Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Sibunal, Aaron Jade Jarrett C.

Komunikasyon at Pananaliksik
11 – Curie (STEM)

Activity Ep.11
(Pagsusuri ng Pelikula)
Magnifico
Pamagat ng Pelikula:
Magnifico
Direktor:
Maryo J. de los Reyes
Prodyuser:
Violett Films Production
Pangunahing Tauhan:
Magnifico – Jiro Manio
Edna – Lorna Tolentino
Lola Magda – Gloria Romero
Gerry – Albert Martinez
Helen – Isabelle De Leon
Miong – Danilo Barrios
Buod ng pelikula:
Ang storya ng Magnifico ay umiikot sa batang si Pikoy o Magnifico na namumuhay sa isang kahig isang
tuka dahil sa hirap ng buhay halos hindi niya na naranasan ang maging isang bata. Madalas mag-away at
magtalo ang kaniyang mga magulang dahil sa pera at mga gastusin minsan rin ay narinig niya ang mga ito
na nag uusap tungkol sa magagastos nilang pera kapag namatay na ang kaniyang lol ana si Lola Magda.
Sa bahay nila ay inaalagaan niya rin ang kaniyang nakakabatang kapatid kapatid na may cerebral palsy at
ang kuya niya naman ay nawalan ng scholarship
Sa tulong ng kaniyang mga kaibigan ay pumasok si Pikoy sa iba’t – ibang trabaho upang kaniyang
mapag-ipunan ang mga materyales ng kabaong na gagamitin ng kaniyang lola. Nagbenta sila ng inuming
palamig sa piyesta upang magkaroon ng pambili ng materyales.
Hindi naman nabigo si Pikoy at nakaipon naman ng sapat na pera para sa kaniyang minamahal na lola.

Nang mabili ang materyales, nagpatulong si Pikoy sa kaniyang pamilya na gawin ang kabaong.
Tinulungan naman siya ng mga ito at kalaunan ay natapos din ang ginagawang ataul.Gayunman, hindi
pala ang kaniyang lola ang gagamit ng kabaong. Nasagasaan si Pikoy ng bus dahil hindi niya ito napansin
sa kaniyang pagtawid. Si Pikoy pala ang gagamit ng sariling kabaong na kaniyang pinag-ipunan na
ikinalungkot naman ng mga tao sa paligid niya dahil mabuting bata si Pikoy.

Pangkalahatang Impresyon ng Pelikula:


Para sa akin ay napaka ganda ng pelikulang Magnifico, naipapakita nito ang malasakit at pagmamahal ng
isang anak sa kaniyang pamilya. Nagbibigay din ito ng aral na mahalin natin ang mga tao sa ating buhay
at sulitin natin ang mga oras na kasama natin sila. Dahil hindi natin sila makakasama habang buhay at
anumang oras ay pwede silang kuhain ng Panginoon. Pinapakita rin nito na kaya nating makamit ang
ating mga pangarap kung ito ay ating paghihirapan at papakitaan ng kasipagan. Pinakita rin sa pelikulang
ito ang sensitibong paksa na suliranin ng mga pamilyang Pilipino na nakakaranas ng kahirapan pati ang
nararamdaman ng mga anak na bata pa lamang ay nilalamon na ng responsibilidad dahil sa hirap ng
buhay at problema sa magulang. Nakakalungkot din ang istoryang ito dahil si Magnifico pa pala ang
gagamit ng kabaong na pinaghirapan niyang gawin para sa kaniyang lola nakakagulat ang wakas na ito at
nagbigay-aral sa mga tauhan sa pelikula at sa ating mga manunuod. Nakakalungkot ang pagpanaw ni
Pikoy. Isang subyang o tinik sa dibdib ito sa lahat bilang mganapahanga sa angking kabutihang kanyang
naipakita. Ang kabusilakan ng kanyang puso makatulong samga tao sa paligid ng walang hinihinging
kapalit. Subalit ang sakit na iniwan niya sa bawat isa ay hindimalilimot lalong higit kung nahipo nito ang
kanilang mga puso para sa magandang pagbabago atmabigyan ng kalakasang maging matatag sa
anumang unos na darating.
Banghay ng mga Pangyayari:
Mahirap lamang ang pamilya nila Pikoy at laging nag-aaway ang kanilang mga magulang – May sakit
ang kaniyang batang kapatid at ang kuya niya naman ay nawalan ng scholarship – Nagtatalo ang
kaniyang mga magulang tungkol sa gastusin nila kung sakaling pumanaw na si Lola Magda – Sa tulong
ng kaniyang mga kaibigan ay gumawa ng paraan at nagtrabaho si Pikoy para makabili ng materyales na
gagamitin niya sa paggawa ng kabaong ng kaniyang lola – Nang makaipon siya ng sapat na salapi sa
pambili ng materyales ay nagpatulong siya sa kaniyang pamilyang magawa ang ataul at nagawa naman
nila ito – Nasagasaan ng bus si Pikoy – Siya pa ang gumamit ng kabaong na kaniyang pinaghirapan para
sa kaniyang Lola Magda nalungkot ang mga tao dahil isa siyang mabuting bata na lubos nagmamahal sa
kaniyang pamilya.

Dayalogo:
“Rochelle, pahingi naman ng siopao mo….Sige na.”

“Sige, tikim lang ah?”

“Oh sige, tikim lang.” (Pagkakain…)

“Inubos mo na eh.”
“Eh ganon. Nagpaalam ako, pinagbigyan mo ko kaya wala tayong problema.”

“Sabi mo titikman mo lang? Pa’no ko? Wala na ko.” (Umiyak…)

Miong:
“mamamatay na dapat yan noon. Do’n ba naman magtali ng alambre sa leeg, magpapakamatay. Mabuti
na lang nakita ni Aling Pasing, tumawag ng kapitbahay, ayonnaagapan. Sabi kasi nila namatay daw ang
lahat ng pamilya niya sa sunog. Siya na lang natirakaya simula no’n galit na sa lahat ng tao.”
Special Effects:
Visual Effects – Makakakita tayo ng ilang visual effects na ginamit upang mas mapaganda ang pelikula.
Rekomendasyon:
Para sa akin ay maganda na ang istorya ng Magnifico at wala nang dapat pang ibahin dito maraming aral
ang pinapakita ng pelikulang ito at maganda rin ang pinaparamdam nito sa mga manunuod.
Mga aral na nais ipabatid:
Ang aral sa pelikulang ito ay ang kamulatan sa mga totoong nangyayari sa buhay ng isang tao. Mayaman
man o mahirap, bata man o matanda. Pati narin ang kabusilakan ng puso sa pagtulong at mamagandang
loob ay hindi natatawaran ng anuman bagay.

You might also like