Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

YAP, ERAMAY A.

BSED FILIPINO 2-1

PAG-IBIG
Maraming uri ng pag-ibig sa mundo. Pag-ibig para sa pamilya, sa mga kaibigan, sa Diyos at
sa taong gusto mong makasama pang-habang buhay. Bawat isa sa atin ay naghahangad na
makatagpo ng isang tao na magpupuno sa ating kakulangan. Isang taong magpaparamdam sa
ating kung gaano tayo kahalaga at tutulong upang mahubog pa natin ang ating pagkatao. Taong
magiging dahilan para lubusan natin maunawaan ang tunay na kahulugan ng salitang
“kaligayahan”. Ngunit masasabi ba nating pagdating sa pag-ibig ay puro na lang kaligayahan?
Minsan darating rin tayo sa oras na tayo ay masasaktan. Gaano man kasakit, tanggapin na
lamang natin na bahagi na ng ating buhay na kapag nagmahal ka ay masasaktan ka.
Marami na akong narinig na kwento ukol sa buhay pag-ibig ng iba. Kadalasan nagiging
saksi pa nga ako ng pagmamahalan nila. Masaya, nakakakilig, minsan pa nga ay nakakainggit.
Hindi ba tunay naman? Nakakainggit yaong mga magkasintahan na wagas kung magmahalan,
magkatampuhan man o dumating man ang puntong puro na lang away ay pinaninindigan pa rin
nila ang pangako nilang hindi nila iiwanan ang isa‘t isa. May mga tao na sa una ay sawi na
makahanap ng taong tunay na magmamahal sa kanila. May mga tao namang takot na masaktan at
lumuha kaya’t pinipili na lamang nila na huwag na lamang magmahal.
May mga nagpapakamartir din, na kahit ilang beses pa silang lokohin ay handa pa rin niyang
patawarin. Hindi rin mawawala na sa kabila ng mga taong tunay na nagmamahal ay mga tao ring
walang ginawa kundi paglaruan ang pag-ibig. Ito ay ang mga taong wala ng ginawa kung hindi
magpaasa at manggamit. Bakit ba nauso pa ang panloloko? At bakit may mga taong napakahilig
manloko? Ano bang napapala nila, karma lang naman diba?
Alam ko mayroon tayong iba’t-ibang istilo sa pagmamahal. Yung iba todo effort
mapatunayan lang kung gaano nya kamahal at kung gaano kahalaga sa kanya ang isang tao.
Yung iba ay dinadaan na lamang sa biro. Meron din namang torpe at hanggang sulyap lamang
dahil wala siyang lakas na loob upang maipahayag ang kanyang tunay na nararamdaman. May
mga taong sobrang agresibo na ang gusto ay makuha agad ang loob ng kanyang hinahangaan.
Ano man ang istilo ng pagmamahal ang ating ginagawa tandaan natin na ang tadhana na ang
gagawa ng paraan para matagpuan natin ang taong tunay na magmamahal satin at mapag-isa ang
damdamin. Ginawa tayo ng Poong Maykapal para magmahal at mahalin.

You might also like