Ap Lesson 3 - Implasyon

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Ang consumption at saving functions ang nagpapaliwanag kung paano ang kabuuang kita ay

hinahati sa pagkonsumo at pag-iimpok at sa bawat pagbabago ng gawi ng anumang sector,


bahay-kalakal, at pamahalaan sa pagkonsumo ay nasasalamin sapagbabagoo ng pag-iimpok.

 Ang kita ay madalas na pinanggagalingan ng pera ng maraming tao. Ito ay


halagang natatanggap ng tao kapalit ng produkto o serbisyong kanilang
binibigay. Sa mga nagtratrabaho, ito ay suweldo na kanilang natatanggap.
 Ano ang kahalagaan ng pag-iimpok ay napaghandaan nito ang
kinakabukasan.

Ang pagtaas ng presyo ng mga produkto at serbisyo ay isa sa mga pangnahing suliranin na
kinakaharap ng ekonomiya.

IMPLASYON
- Patuloy na pagtaas ng pangkalahatang presyo sa pamilihan.
- Ayon sa The Economic Glossary, ang implasyon ay tumutukoy sa pagtaas ng
pangkalahatang presyo ng mga piling produkto na nakapaloob sa basket of goods.
- Ayon sa aklat na Economics nina Parkin at Blade (2010), ang implasyon ay pataas na
paggalaw ng presyo at ang deplasyon ay ang pagbaba sa halaga ng presyo.
- Ang implasyon ay isa sa mga economic indicator upang maipakita ang kalagayan ng
ekonomiya.

May mga tao na nagsasabing ang pagtaas ng presyo ay tanda ng pagbuti ng ekonomiya. Ngunit,
sa maraming bansa, ang implasyon ay isang suliranin na dapat bigyan ng pansin.

HYPERINFLATION
- Ito ay pangyayari kung saan ang presyo ay patuloy na tumataas bawat oras, araw at
linggo
- Ito ay naganap sa Germany noon 1930 ng naganap ang Great Depression sa US.

Ang kawalan ng halaga ng atng salapi ay nangyari sa ating bansa noong panahon ng Hapones
kung saan ang napakaraming salapi ay kakaunli ang nabibili.

Sa panahon na may implasyon sa isang bansa ay kailangan ng pagtutulungan at pagkakaisa ng:


1. Pamahalaan
2. Prodyuser
3. Mamimili

Mga uri ng implasyon


1. Demand – pull
2. Cost – push
3. Structural inflation

1. Demand – Pull
- Sa patuloy na pagtaas ng demand, ay tumataas rin ang presyo ng produkto

MILTON FRIEDMAN
- Ayon kay Milton, ang pagkakaroon ng labis na dami ng salapi na nasa sirkulasyon na
tinatawag na money supply ang isang dahilan kung bakit nagagawa ng bawat sector na
pataasin ang kanilang demand.
- Ang pagkakaroon ng labis na salapi ng tao ang nagbibigay-daan na bumili ng maraming
produkto at serbisyo.

2. Cost – push
- Ito ay nagaganap kung ang pagtaas ng mga gastusin ng produksiyon ang sanhi ng pagtaas
ng presyo ng mga bilihan.

3. Structural inflation
- Ang implasyon ay structural kung ang dahilan ng pagtaas ng bilihin ay ang pagtaas ng
mga dayuhang salapi kumpara sa piso.

DAHILAN
- Pagtaas ng demand
- Pagdedepende sa mga importasyon para sa mga hilaw na materyales.
- Pagtaas ng palitan ng piso laban sa dolyar.
- Kalagayan ng pagluluwas ng mga produkto
- Monopoly o kartel
BUNGA
- Tataas ang demand o ang paggasta kaya mahahatak ang presyo pataas
- Kapag tumaas ang presyo ng materyales na inaangkat, ang mga produktong umaasa
saimportasyon para sa mga hilaw nasangkap ay nagiging sanhi ng pagtaas ng presyo.
- Dahil sa kakulangan ng pumapasok na dolyar, bumababa ang halaga ng piso.
Nagbubunga ito ng pagtaas ng presyo ng mga produkto
- Kapag kulang ang supply sa local na pamilihan dahil ang produkto ay iniluluwas,
magiging dahilan ito upang tumaas ang presyo ng produkto.
- Nakapagkokontrol ng presyo ang sistemang ito, kapag nakontrol ang presyo at dami ng
produkto, malaki ang posibilidad na maging mataas ang presyo.

You might also like