Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 8

Bow muna before magstart and then formal greetings.

Start of Introductory Scene:

May upuan sa gitna and a table, nagbabasa si Louie ng libro about history,
tapos after non lilipat sya sa gilid or sa isa pang upuan, Kailangan ay
nakatagilid sya sa pinagaactingan, dahil imagination nya ang nagrurun (pero
of course pwede naman tumingin si luwi pag nagaacting) pero pagtapos ng
acting, need ni luwi tumingin ulit sa libro at sabihin dialogue nya, ganon
din ang mga next scenes.

Dialogue introduction (by the way ang mga dialogues ni Louie can be ad lib)

Louie: Aaahh, eto na naman ako, magisa na lang palagi, bakit ba kasi
kailangan pa magbigay ng assignment ni maam, alam namang break na dapat
ehh... (Sigh) Nakakatamad na tuloy.

Louie: Makapagbasa-basa muna, baka gumaan pakiramdam ko ng konti. (ilang


buklat later) Ere! Ere na nga ang hinahanap ko! Lezzgow gow gow!!!

(Short sigh)

Start ng First Scene:

Louie: Pebrero Labing Pito, Taong Isang Libo't walong daan at pitongpu't
dalawa. Ang Pagbitay sa Tatlong Paring Martir na sina Padre Mariano Gomez,
Jose Burgos, at Jacinto Zamora na nanguna sa pag-aalsa sa Cavite o Cavite
Mutiny.

Pasok tatlong pari at tatlong gwardya sibil:

Tatlong upuan ang nakaharap dapat sa audience:

Gwardya sibil 1: Matar a los sacerdotes (Translation: Patayin ang mga pari)
(Pasigaw to, parang utos)

Tatakpan ang tatlong pari ng tela, eco bag oh kahit ano, pero dapat may
safety padin, at sasakalin gamit ang tali (observe safety padin)

Louie: Grabe, napakadilim naman nito, malala pala talaga ang mga Gwardiya
sibil noong panahon na iyon. Haisttttt no na no for me ang mga gwardiya sibil

Louie: Okay ano naman sunod dito...hmmmm... istorya ng GomBurZa... ayun eto:
Scene 2:

Hunyo dalawa, Taong Isang libo't walong daan at walumput dalawa, ang
pagsusulat ni Jose Rizal ng Noli me Tangere sa Madrid, Spain.

Uupo si Rizal sa isang upuan na may table, magsusulat ng mabagal at magbabasa

Jose Rizal: Ito na, ang aking obra maestra! isang pahiwatig ng rebolusyon,
pagbibigay daan sa panibagong pag asa ng aking inang bayan, naidugtong ko na
sa mga katagang:

"Naupô si Maitím, sinulót ni Mapula.


Nang malao'y cumaracara."

(Tatayo si Rizal at hahampasin ang mesa at parang titingin kay ma'am) Ito na
ang simula! Simula ng Rebolusyon!

Louie: Talagang mapapahanga ka kay Rizal Sheeshhh grabe hanggang ngayon, eto
pading nobela niyang to ang ginagamit sa filipino, talagang malaki ang
naiitulong nito sa lahat. Yes na yes for me si Gat. Jose Rizal grabe na sya
gaizzz super galing!!

Scene 3:
Louie: (buklat buklat) Okay eto na ata yung sa group ni Dr. Jose Rizal... oo
eto na nga shessh lezzgowww:

Hulyo tatlo, taong isang libo't walong daan at siyam naput dalawa, mula sa
organisasyong La solidaridad ay binuo ni Gat Jose Rizal ang organisasyong La
Liga Filipina.

Jose Rizal: Kayo ay aking tinipon dito sa silid na ito, upang ipaalam na
bubuo tayo ng isang organisasyon, ang La Liga Filipina, ito ang ating
magiging panimula sa paghihimagsikan, kaya't nararapat nating tiponin ang mga
kababayan nating handa sa rebolusyon. (naglalakad lakad dapat si Rizal at
parang tumuturo sa mga kasamahan)

Louie: Eto na ang panimula, dito na siguro nanggaling ang KKK, kalbo, kinis,
kintab? oopss joke lang po pero sabagay rebolusyon na tinutukoy dito eh.
(buklat buklat pagtapos basahin)
Scene 4:

Louie: Eto na, ang sigaw! hala eto na ata yung napiyok ng "punitin" HAHAHAHHA

Agosto dalawamput tatlo, taong Isang libo't walong daan at syam naput anim.
Ang Pagsigaw ni Andres Bonifacio at ng mga Katipunero sa Balintawak, bilang
simula ng Himagsikan.

Bonifacio: Ilang araw mula ngayon, sa Gabi ng abente nwebe, sisimulan na


natin ang rebolusyon! Ipapakita natin kung sino ang tunay na nagmamay ari ng
bayang ito! (tatayo si Bonifacio tapos pause muna tapos iangat ang sedula or
papel) KATIPUNAN!! ILABAS NINYO ANG INYONG MGA SEDULA! PAGMASDAN NINYO ANG
MUNTING PAPEL NA UMAALIPIN SAATING LAHAT! BILANG INYONG SUPREMO, INUUTOS KO
SAINYO, PUNITIN, ANG MGA SEDULA NIYO!!

MABUHAY ANG KATIPUNAN!


(MABUHAY!)
MABUHAY ANG SUPREMO!
(MABUHAY)
MABUHAY ANG PILIPINAS! (malakas nato)
(MABUHAY!!)

Louie: Wala man ako dito, pero ramdam ko talaga ang galit nila, ang kanilang
malakas na hiyawan, hindi talaga nila pwedeng hayaan na basta basta nalang
samantalahin ang inang bayan. kaya yes na yes for me si Andres Bonifacio ehhh
saludo!

Scene 5:
Louie: Ito na siguro yung kamatayan ni Rizal, basahin ko nga.. :

Desyembre Tatlumpu, Taong Isang libo't walong daan at siyam naput anim, Ang
pagbaril kay Gat Jose Rizal sa Bagumbayan.

(May papasok na dalawang babae, isang tahimik lang na malungkot or ipwedeng


umiiyak din, at isang galit na nagpapaypay)

Babae 1: Hindi ko matanggap ang mga pangyayaring ito, Maria


Babae 2: Ako rin, malaking pagbabago ang ginawa ni Pepe sa ating bayan, kung
hindi nya sinimulan ang kaniyang mga akda, paano na?
Babae 1: Tama ka diyan, malditos sean los soldados civiles! (Translation:
Sumpain ang mga gwardya sibil) (pagalit to!)
Babae 2: Sana lang makamit na natin ang inaasam na kalayaan...
Babae 1: Magbabayad talaga ang mga pisting Kastila na iyan, hmph (nagpapaypay
ulit)
Scene 6:
Louie: Sobrang nakakalungkot naman talaga ang nangyari sa ating pambansang
bayani grabe ang mga fersons dati haisttt perooo kailangan nga ba yung unang
pagdeklara ng kalayaan ng Pilipinas.. asan ba yun. .... ayunn...

Hunyo Labindalawa, Taong Isang libo't walong daan at syam na put walo. Ang
pagdedeklara ni Pangulong Emilio Aguinaldo ng kalayaan ng Pilipinas mula sa
kamay ng mga Kastila.

(Dito magsasama-sama na ang lahat, at si Aguinaldo ay pagigitna, may


napakalibot din sakanya, at dapat may bandera ng Pilipinas sa gilid, may
magwewave nyan pag nagannounce na si Aguinaldo)

Emilio Aguinaldo: Alam ko na matagal din ang panahon na tayo ay sinakop ng


mga Kastilang mapang-api, at napuno ng hirap at pasakit ng bawat isa, ngunit
tapos na ang kadiliman nilang ibinabahagi. Mga kababayan! Aking idinedeklara,
na sa araw ding ito, na malaya na ang Pilipinas mula sa kamay ng mga Kastila!
(may magwewave ng flag)

(Palakpakan at hiyawan)

MABUHAY ANG PILIPINAS! (MABUHAY!)


MABUHAY ANG PILIPINAS! (MABUHAY!)

And then habang nagchecheer, may nagpapatugtog ng Pilipinas kong mahal, and
lahat ng cast kasama si Louie ay magsasama sama upang kumanta, and then
parang choir na yon, and after ng kanta is magbobow ang lahat at maraming
salamat.

Wakas.

You might also like