Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

LEARNING MODULE IN ARALING PANLIPUNAN 7

Quarter 1 - Week 2

Pangalan: ______________________________________ Taon at Seksiyon: ______________________

ARALIN 2: HEOGRAPIYA NG ASYA


MELC: Naipapaliwanag ang konsepto ng Asya tungo sa paghahating – heograpiko: Kanlurang Asya at Hilagang Asya o Gitnang Asya

MGA INAASAHAN:
Matapos mapag-aralan ang araling ito, inaasahang matamo ang mga sumusunod na kasanayan:
 naipaliliwanag ang konsepto ng Asya tungo sa paghahating heograpiko: Kanlurang Asya at Hilaga o Gitnang Asya;
 nailalarawan ang mga likas na yaman sa Kanluran at Hilaga o Gitnang Asya; at
 napapahalagahan ang mga likas na yaman sa pamamagitan ng pagbabahagi ng sariling pananaw hinggil sa tamang pag-
aalaga ng mga likas na yaman sa Asya.
Sanggunian: Sulyap sa Kasaysayan ng Asya 7; Eliza D. Bustamante - May-Akda
Kabanata 1; pahina 15-20

Paunang Pagtataya: Tukuyin ang bansa at kung saang rehiyon ito kabilang. Lagyan ng tsek (/) ang kolum ng iyong sagot para sa pagtukoy ng
rehiyon. Isulat naman ang bansa sa ikalawang kolum. Pumili ng lima (5) sa labin-limang kabisera na nasa kahon. Sa mga may aklat,
sumangguni sa pahina 19 sa inyong aklat.
1. Tbilisi 6. Astana 11. Pyongyang
2. Abu Dhabi
Kabisera Bansa7. Colombo 12. Phnom Penh
Kanlurang Asya Hilaga o Gitnang Asya
3. New Delhi 8. Dili 13. Doha
1. 4. Jerusalem 9. Ankara 14. Beirut
2. 5. Ulaanbaatar 10. Nay Pyi Taw 15. Tashkent
3.
4.
5.

Ang heograpiya ay may malaking papel na ginampanan sa pamumuhay ng mga tao saang dako man ng mundo.
Nagkaroon ng mga pagkakaiba sa pamumuhay ng mga tao sa Asya dahil sa katangiang pisikal ng bawat rehiyon nito. Ang
klima ay isang mahalagang salik na makakaapekto sa buhay at pamumuhay ng mga Asyano dulot ng mga pagbabago nito.

Konsepto ng Asya Tungo sa Paghahating Heograpiko

1. Kanlurang Asya
Karamihan sa mga bansa sa Kanlurang Asya ay itinuturing na kabilang sa Middle East o Gitnang Silangan, ito ay isang
rehiyon na kinabibilangan din ng Egypt na matatagpuan sa silangang bahagi ng Europe at hilagang bahagi ng Africa. Ang Kanlurang
Asya ang naging tahanan ng mga unang sibilisasyon na sumibol sa mundo at dito rin nagmula ang mga pangunahing relihiyon sa
mundo – Judaism, Kristiyanismo, at Islam. Maraming bansa rito ang nagtataglay ng malaking deposito ng langis.

Mga Bansang Bumubuo:


1. Bahrain – ito ang pinakamaliit na bansa sa Kanlurang Asya. Isa itong Isla sa loob ng Golpo ng Persya.
2. Kuwait – ito ay nasa bandang hilaga ng Kanlurang Asya. Isa rin itong bansang pinagkukunan ng langis.
3. Qatar – matatagpuan sa gitna ng rehiyon at isa ring bansang pinagkukunan ng langis.
4. Saudi Arabia – ito ay ang pinakamalaking bansa na nasa gitna ng rehiyon. Sentro rin ito ng relihiyong Islam dahil narito ang
Mecca.
5. Oman – nasa bandang silangan ng rehiyon at tumatapat sa Karagatang Indian.
6. United Arab Emirates – isa itong bansang nasa bukana ng Golpo ng Persya at nagdurugtong sa Karagatang Indian at ang
golpo ng Oman.

Topograpiya
Anyong Lupa
Ang Kanlurang Asya ay kakikitaan ng mga lambak na may ilog, kung saan mainam magtanim.
Mga Halimbawa: lambak ng Ilog Tigris at Ilog Euphrates at ang Fertile Delta na nasa bahagi ng Israel, Jordan, at Lebanon.
Kakikitaan din ang Kanlurang Asya ng mga hanay ng mga bundok tulad ng mga bulubunduking Pontus, Ararat, at Taurus sa
Turkey, Bulubunduking Zargos sa pagitan ng Iran at Iraq, at ang bundok ng Jebel El-Akhdar sa Oman.
Mas malaking bahagi ng mga lupain sa Kanlurang Asya ay tuyo at madisyerto. Isa na rito ang Rub-Alkhali, ang pinakamainit
na disyerto ng daigdig. Nariyan din ang Great Salt Desert, na nasa gawing hilaga ng Iran. May mga talampas rin na maaaring taniman
sa kabila ng matinding init o lamig ng panahon.
Anyong Tubig
Ang mga anyong tubig na nasa palibot ng Kanlurang Asya ay ang:

 Aegean Sea  Mediterranean Sea


 Caspian Sea  Gulf of Persia
 Arabian Sea  Black Sea
 Gulf of Eden
 Red Sea

Naririto rin ang Ilog Tigris at Ilog Euphrates, dalawang makasaysayang ilog na nagsilbing lundayan ng sinaunang kabihasnan.

Klima
Ang klima sa rehiyong ito ay arid o semi-arid o mainit at malamig. Sumasapit ang mataas na temperature na umaabot ng 50º
Celsius sa tanghali tuwing buwan ng tag-init samantalang lubhang malamig na pagsapit ng taglamig.
Humahantong sa pagkakaroon ng tagtuyot ang mainit na klima na lalo pang nagpapalubha sa kakapusan sa tubig.
May dalawang uri ng hangin na umiihip sa rehiyon: ang una ay ang hanging sharqi o ang hangin na umiihip mula sa Timog-Silangang
Asya tuwing Abril hanggang Hunyo at muling umiihip mula Setyembre hanggang Nobyembre. Nagdadala ito ng maraming alikabok na
umaabot hanggang libong metro at nagiging sandstorm. Ito ang dahilang ng minsang pagkaantala ng transportasyon sa rehiyon. Ang
ikalawang uri ay ang hanging shamai na umiihip naman mula sa hilagang-kanluran. Ang hanging ito ay nagdudulot din ng pagbugso ng
malakas na hangin buhat sa disyerto at dumadaan tuwing panahon ng tag-init.

Mga Likas na Yaman


Yamang Lupa
Dahil sa kakulangan sa mga lupang maaaring sakahan, ilang uri lamang ng mga pananim ang tumutubo dito tulad ng dates o
datiles, mga butil, olives, mga prutas, mga gulay, barley, cereal, kape, trigo, tsaa, tabako, at bulak.

Yamang Hayop
Dahil sa tindi ng init at lamig sa rehiyon, masasabing walang gaanonng mapakikinabangang hayop ang kayang mamuhay sa
rehiyon. Ang camel lamang ay ang tanging hayop na kayang mamuhay dito. Ang mga camel ay may mga umbok sa likod na binubuo
ng mga taba upang mamuhay ng matagal na walang pagkain o tubig.
Ginagamit ang camel bilang uri ng transportasyon mula noon hanggang sa kasalukuyan. Sa mga rehiyong disyerto lamang ito
makikita. Bukod sa mga camel, namumuhay rin dito ang mga kabayo.

Yamang Mineral
Langis ang pangunahing minimina sa rehiyon dahil narito ang mga bansang may pinakamalaking reserba nito tulad ng Saudi
Arabia, Iraq, United Arab Emirates, Qatar, Kuwait, at Iran. Makikita sa lugar na napakainit na disyerto at labis na suplay ng langis at sa
rehiyong ito lamang makikita ang maraming reserba. Dahil ang langis ay isang yamang nauubos at hindi na napapaltan, naghahanap
na ng mga maaaring pagkakakitaan ang mga mamamayan sa rehiyon bukod sa langis.

2. Hilaga o Gitnang Asya


Ang Hilaga o Gitnang Asya naman ay binubuo ng Russia na nasa kanlurang bahagi ng Ural Mountains (Russian Asia) at ang
mga estado na dating bahagi ng Union of Soviet Socialist Republics na kinabibilangan ng Kazakhstan, Kyrgyzstan, Turkmenistan, at
Uzbekistan. Ang hulapi na “stan” ay mapapansin na nakadugtong sa pangalan ng mga bansa sa rehiyon. Ito ay nangangahulugang
“lupain ng”. Ang rehiyon ay naging daanan ng mga tao, produkto at mga ideya sa pagitan ng Europe at Asya.

Mga Bansang Bumubuo:


1. Kazakhstan – ito ay nasa hilagang bahagi ng Gitnang Asya. Nasa kanluran nito ang Caspian Sea.
2. Kyrgyzstan – ito ay bansang landlocked (nasa gitnang lupain) na nasa gawing silangan ng rehiyon na malapit sa Tsina at
pinaliligiran ng apat na bansa.
3. Tajikistan – nasa gitna ito ng rehiyon na malapit din sa Tsina. Ito ay isang bansang landlocked (nasa gitnang lupain..
4. Turkmenistan – nasa timog na bahagi ng rehiyon at nasa timog nito ang Iran.
5. Uzbekistan – ito ay nasa gitna ng Kazakhstan at Turkmenistan. Kabilang ito sa mga bansang nasa ruta ng Silk Road o mga
nagsilbing daanan ng kalakalan sa pagitan ng Asya at Europa mula 114 BCE hanggang 1450 CE.

Topograpiya
Anyong Lupa
Mabundok ang rehiyon ng Gitna/Hilagang Asya. Madami ang ibang rehiyon na may mababang bundok tulad ng nasa
Kazakhstan. Nasa timog ang bulubundukin ng Pamir at Hindu Kush. Bukod sa mga rehiyong mabundok, may mga patag na lugar na
mataas pa sa sea level, kaya kadalasang malamig dito. Ang isang katangi tanging anyong lupa na matatagpuan dito ay ang steppe o
malalawak na madamong lupain.

Anyong Tubig
Napalilibutan ang buong rehiyon ng lupa kaya kakaunti lamang ang mga anyong tubig na makikita sa mga rehiyong ito. Ang
pinakamalaking anyong tubig sa Gitna o Hilagang Asya ay ang Caspian Sea, bagamat ito ay may tubig-alat na napalilibutan ng mga
lupain. Nasa silangan nito ang Kazakhstan at ang Turkmenistan. Ang Aral Sea naman ay isang dagat na nasa gitna ng Kazakhstan at
Uzbekistan na nakararanas ng matinding tagtuyot sa kasalukuyan dahil sa patuloy na pagsasagawa ng labis na irigasyon ng mga
bansa sa Gitna o Hilagang Asya.
Klima
Malamig ang klima sa Gitna o Hilagang Asya. Ito ay dahil nasa mataas na lugar ang rehiyon na pinaliligiran ng mga matataas
na bulubundukin. Ang mga lugar dito ay tuyo kung saan nakararanas ng matinding lamig dahil sa lokasyon nito. Ito ay dahil malapit ito
sa rehiyon ng Siberia ng Russia, ang isa sa pinakamalamig na rehiyon sa daigdig bukod sa Hilaga at Timog Polo. Dahil ang hanging
ibinubuga mula sa rehiyon ng Siberia ay unang dumadaloy dito, nanantiling malamig ito. Isa rin itong dahilan bukod sa kakulangan sa
tubig kung bakit kakaunti lamang ang maaaring itanim dito at mababa ang populasyon sa rehiyong ito.
Karamihan sa mga mamamayan dito ay nakatira sa mga matitibay na bahay na may katamtamang temperatura. Ang tawag
sa mga tahanan na ito na nasa labas ng pook urban ay yurt. Ito ay gawa sa ilang materyales tulad ng buhanging at matitigs na kahoy.
Panangga ito sa matitinding lamig na madalas maranasan sa lugar.

Likas na Yaman
 Yamang Lupa
Ang kilalang uri ng tanim na tumutubo sa rehiyon ay ang bulak. Nagtatanim ng bulak sa lahat ng bansa rito maliban sa
Kazakhstan. Isa sa pinamalaking tagaluwas ng bulak sa daigdig ang Uzbekistan. Bukod sa bulak ay nagtatanim din ng trigo ang mga
magsasaka dito.

 Yamang Mineral
Nakitaan ng potensyal sa mga mineral ang Gitnang Asya. Ang kanilang lupain ay sagana sa iba’t ibang uri ng mineral tulad ng
ginto, copper, zinc, bauxite, pilak, iron ore, manganese, at marami pang iba, Nasa bansang Kazakhstan ang pinakamalaking deposito
ng iba;t ibang yamang mineral sa buong Gitnang Asya, kaya naging sentro ito ng industriya sa buong rehiyon. Nakitaan din ang
Gitnang Asya ng potensyal sa pagluluwas ng langis dahil malalaki ang nakitang reserba nito sa rehiyon.

 Yamang Tubig
Tanging sa mga ilog lamang makikita ang isang mahalagang uri ng yamang tubig sa rehiyon. Ang sturgeon ay isang malaking
isda na matatagpuan sa Caspian Sea sa Ilog Amur. Nasa iba’t ibang lugar ito sa Asya, ngunit dito lamang makikita namumuhay sa
tubig-tabang na pangunahing hinuhuli dahil sa kanyang itlog na ginagawang caviar, isang uri ng pampaganang pagkain.

You might also like