Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Asignatura: FILIPINO V Time : 2:40-3:30 (Newton)

I. Layunin

A. Nagagamit ang pang-uri sa paglalarawan ng katangian ng pangngalan. (F5WG-IIId-e-9)

II. Nilalaman

A. Paksang Aralin: . Paggamit ang Pang-uri sa paglalarawan ng katangian ng pangngalan.

B. Sanggunian: MELCs sa Filipino 5, Alab Filipino: Batayang Aklat 5 pah.105,109-111, Modyul sa

Filipino 5

C. Kagamitan: larawan, tsart, powerpoint presentation

III. Pamamaraan

A. Pang-araw araw na Gawain: Pagbigkas ng isang tula, pagbabaybay

B. Balik Aral: Tukuyin ang pang-abay sa bawat pangungusap.

1. Sadyang matigas ang ulo ng bata.

2. Mahirap magtahi sa lugar na madilim.

3. Ang magnanakaw ay tumakbo nang mabilis.

4. Kamuntik nang magkabungguan ang dalawang sasakyan.

5. Halos kumpleto na ang pangkat ng mga mang-aawit.

C. Paglinang ng Aralin:

1. Pagganyak: Pagpapakita ng mga larawan at pagbasa ng mga pangungusap tungkol dito. Ano-
ano ang mga salitang nakasalungguhit?

2. Pangkatang Gawain: Pagsasagot ng bawat pangkat sa gawaing inihanda ng guro.

3. Pag-uulat ng bawat pangkat.

4. Paglalahad sa aralin gamit ang output na inilahad ng bawat pangkat.

5. Ginabayang pagsasanay: Tukuyin ang pang-uri sa bawat pangungusap

1. Ang paninigarilyo ay masama sa katawan.

2. Nalaglag ang mga hinog na bunga ng punong-kahoy.

3. Maraming tao ang napinsala ng lindol.

4. Tahimik ang buhay nila sa kabukiran.

5. Si Pedring ay masipag na mangingisda.

6. Malayang Pagsasanay: Tukuyin ang pang-uri sa bawat pangungusap

1. Simple lang ang pangarap ni Melody sa buhay.

2. Ang bata na nagsasabi ng totoo ay matapat.

3. Ang trak ay dumaan sa makitid na tulay.

4. Sina Dina at Ramon ay may tatlong anak.

5. Hindi na matalim ang kutsilyo sa kusina.

7. Paglalahat: Ano ang pang-uri?

IV. Pagtataya

Salunggihitan ang pang-uri sa bawat pangungusap.

1. Maganda ang damit na regalo sa akin ng aking ina.
2. Hindi ako kumakain ng pagkain na maalat.
3. Huwag kang matakot sa maamong aso.
4. Ang maong na ibinigay mo ay kupas na.
5. Malinis ang tubig mula sa balon.
V. Gawaing Bahay (Sundin ang DepED Memorandum No, 392, s. 2010)

Gawin ang Pagsikapan Natin (A) sa pahina 105, Alab Filipino : Batayang Aklat 5
Pagninilay
_____ mag-aaral mula sa _____ kabuuang bilang ng mga mag-aaral ang nagkamit ng ___% ng pagkatuto.

_________________________________________________________________________________________________________________________

You might also like