Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

REPUBLIC OF THE PHILIPPINESDEPARTMENT OF EDUCATION

Region IX, Zamboanga Peninsula

SCHOOL DIVISION OF ZAMBOANGA SIBUGAY

IMELDA NATIONAL HIGH SCHOOL

Imelda, Zamboanga Sibugay

BANGHAY ARALIN

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

Ika-03 ng Oktobre 2022

Inihanda ni: Bb. Jenevie M. Valendez

Pamantayang Pangnilalaman:Nauunawaan ang mga konsepto, elementong kultural,


kasaysayan at gamit ng wika sa lipunang PilipinoPamantayan sa Pagganap:Nasusuri ang
kalikasan, gamit, mga kaganapang pinagdaanan at pinagdadanan ng Wikang Pambansa sa
PilipinasKasanayang Pampagkatuto:

Naiuugnay ang konseptong pangwika sa mga napanood na sitwasyong pangkomunikasyon sa


telebisyon (Halimbawa: Tonight with Arnold Clavio, State of the Nation, Mareng Winnie, Word
of the Lourd (http:/lourddeveyra.blogspot.com) F11PD – Ib – 86

I. Layunin:

1. Natutukoy ang kahulugan at layunin ng bilinggwalismo.

2. Naipaliliwanag at nagagamit ang bilinggwalismo sa pakikipagkomunikasyon.

3. Nabibigyan ng pagpapahalaga ang konseptong bilinggwalismo.

II. Paksang Aralin: (Bilinngwalismo)

Kagamitan: Laptop, marker, projector, kagamitang biswal, powerpoint

Sanggunian:

Dayag, Alma M. at Del Rosario, Mary Grace G. 2016. Pinagyamang Pluma. Phoenix Publishing
House Inc. Quezon City

III. Hakbang sa Pagkatuto: PaglinangPanimulang Gawain:


Panalangin

Mga Regulasyon

Pagbati at Pagtala ng liban sa klase

Pagbabalik-aral sa nakaraang leksyon

A. Pagganyak

Aktibiti 1: Pagpapanood ng Video: Tonight with Arnold Clavio

Mga Gabay na tanong:

1. Ano ang inyong napansin sa wikang ginamit?

2. Gumamit ba ng Filipino at Ingles sa palabas?

3. Magkahiwalay ba ang gamit ng dalawang wika? Ipaliwanag ang iyong sagot.

B. Paglalahad

Papangkatin ang mag-aaral sa tatlong pangkat (3). Itatala ng bawat pangkat ang mga katangian
ng Bilinggwalismo, layunin at salik sa pagkakaroon ng bilinggwalismo. Ang bawat pangkat ay
bibigyan ng (5) minuto sap ag-iisip at 5 minuto sa pagpresenta.

C. Patatalakay

Tatalakayin ng mga mag-aaral ang katangian, layunin at salik sa pagkakaroon ng bilinggwalismo

Pangkat 1- Talk show

Pangkat 2- Newscasting

Pangkat 3- Vlogging

Bibigyan ng score ang bawat pangkat gamit ang rubriks.

D. Pasusuri Pangkatang Gawain: Hahatiin ang mga mag-aaral sa limang (4) pangkat sa bawat
pangkat ay bibigyan ng scenario na nagpapakita ng paggamit ng bilinggwalismo

Pangkat 1: Kasal

Pangkat 2: Graduation

Pangkat 3: Kaarawan

Pangkat 4: Fiesta
Puntos Marka

Mahusay at malinaw ang 5


pasasalita

Pagkamalikhaan sa 5
papapahayag

Sakto ang Timbre ng Boses 5

Kabuuan 15

Pagpapahalaga

Mga gabay na tanong:

1. Bilang isang mag-aaral nakakatulong ba sayo ang paggamit ng bilinggwalismo?

2. Bakit nga ba may bilinggwalismo ano ang mga dahilan?

3. Sa inyong pananaw mas epektibo ba ang inyong pagsasalita gamit ang dalawang wika?

4. Paano niyo mapapahalagahn ang paggamit ng bilinggwalismo

Paglalahat

Mga gabay na tanong:

Tungkol saan ang atin tinalakay sa araw na ito?

Ano ang layunin ng Bilinggwalismo?

F. Ebalwasyon

Panuto: Isulat ang K kung tama ang pangungusap at J kung mali ang pangungusap. Isulat ang
sagot sa inyong sagutang papel.

1. Ayon sa polisiya ng edukasyong bilinggwal ang Pilipino ay naging Filipino.

2. Ang Filipino at Ingles ay magkalahok na gagamitin sa pagtuturo bilang wikang panturo sa


mga paaralan.

3. Mapaunlad ang Filipino bilang wika ng literasi sa Pilipinas.

4. Ang bilinggwalismo ay tumutukoy sa kakayahan ng isang taong makapagsalita ng dalawang


wika.
5. Ang Ingles ay gagamitin sa pagtuturo ng Syensya, Teknolohiya at Matematika

IV. Takdang- Aralin

1. Alamin ang may kaugnayan sa multilinggwalismo bilang konseptong pangwika.

V. Remarks

VI. Repleksyon

Inihanda ni: JENEVIE M. VALENDEZ

T-11

Binigyang-pansin ni: PAPIAS P. JAYME

PRINCIPAL II

You might also like