Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

BYLAWS OF

K - BSIG

ARTIKULO I: Paunang Salita


Kaming naka lagda sa ibaba ay pawang mga kabtaang mamamayang pPilipino na ninanais
makatulong sa kapwa kabataan na naka talaga sa Beata - Pandacan, Distrito 6 ng Maynila na
naniniwalang hindi hadlang sa pagkamit ng magandang kinabukasan ang kahirapan lalo na’t katuwang
namin ang ERDA Foundation INC. na sa tulong ng may kapal ay mabigyang kalutasan at matulungan
ang aming mithiin.

ARTIKULO II: Pangalan ng Organisasyon


Ang organisasyong ‘Kabataan ng Beatang Sumusuporta sa Interaksyon at Gabay’ o K-Bsig ay
tumatalima sa kapisnan ng Beata upang mabigyang hustisiya ang mga karapatang pang bata at magtayo
ng mahalinang komunidad sa mga kabataan.

ARTIKULO III: Mga Layunin


1) Matalakay ang Vision, Mission, at Goals ng samahan.
2) Maibigay ang karapatang maipahayag ang opinyon ng bawat miyembro.
3) Maipaliwanag ng maayos ang mga serbisyo, programa, proyekto, at mga pangangailangan ng
buong samahan.
4) Maiahon ang mga miyembro sa mga pangunahing nilang pangangailangan.
5) Magkaroon ng pagkakaisa sa samahan.

ARTIKULO IV:
1) Ang bata ay dapat naka lagda sa Beata.
2) Ang bata ay kinakailangan ng Birth Certificate at anumang Identification Card.
3) Ang bata ay dapat nasa 7 - 17 years old.
4) Ang bata ay dapat nag aaral ng Basic Education.
5) Ang bata ay dapat handang sumunod sa mga alituntunin ng organisasyon.
ARTIKULO V: Tungkulin ng Pamunuan at mga Miyembro
a. Pangulo
- Mangunguna sa pangkalahatang gawain ng samahan at may karapatang magpatawag ng
pagpupulong at magpatupad ng alintuntunin at batas.
b. Pangalawang Pangulo
- Ang gaganap sa tungkulin ng pangulo kung ito ay lumiban o hindi magampanan ang
kanyang gawain.
- Katlong ng pangulo sa samahan.
c. Kalihim
- Ang nagtataklaga ng mga pinaguusapan sa mga pagpupulong.
- Taga pag handa sa mga patalastas at iba pang gawain sa samahan.
d. Ingat Yaman
- Taga pangolekta ng butaw sa samahan.
- Ang mag uulat sa samahan ukol sa usaping panlapi sa araw ng pulong.
e. Tagapag-ugnay
- Tagapamayapa at tagapag-ugnay ng mga pagtitipon.
- Karapatang mag disiplina sa mga kasapi.
f. Tagapagsuri (Auditor)
- Tagapag tuos ng buong kaperahan ng samahan.
g. Miyembro/Kasapi
- Makibahagi sa pagsasagawa at pagpaplano ng mga gawain ng samahan.

ARTIKULO VI: Butaw


Ang buwanang pag bigay ng butaw na nagkakahalagang Sampung Piso ay magiging pondo ng
organisasyon sa mga gagawing aktibidad.

ARTIKULO VII: Resignation and Expulsion


Ang mga sumusunod ay pwedeng dahilan ng pagtanggal sa miyembro ng mga namumuno;
1) Ang hindi pagiging aktibo sa organisasyon
2) Ang mga wala na sa kapisanan ng Beata.
3) Ang hindi pagbabayad ng butaw.
4) Ang hindi pagsunod sa tungkulin o saligang batas ng samahan.

Kung ang miyembro man ay may ka supe-supetsang gawain ay magkakaroon ng pulong ang mga
namumuno upang pag usapan kung ano ang nararapat harapin ng kasaping iyon.

ARTIKULO VIII: Pamunuan


TBF.

ARTIKULO IX: Araw ng Eleksyon


Ang paghahalal ng mga miyembrong mamumuno sa samahan ay gaganapin sa huling araw ng
Mayo.

ARTIKULO X: Haba ng Termino ng mga Opisyales


Ang mapipiling opisyales ay mabibigyan ng isang taon (1 Year) upang mag tungkol sa samahan.

ARTIKULO XI: Iskedyul ng Pagpupulong


Ang pagpupulong ay gaganapin tuwing ikalawang Sabado ng tatluhang-buwan ng taon.

ARTIKULO XII: Ratification of Bylaws


Ang mga saligang batas ay pwedeng baguhin kung kinakailangan.

You might also like