Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

“INAY, ITAY”

MAIKLING KUWENTO NI AIYANA POLESTICO

Nagising ako sa malakas na unos ng ulan na sinasamahan ng nakakabinging kulog na dala ng


paparating na bagyo dito sa England. Naramdaman ko ang lamig na sumisingit sa mga nabasag
at nalaglag na mga jalousie mula sa aking mga bintana.

"Oh, Cali, nilalamig ka rin ba?" Tahimik na kinausap ko ang aking aso habang umakyat siya
sa aking higaan na tila naramdaman niya akong nanginginig. Inilabas naman ni Cali ang isang
mahinang tahol.

Nag desisyon na akong tumayo at simulan na ang araw na ito habang si Cali'y naka sunod lang
sa'kin.

Pababa na ako sa hagdan, katahimikan ang bumalot sa buong bahay maliban nalang sa langangat
ng mga lumang kahoy na bumubuo sa hagdan na aking tinatapakan. Patuloy akong naglalakad
patungo sa kusina na nasa hilagang parte ng bahay.

Isang papel na nakalagay sa mesa ang nakakuha ng aking atensyon. Agad na pumasok sa aking
isipan ang mga salitang - "Inay, Itay." Ilang araw na silang wala rito sa bahay, palaging nag-
iiwan ng maliliit na mga papel na may maikling mga sulat para naman siguro may ideya ako
kung 'san sila papunta habang wala sila rito sa bahay. Pero ngayon ay kakaiba - ang sulat nila'y
nakalagay na sa isang buong papel.

"Cali, upo." Umupo naman ang aso at nanatiling nakatitig sa akin habang binasa ko sa kanya
ang sulat.

"Minamahal naming Amelia,


Alam naming ilang araw na kaming "nawawala sa bahay", pero tandaan mo palagi na hinding
hindi ka namin makakalimutan. Bawat oras at segundo'y iniisip ka namin at masakit para sa amin
na mawalay ka. Papalapit na rin ang iyong ika labing-anim na kaarawan at nakakalungkot
sabihin na hindi pa rin kami sigurado kung nariyan ba kami para sa espesyal na okasyon. Dahil
dito, mayroon na kaming inihandang regalo para sayo - sa kaarawan mo muna ito buksan.
Inilagay ko ito sa ilalim ng aming kabinet. Laking saya namin ng iyong tatay na ikaw ang
ibinigay sa amin ng Diyos. Mahal na mahal ka namin, Amelia, tandaan mo iyan palagi.
Nagmamahal, Inay at Itay"

Hindi ko maitago ang aking kalungkutan. Napa-upo ako sa lumang silya na nasa aking tagiliran.
Pangalawang kaarawan ko na ito'ng wala sila ngunit alam kong nandoon sila sa Liverpool noong
huling taon. Hindi naman nila sinabi kung nasaan sila ngayon kaya nagtataka ako.
Nagmamadaling pumunta si Cali sa sala, dala-dala ang kaniyang paboritong pulang bola at
ibinigay ito sa'kin. Ito’y palagi niyang ginagawa upang mapagaan ang aking damdamin - at
aaminin ko man o hindi, gumagana naman ito.
Hindi ko sinadyang mabitawan ang bola. Gumulong ito pababa ng hagdan patungo sa basement.
Ilang beses na akong nakaka punta doon, pero dahil sa aking allergy, iniiwasan ko nang bumaba
roon. Baka kung ano pang mangyari sa'kin - mas lalala pa ang allergies ko o di kaya'y makagat
ng ahas. Napaabayaan na ang silid na iyon, hindi ko alam, kung ano-ano nalang siguro ang
nakatira riyan.

Hindi tumigil sa pag-iyak si Cali. Gustong gusto niya talagang maibalik ang minamahal niyang
bola. Wala na akong magawa kundi kunin ito.

Naramdaman ko uli ang malakas na unos ng hangin. Dahan-dahan akong bumaba, takot na baka
masira ang hagdan dahil sa kalumaan nito.

Andiyan na ang bola - naka hinto sa harap ng pintuan.

Nilapitan ko ito. "Dahan-dahan" bulong ko sa aking sarili. Nasa harapan ko na ang bola "kunin
mo na, ano bang hinihintay mo?" Kinausap ko na ang sarili ko. Yumuko ako para kunin ang
laruan ngunit, hindi ko maiwasan ang paglanghap ng isang mabangis na bahong nagmula sa loob
ng basement. Lumingon ako kay Cali - ang aking mga daliri'y naka sipit sa aking ilong. Nanatili
lamang ang aso sa itaas ng hagdan - parang natatakot bumaba. Hindi nga naman siya tumatahol.
"Ano ba napapraning na talaga ako." Sabi ko nanaman sa aking sarili.

Kinuha ko ang bola at ibinalik ito kay Cali. Ngunit - ano kaya yung bahong nanggagaling sa
basement? Hindi ako mapakali. Ang mga salitang 'buksan mo.' ang paulit-ulit na bumalik sa
aking isipan.
"Gusto mo talagang mailagay sa kapahamakan ang buhay mo ano, Amelia?" Patuloy akong
naka titig sa basement. Biglang tumahol si Cali kaya naman naibalik ako sa katotohanan.

Hindi ko nalang namalayan na andito na ulit ako sa harapan ng pintuan ng basement - ang aking
mga daliri'y naka sipit muli sa aking ilong. Dahan-dahan ko namang binuksan ang pintuan nang
ako'y napasigaw, "INAY! ITAY!". Hayon, ang aking mga magulang. Sa wakas! Nakita ko na
sila! Masaya dapat ako, diba? Bakit malungkot ako? Nakita ko na sila! Ngunit wala ng buhay.

wakas
Aral na napulot natin mula sa kuwento:
- Maikli lamang ang oras natin dito sa mundo. Maaaring mawala na tayo rito sa anumang
araw o oras. Kagaya lamang sa kuwento, nawalan na ng pag-asa si Amelia na babalik ang
kaniyang mga magulang nang nakita na lamang niya itong wala ng buhay sa kanilang
basement. Mula pa noon ay naiiwan na lamang mag-isa ang dalaga sa kanilang bahay
dahil kailangang magtrabaho ang kaniyang mga magulang. Mismong sa kaarawan nito ay
wala sila, at labis na ikinalulungkot ito ng dalaga. Kailangang mag laan tayo ng oras para
makasama natin ang bawat miyembro ng pamilya. Hindi natin hinihingi ang mga
materyal na bagay mula sa kanila – gusto lang natin ang kanilang oras at presensya.

You might also like