Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang Pag-aaral na PAGSUSURI NG MGA AWITING BAYAN; SIMULAIN SA PAGBABANYUHAY NG


KULTURA AT WIKANG CUYONON ay mahalaga sa mga sumusunod:

Para sa mga Cuyonon, upang magkaroon sila ng dagdag kaalaman sa kung paano mapapanatili ang
kanilang mga Awiting bayan na bukal at natural sa kanilang komunidad. Maging matatag ang pundasyon
ng pagsasalin ng mga ito para sa ikauunlad at benepisyo ng susunod na henerasyon.

Para sa mga Guro ng kultura, wika at musika, upang mas mapa-unlad ang pagtuturo ng wika, kultura
at musika sa Pilipinas na sumasakop sa ganitong larangan dahil may sapat na silang batayan sa kung ano
ang mga espasyo na pwede nilang mapunan sa mga maaaring maging talakayan na makakatulong sa
pagpapaunlad ng mga Awiting bayan sa Coron, Palawan.

Para sa Lokal na pamahalaan, upang maging gabay at rekomendasyon ang pag-aaral na ito sa mga
susunod na programa at ordinansa na makakatulong sa pagpapaunlad ng mga Awiting bayan sa
komunidad.

Para sa mga kapwa Mananaliksik, upang magkaroon ng sapat na karunungan sa kung ano-ano pa ang
dapat bigyan ng atensyon at pansin sa pag-aaral ng mga lugar tulad ng Coron, Palawan na may umiiral
na Awiting bayan.

You might also like