang likas ng Asya.
C. Aangkat ang mga bansa sa Asya sa ibang mga kontinente.
D. Higit na madadagdagan ang likas na yaman ng Asya.
___33.Bilang isang mag- aaral, paano mo maipapakita ang iyong pagtulong sa pangangalaga ng ating kapaligiran?
A. Pagsusunog ng mga basura tulad ng mga tuyong damo, dahon at mga plastic
B. Palagiang pagwawalis at pagdadamo sa paaralan
C. Pagsuporta sa mga programang pangkalikasan sa pamamagitan ng pagtatanim at di pagputol ng maliliit na
mga punong kahoy.
D. Pagsunod sa mga ipinag-uutos ng paaralan at ng pamahalaan
___34.Ano ang epekto ng Land Conversion?
A. Kakulangan ng espasyo ng tirahan ng tao C. Pagkawasak ng tirahan ng iba’t ibang species ng hayop
B. Paglaki ng bolyum ng basura sa mga tahanan D. Pagdami ng produksyon ng pagkaing butyl
___35.Alin sa sumusunod ang hindi maituturing na suliraning pangkapaligiran?
A. Pag-unlad ng mga industriya C. Pagkasira ng kagubatan
B. Pagkawala ng biodiversity D. Pagkakaroon ng mga polusyon

_________________ _________________
Student’s Signature Parent’s Signature
Prepared by: Checked by:

RUSSEL G. CELIZ ELIZABETH C. AVILA


Teacher 1 Math Coordinator

Approved by:

MARY LADY C. UYTICO


Principal 1

You might also like