Professional Documents
Culture Documents
Ang Kataksilan Ni Araoh Kay Atarah
Ang Kataksilan Ni Araoh Kay Atarah
Ang Nefarious ay lugar ng iba’t-ibang Diyos at Diyosa ngunit isang lang ang pinakamataas dito.
At iyon ay ang Diyos ng Araw na si Araoh. Sa lahat ng Diyos, siya lang ang tanging
pinakamahalaga at pinakamagaling sa lahat dahil siya ay lumabas mula sa kaguluhan sa simula
ng panahon at nilikha ang mundo. Maliban sa pagiging Diyos, si Araoh ay namuno din bilang
Hari. Maraming pinuno ng Nefarious ang nagsabing sila ay nagmula kay Araoh, upang
suportahan ang kaniyang pag-angkin sa trono, iginiit ng maraming hari ng Nefarious na sila ay
inapo ni Araoh.
Kalaunan, si Araoh ay nagsimulang mapagod sa kanyang mga tungkulin. Dahil dito, nagsimulang
magduda ang kanyang mga nasasakupan sa kanyang pagiging lehitimo bilang kanilang pinuno.
Nang malaman ito ni Araoh, ipinadala niya ang kanyang anak na babae na si Atarah, ang
kanyang mata, upang patayin ang mga nagdududa sa kanya. Nagalit si Atarah sa nalaman at
desididong gawin ang utos ng Ama. Ngunit sa huli ay naawa si Araoh sa mga tao kaya nilinlang
niya si Atarah at nilasing nang hindi na niya magawang ipagpatuloy ang pagpatay. Naguluhan si
Atarah sa ginawa nang Ama ngunit nangibabaw dito ang galit. Pagkatapos nito, dahil wala na
siyang maihaharap na mukha pa, iniwan ni Araoh ang lupa at nagtungo sa langit.
Mga Tauhan
Tagpuan
Banghay
Ang mito na ito ay maaaring bigyang kahulugan bilang isang repleksyon sa mga kapintasan ng
sangkatauhan. Nagpapaliwanag ng pag-iiba ng buhay ni Diyos Araoh sa dapat nitong
patutunguhan.
Tema
Mga Tanong:
1) Ang tauhan ba ay isang diyos o diyosa na may taglay na kakaibang kapangyarihan?
- Oo, Ang Diyos ng Araw na si Araoh ay isang magaling na pinuno ng Nefarious. At
si Atarah naman na kanyang babaeng anak ay may paninindigan at tapat ang
kanyang loob sa kanyang Diyos na Ama.
2) Saan at kalian naganap ang mga pangyayari? Ilarawan.
- Ang kuwento ay naganap sa sinaunang panahon at sa lugar ng Nefarious na kung
saan ang lugar ng mga diyos at diyosa na pinamumunuan din ni Diyos Araoh.
3) Saan nakatuon ang mga pangyayari o banghay? Isalaysay.
- Ito ay nakatuon sa situwasyong sinapit ng mag amang Araoh at Atarah na kung
saan nang dahil sa awa ay nagawa niyang linlaning ang sariling anak.
4) Ano ang temang tinatalakay sa mitolohiya?
5) May Pamagat
- Ang Kataksilan ni Araoh kay Atarah.