Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Maraming bansa, kasama ang Pilipinas, ay consumer oriented.

- Ibig sabihin ang kagustuhan, hilig at panlasa ng mga mamimili ang batayan
sa paglikha ng mga produkto at serbisyo.

May mga tao na kapag nakahawak ng pera mag-iisip kung paano ito palalaguin.
Mayroon naming impulse buyer, basta may era bili lang nang bili hanggang sa
maubos. At kung wala nang pera, saka maaalala kung ano ang kaniyang
pangangailangan.
 Ang pera katulad ng ating mga pinagkukunang-yaman ay
maaring maubos
 Ang pera ay ginagamit sa pagbili ng mga bagay na
kinakailangan upang mapunan ang pangangailangan at
kagustuhan ng mga tao.

Ang kita ay halagang natatangap ng tao kapalit ng produkto o serbisyong kanilang


ibinibigay. Sa mga nagtatrabaho, ito ay suweldo na kanilang natatanggap. Ang kita
ay maaring gastusin sa pangangaiangan at iba pang bagay na kinokonsumo.
Subalit bukod sa paggastos ng pera, mayroon pang ibang bagay na maaring gawin
dito.
- Maari itong itabi o itago bilang savings o ipon.

KITA – isang salik na nakaiimpluwensiya sa pagkonsumo ng tao.

 Kapag tumatanggap ng malaking kita an tao. Malaki rin ang gastos sa


pagkonsumo, ngunit kapag maliit ang kita ng tao, ito ay nagbubunga ng
maliit na gastos sa pagkonsumo.
SALIK NA NAKAKAAPEKTO SA PAGKONSUMO
- Laki ng pamilya
- Impluwensiya ng barkada
- Edad
- Hanapbuhay
- Panlasa
- Panahon

UGNAYAN NG KITA, PAGKONSUMO AT PAG-IIMPOK


PAGKONSUMO
- Paggamit o paggastoso pagtatamo sa kapakinabangan mula sa mga nabiling
produkto at serbisyo bilang tugon sa mga pangangailangan at kagustuhan
ng tao upang matamo ang kasiyahan

KITA
- Ay ang kabuuang ng lahat ng mga sahod o kinita ng mga manggagawa,
ganansya, gana o pinagbentahan, mga bayad na tubo o nabayarang patubo,
mga bayad ng paarkila at iba pang uri ng kitang tinatanggap sa loob ng
isang inilaang panahon.

PAG-IIMPOK
- Isang paraan upang makapag-ipon ng salapi na syang magagamit sa ating
pangangailangan sa takdang panahon

SAVINGS
- Mga naipong pera na ilagak sa Financial Intermediaries tulad ng mga
bangko. Ito ay paraan ng pagpapaliban ng paggastos ayon kay Roger E. A.
Farmer (2002).
BANGKO AT IBA PANG FINANCIAL INTERMEDIARIES
- Nagsisilbing tagapamagitan sa nag-iipon ng pera at sa nais umutang o mag-
loan.

INVESTMENT
- We save and we use the money for other purposes

ECONOMIC INVESTMENT
- Paglalagak ng pera sa Negosyo

PERSONAL INESTMENT
- Paglalagay ng isang indibidwal ng kaniyang ipon sa mga financial asset
katulad ng stocks, bonds o mutual funds.

Ang mga mahahalagang Gawain na iyong nalaman ay mahalaga sa mga


mamamayanan at maging sa ekonomiya ng abnsa. Ito ay isang paraan ng
pagpapakita na ang mamamayan ay naghahanda o iniisip ang kanilang kahihitnan
sa mga susunod na taon.

CONSUMPTION FUNCTION
- Nagpapakita ng relasyon ng pagkonsumo at kita

2 URI NG KITA
1. Personal income
- Ito ang kabuuang kit ana tinatanggap ng tao
2. Disposable personal income
- Ito ang kita na handang gastusin matapos tanggalin ang mga bayaran tulad
ng buwis.

AVERAGE PROPENSITY TO CONSUME (APC)


- Ang APC ang tumtalakay sa relasyon ng pagtaas ng pagkonsumo ng tao sa
bawat pagtaas ng kabuuang kita. Sa pamamagitan nito, malalaman kung
gaano kalaki o kaliit ang ilalaan sa pagkonsumo ng samabahayan sa bawat
kit ana tatanggapin.
 Sa pag-alam ng APC ay gagamit ng isang formula upang malaman
kung ilang bahagi ng kita ng sambahayan ang gagastusin sa
pagkonsumo.
 APC = C/Y
 C = pagkonsumo
 Y = kita

MARGINAL PROPENSITY TO CONSUME (MPC)


- Ang MPC ay naglalarawan ng pagbabago ng pagkonsumo sa bawat
pagbabago ng kita. Ang pagsusuri ng MPC ay mahalaga upang maunawaan
ang gawi ng sambahayan sa pagkonsumo.
 MPC = △C/△Y
 △C = pagbabago sa konsumo
 △Y = pagbabago sa kita
SAVINGS FUNCTION
- Nagpapakita ng relasyon ng pag-iimpok s akita
- Ang impok o savings ay kit ana hindi ginastos sa kasalukuyang
pagkakagustusan. Ibig sabihin, ito ay pagtatabi ng ilang bahagi ng kita para
sa hinaharap.
 S=Y–C
 S = impok
 Y = kita
 C = pagkonsumo
- lahat ng sector ng ekonomiya ay nag-iimpok ng ilang bahagi ng kita – ang
sambahayan, bahay-kalakal, at pamahalaan. Kapagpinagsama-sama ang
lahat ng impok ng tatlong sector ay nabubuo ang tinatawag na NET
DOMESTIC SAVINGS (NDS)

AVERAGE PROPENSITY TO SAVE (APS)


- Ang APS ang nagpapaliwanag ukol sa relasyon ng pagtaas ng pag-iimpok sa
pagtaas ng kita
 Sa pag- alam ng APS ay gagamitin din ang isang formula.
 APS = S/Y
 S = impok (Y-C)
 Y – kita

MARGINAL PROPENSTIY TO SAVE (MPS)


- Ang MPS ay nagpapaliwanag ng bawat pagbabago ng pag-iimpok sa bawat
pagbabago ng kita
 Sa pag-alam ng MPS ay gagamitin din ang isang formula.
 MPS = △S/△Y
 △S = pagbabago sa impok
 △Y = pagbabago sa kita

You might also like