Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Pangalan_______________________________ Petsa:______________________

Baitang at Seksyon:______________________ Iskor:____________

Ikatlong Lagumang Pagsusulit


Filipino 6 Q2

I. Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at tukuyin kung anong uri ng pokus ng pandiwa ang salitang
nakasalungguhit, isulat sa patlang ang titik TA kung Tagaganap o Aktor, LG kung Layon o Gol, GL kung Ganapan o
Lokatibo, TB kung Tagatanggap o Benepektib, GI kung Gamit o Instrumento, SK kung Sanhi o Kusatib, at D kung
Direksyunal.

____ 1. Pinitas ni Nico ang mga pulang rosas sa hardin.


_____ 2. Ipagsaing mo na si Tatay para makakain na siya ng hapunan.
_____ 3. Ako ay magsasanay sa paglalaro ng chess araw-araw.
___ 4. Ang itim na salamin ay ipinambabasa ni Lolo Pedring.
____ 5. Ikinababahala ng maraming mamamayan ang pagdami ng bilang ng mga krimeng nagaganap.
_____ 6. Ang makapal na dyaket ay isinuot ni Regina.
_____ 7. Ang Crown Hotel ay pinagdausan ng kumperensiya.
_____ 8. Si G. Celeste ang nagtatag ng organisasyong ito.
_____ 9. Ang mga mag-aaral ay binabasahan ng guro ng maikling pabula.
_____ 10. Ang puting tuwalya ay ipinampahid niya sa kanyang mga braso.

II. Panuto: Suriin ang uri ng pang-abay na may salungguhit sa pangungusap. Isulat sa patlang ang PR
kung pamaraan, PN kung ito ay pamanahon, o PL kung ito ay panlunan
_____ 11. Ipagdiriwang ang kaarawan ni Jessica sa darating na Sabado.
_____ 12. Malugod na tinanggap nila ang imbitasyon ni Jessica.
_____ 13. Hinihintay sila ni Mang Rudy sa tabi ng van.
_____ 14. Masayang nakipaglaro ang dalawa sa ibang mga bisita.
_____ 15. Nakita nila na nakatayo sa labas ng pinto si Mang Rudy

III. Panuto: Isulat sa patlang kung pang-abay o pang-uri ang salitang may salungguhit. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
_______________16. Taimtim na nanalangin ang mga tao para sa kanilang kaligtasan laban sa pandemya.
_______________ 17. Masayang tinanggap ng mga tao ang tulong na galing sa pamahalaan.
_______________ 18. Si Joy ay isang maalagang nurse.
_______________ 19. Mahinahon ang pakikipag-usap ng lider sa kanyang nasasakupan.
_______________ 20. Talagang matatapang ang ating mga front-liners.

Panuto: Isulat sa patlang ang titik S kung ang may salungguhit ay tumutukoy ng sanhi. Isulat ang titik
B kung ito ay tumutukoy ng bunga.

_________21. Hindi naplantsa ni Janet ang kanyang uniporme dahil nawalan sila ng kuryente.
_________ 22. Tulog ang sanggol kaya huwag kayong maingay.
_________ 23. Pagka’t malakas ang sikat ng araw, agad natuyo ang mga damit sa sampayan.
_________24. Dahil nakalimutan ni Roselle ang kanyang I.D., bumalik siya sa bahay.
_________ 25. Sapagka’t nagmamadali siyang lumabas ng bahay, hindi nakapagsuklay si Carla.

You might also like