Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 3

I. Layunin
Sa pagtatapos ng talakayin ang mga bata ay inaasahang;
 natutukoy ang malaki at maliit na letra sa pagsulat ngpangungusap;
 naisusulat ang malaki at maliit na letra sa pangungusap;
 naipapakita ang kahalagahan ng malaki at maliit na titik sa pagsulat ng pangungusap.

Pagpapahalaga: Pagpapahalaga sa malaki at maliit na titik.

II. Paksang Aralin


Paksa: Pagsulat ng Pangungusap gamit ang malaki at maliit na titik
Kagamitan: mga larawan,mga kagamitang panturo,
Mga Sanggunian: TG p.58-59

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain:
1. Pagbati
2. Pagsasaayos ng silid-aralan
3. Pagtatala ng Liban
4. Balik-aral
Kailan ginagamit ang ito?iyon?iyan?

B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
Pagbasa ng usapan ng dalawang bata .

2. Paglalahad

Saan nagsisimula ang mga salitang nakasulat?


Ano ang tawag natin sa mga saltang nagsisimula sa malaking titik?

3. Pagtatalakay

Talakayin ang gamit ng malaking titik.


Gamit ng malaking titk.
 Sa simula ng pangungusap
 Ang magkaibigan ay nag-uusap.
 Marami akong paboritong aklat.
Gamit ang mga larawan bubuo ang mga bata ng kanilang sarling pangungusap.
 Sa Tiyak na Pangngalan(nouns)
 Ben -tao
 Mongol -bagay
 Brownie -hayop
 Pandi -lugar
 Bagong Taon-pangyayari
 Sa pamagat ng aklat o palabas
 Landas sa Pagbasa(pamagat ng aklat)
 Going Bulilit(palabas)
 Sa mga buwan(months) at araw
 Enero
 Pebrero
 Lunes
 Martes

4. Paglalapat

Pangkatang Gawain:
Bumuo ng apat na pangkat. Gamit ang iba’t ibang larawan.
Ayusin ang pangungusap ayon sa pinapakita ng larawan.

5. Paglalahat
Kailan ginangamit ang malaki at maliit na titik?
Bakit mahalagang alam natin ang gamit ng malaki at maliit na titik sa
pangungusap?

IV. Pagtataya
Bilugan ang mga salitang dapat nagsisimula sa malaking titik.
pilipinas sapatos lupang hinirang
telebisyon miyerkules simbahan
enero ospital pampanga
lupa manila brownie
cebu bandila elepante
bayani luzon ben

V. Takdang Aralin
Sumulat ng pangungusap ng pangungusap gamit ang iba’t ibang bantas.
1. tuldok (.)
2. tandang pananong (?)
3. tandang padamdam (!)

You might also like