Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 16

Republic of the Philippines

Department of Education
Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

7 Zest for Progress


Z Peal of artnership

Filipino
Ikatatlong Markahan- Modyul 8:
Datos na Kailangan sa Paglikha ng
Sariling Ulat-Balita

Pangalan: _____________________________________
Baitang/Seksyon:_______________________________
Paaralan: _____________________________________
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Maricar R. Butuan


Editor: Lindo O. Adasa, Jr.
Philip D. Caermare
Shayne Everette U. Eldian
Tagasuri: Ruben D. Escudero, Jr.
July G. Saguin
Maricel B. Jarapan
Tagaguhit/Tagakuha ng Larawan:
Tagalapat: Peter Alavanza
Tagapamahala: Felix Romy A. Triambulo, CESO V
Oliver B. Talaoc, Ed. D.,
Ella Grace M. Tagupa, Ed. D.,
Jephone P. Yorong, Ed. D., EPS- LRMS
Lindo O. Adasa, Jr.,
Alamin
Pagkatapos mong isagawa ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:
❖ Makapagtutukoy ng datos na kailangan sa paglikha ng sariling ulat-
balita batay sa materyal na binasa. (F7PB-IIIj-19)

Balikan
Panuto: Isulat ang TAMA kung ang pahayag ay isa sa mga dapat tandaan
sa pagsulat ng balita at MALI kung hindi. Isulat ang iyong sagot sa patlang
bago ang bilang.

_______1. Sa pagsulat ng balita, dapat ito ay pawang katotohanan lamang.

_______2. Huwag na huwag maglagay ng sariling opinyon.

_______3. Gumamit ng matatalinghagang salita.

_______4. Ang balitang isusulat ay dapat may kinikilingan.

_______5. Huwag maging paligoy-ligoy.

_______6. Payak na pangungusap ang gamitin.

_______7. Isulat kaaagad ang balita matapos makalap.

_______8. Isulat ang mga impormasyong gawa-gawa lamang.

_______9. Ilahad ang mga datos nang walang labis, walang kulang.

_______10. Dapat maikli at malinaw.


Aralin
Datos na Kailangan sa Paglikha
8 ng Sariling Ulat-Balita

Tuklasin
Basahin ang balita sa ibaba. Pagkatapos sagutin ang mga tanong.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Bulkang Taal nag-alboroto: mga residente pinalilikas


ABS-CBN News
Jan 12 2020 05:07 PM
Ulat nina Dennis Datu, April Magpantay, at Henry Atuelan

Maynila- Nagbuga ng aabot sa 100 metrong taas na abo ang bulkang


Taal ngayong Linggo, ayon sa Phivolcs, dahilan para ipanawagan ang
pagpapalikas sa mga residente sa paligid ng bulkan.

Magmula nitong alas-11 ng umaga ay naramdaman din ang mga


volcanic earthquake.

Bandang ala-1 ng hapon ay nagkaroon ng “phreatic explosion” o


“phreatic eruption” ang bulkan, dahilan para lumaki ang binubugang usok sa
paligid nito, ayon kay Phivolcs officer in charge Renato Solidumsa panayam sa
DZMM.

Itinaas ang alert level 2 bandang 2:30 ng hapon at kalauna’y inakyat pa


sa alert level 3 bandang alas-4 ng hapon, base sa abiso ng Phivolcs kung saan
sinasabing may “magmatic unrest” sa bulkan.

Bandang alas-8 ng gabi, itinaas sa alert level 4 ang bulkan, hudyat na


maaaring magkaroon pa ng mapeligrong pag alboroto.

“Puwede pa silang makakita ng increased na pag-usok at pagsabog dahil


sa mainit na usok na lumalabas at earthquakes. Dapat pinaghahandaan ito
nang mabuti,” ani Solidum.

Ayon kay Solidum, binabantayan nang mabuti ang bulkan magmula pa


noong nakaraang taon.
Huling naitala ang pinakamalaking pagalboroto ng bulkan noong
October 3, 1977.
Pinalilikas na ng Phivolcs ang mga residente na nasa Taal Volcano
island.

Pinaghahanda na rin ng Phivolcs ang mga nakatira malapit sa Taal


Lake.

Pinaalalahan ng Phivolcs ang publiko na hindi maaaring lumapit sa


main crater ng bulkan dahil posibleng maglabas ito ng mga nakalalasong
volcanic gas.

Samantala, nagsagawa na ng precautionary evacuation ang mga bayan


ng Balete, San Nicolas, at Talisay, ayon kay National Disaster Risk Reducton
and Management Council spokesman Mark Timbal.

▪ Tungkol saan ang iyong binasang balita?

_____________________________________________________

▪ Kung ikaw ang nasa lugar na pinangyayarihan ng nasabing trahedya


ano kaya ang gagawin mo?

________________________________________________________________

▪ Paano nakakatulong ang balita sa iyong buhay?

________________________________________________________________

▪ Sa tingin mo nakakatulong ba ang mga datos na nakalahad sa balita


para magbigay impormasyon sa mga tao?

________________________________________________________________

Suriin
Basahin ang kasunod na impormasyon ukol sa balita at pagsulat nito.

Pagtukoy sa mga Datos na Kakailanganin sa Ulat-Balita


Ang sumusunod ay mga gabay na tanong upang matukoy mo ang mga
datos na iyong kailangan para sa paglikha ng balita. Makakatulong ito upang
mabilis mong mabuo ang balitang gagawin.

• Ano at tungkol saan ang balitang ilalahad?


• Sino ang kailangan kong kapanayamin o hingan ng tulong?
• Saan ko ito makukuha?
• Kailan ko ito gagawin?
• Ano ang iba pang datos o bagay na aking kakailanganin?

Upang maisagawa nang mabisa ang iyong balitang gagawin, narito ang
mga bagay na dapat mong tandaan sa pagsulat ng balita:

Pagsulat ng Balita

Sa pagsulat ng balita, karaniwang ginagamit ang kayariang baligtad


na tagilo (inverted pyramid) kung saan makikita ang pagpapahalaga sa
bahaging nais itampok.

Narito ang paraan sa pagsulat ng isang balita.

Baligtad na tagilo (Inverted Pyramid)

Pamatnubay (lead)
Pinakamahalagang impormasyon

Katawan
Mahalagang Impormasyon

Di- gaanong mahalagang impormasyon

▪ Karaniwang isinusulat ang mahalagang datos sa unang talata na kung


tawagi’y pamatnubay na pangungusap. Maaari itong isulat sa isang
pangungusap, subalit karaniwan itong binubuo ng dalawa o tatlong
pangungusap. Kadalasa’y tumutugon ito sa mga tanong na ano, sino,
kailan, bakit, at paano sang-ayon sa nais itampok o bigyang-halaga
sa balita.

▪ Pamatnubay-pinakamahalagang impormasyon o datos na dapat


malaman ng mambabasa.

▪ Ang katawan ng balita ang siyang nagbibigay ng mga detalyeng


paliwanag hinggil sa mga datos na binanggit sa pamatnubay.
▪ Ang panghuling bahagi ay tumutugon sa di-gaanong mahahalagang
detalye. Samakatuwid, sinusulat ang katawan sa paraang pahina nang
pahinang kahalagahan.

Basahin at suriin ang balita sa ibaba.

Rabiya Mateo, itinanghal bilang Miss Universe Philippines 2020


Ni Angellic Jordan, October 25, 2020
Radyo Inquirer

Pamatnubay-pinakamahalagang impormasyon

Nakoronahan si Rabiya Mateo mula sa Iloilo City bilang Miss Universe


Philippines 2020.

Katawan –mahalagang impormasyon

Isinagawa ang coronation ceremonies ng pageant sa Baguio Country Club,


Linggo ng umaga.

Itinahanghal naman si Ysabella Ysmael mula sa Paranaque City bilang first


runner-up habang si Michelle Gumabao mula sa Quezon City ang second
runner-up.

Third runner-up naman si Pauline Amelinckx mula sa Bohol at si Kimberly


Hakenson mula sa Cavite ang fourth runner-up.

Di-gaaanong mahalagang impormasyon

Samantala, nanalo rin si Mateo sa Best in Swimsuit sa prelimanary


competition noong October 21.

Si Mateo ang magiging pambato ng Pilipinas upang maging ikalimang


Filipina na mag-uuwi ng Miss Universe crown.

Upang higit pang mauunawaan ang mga balita, kinakailangang malaman


natin ang mga pangunahing detalye ukol dito. Marapat lamang na sinasagot
nito ang sumusunod na tanong:

❖ Ano ang balita? Tungkol saan ito?


❖ Sinu- sino ang mga sangkot o pinag-uusapan sa balita?
❖ Kailan naganap, nagaganap, o magaganap ang pangyayari sa
balita?
❖ Saan naganap, nagaganap, o magaganap ang balita?
❖ Paano naganap ang mga pangyayari sa balita? ❖ Bakit naganap ang
mga pangyayari sa balita?

Pagyamanin

Panuto: Basahin at suriing mabuti ang balita. Pagkatapos, sagutin ang mga
tanong sa ibaba. (6 puntos)

12-anyos patay sa sunog


Pilipino Star Ngayon
November 25, 2020 – 12:00 A.M
ni Danilo Garcia

Manila, Philippines – Nasawi ang isang sinasabing ‘special child’


makaraang makulong sa nasunog nilang bahay sa Sta. Ana, Maynila, kahapon
ng umaga.

Nakilala ang nasawi na si Daryl De Jesus, 12-anyos ng Diamante Street,


Fabie Estate, Road 4, San Andres, Sta. Ana, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng Bureau of Fire Protection, dakong alas 9:30 ng umaga nang


mag-umpisa ang apoy buhat sa loob ng bahay ng biktima.

Agad na kumalat ang apoy sa buong kabahayan kung saan naitaas ang
unang alarma dakong alas– 9:44 ng umaga bago mapatay ng mga bumbero
dakong alas-10:29 na ng umaga.

Naipit naman sa loob ng kaniyang kuwarto sa ikalawang palapag ng


bahay ang bata na hindi na nagawang mailigtas dahil sa biglaang paglaki ng
apoy.
Sa mopping operation, tumambad ang tupok na bangkay ng biktima na
labis na ikinahinagpis ng kaniyang mga kaanak.

Biniberepika ng mga arson investigator ang impormasyon na isang bagong


biling speaker ang nag- short circuit at siyang pinagmulan ng sunog.

1. Ano ang nangyari ayon sa balita?

______________________________________________

2. Saan naganap ang trahedyang ito?

______________________________________________

3. Kailan naganap ang sunog?

______________________________________________

4. Sinu-sino ang naging biktima ng sunog?

______________________________________________

5. Bakit daw nagkaroon ng sunog?

______________________________________________

6. Paano nagkaroon ng sunog?

______________________________________________

Gawain
Panuto: Basahin at suriing mabuti ang mga datos at detalye ng balita. Ayusin
at gawin ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga detalye mula sa
pinakamahalaga pababa batay sa tamang paraan sa pagsulat ng balita. Isulat
ang bilang sa patlang ayon sa tamang pagkakasunod-sunod nito. (7 Puntos)
12 inmate sa Ilocos Norte nagpositibo sa COVID-19
ABS-CBN News, Nov 26 2020 11:24 PM
Ulat ni Dianne Dy

____ Tatlong araw namang isasara ang Laoag City Public Market matapos
magpositibo ang tatlong fish vendor.

____ Nasa 12 inmate sa Ilocos Norte Provincial Jail ang nagpositibo sa


COVID-19, ayon sa mga awtoridad nitong Huwebes.

____ Posibleng nahawaan umano sila sa naunang naitalang 5 empleyado ng


INPJ na nagpositibo sa COVID-19.

____ Sa Biyernes isasailalim sa modified enhanced community quarantine


ang Laoag City hanggang sa ma- contain ang patuloy na pagtaas ng
kaso ng COVID 19 cases.

____ Naka-isolate na sa bilangguan ang inmate at kasalukuyang ginagamot.

____ Sasailalim sa disinfection ang palengke mula Nob. 26 hanggang Nob.


28.

____ Ilan din sa nagpositibo ay mga local resident, government employee at


guro.

Isaisip

Natutunan ko sa modyul na ito na ang


balita_________________________________________
______________________________________________
______________________________________________
______________________________________________
______________________________________________
______________________________________________
Tayahin
I.Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ito ang pinakamahalagang impormasyon o datos na dapat malaman ng


mababasa.

a. Katawan ng balita
b. Pamatnubay
c. Panghuling bahagi
d. Balita

2. Ito ang siyang nagbibigay ng mga detalyeng paliwanag hinggil sa mga


datos na binanggit sa pamatnubay.

a. Katawan ng balita
b. Pamatnubay
c. Panghuling bahagi
d. Balita

3. Ito ay tumutugon sa di- gaanong mahahalagang detalye.

a. Katawan ng balita
b. Pamatnubay
c. Panghuling bahagi
d. Balita

4. Ito ang karaniwang ginagamit sa pagsulat ng balita kung saan makikita


ang pagpapahalaga sa bahaging nais itampok.

a. Baligtad na puso
b. Baligtad na tagilo
c. Baligtad na krus
d. Baligtad na palaso
5. Ito ay napapanahon at makatotohanang ulat ng mga pangyayaring
naganap na, nagaganap at magaganap pa lamang. Ito ay maaaring
pasalita, pasulat at pampaningin.

a. Maikling kuwento
b. Epiko
c. Balita
d. dula

II. Panuto: Basahin at suriin ang balita at pagkatapos sagutin ang mga
tanong.

Lima patay sa pananalasa ng bagyong Ulysses


Radyo Inquirer, Nov. 13, 2020 08:07 AM
Ni Chona Yu

Patay ang lima katao sa Bicol region dahil sa pananalasa ng bagyong


Ulysses.

Ayon sa ulat ng Office of Civil Defense, kabilang sa nasawi ang limang


taong gulang na si John Lyndon Candelaria na namatay dahil sa landslide sa
Labo, Camarines Sur.

Nasawi naman matapos malunod si Federico Taroza, apat napu’t taong


gulang.

Patay nang matagpuan si Johnny Mirana sa baybaying dagat sa


Camarines Sur.

Nabatid na tinangka ni Mirana na iligtas ang kanyang alagang kambing.

Patay din si Avelino Cabaneta na nag-ayos ng bubong ng bahay at si


Salva Mangubat na nadulas naman.

1.Ano ang nangyari ayon sa balita?

a. may limang namatay sa pananalasa ng bagyong Ulysses


b. may limang nasunugan dahil sa bagyong Ulysses
c. may limang nalunod sa baha
d. may limang namatay dahil nadulas sa kasagsagan ng bagyo
2. Sinu-sino ang namatay dahil sa pananalasa ng bagyo?

a. John Lyndon Cadelaria, Federico Taroza, Johnny Mirana, Antonio


Lopez, Salva Manggubat
b. John Lyndon Cadelaria, Federico Taroza, Johnny Legend, Avelino
Cabaneta, Salva Manggubat
c. John Lyndon Cadelaria, Federico Sanchez, Johnny Mirana, Avelino
Cabaneta, Salva Manggubat
d. John Lyndon Cadelaria, Federico Taroza, Johnny Mirana, Avelino
Cabaneta, Salva Manggubat 3. Ayon sa balita, saan ito nangyari?

a. Camarines
b. Camarines Sur
c. Camarines City
d. Camarines Norte

4. Bakit namatay si Mirana, ayon sa balita?

a. dahil nadulas siya


b. dahil tinangka niyang iligtas ang kanyang kambing
c. dahil nalunod siya
d. dahil inayos niya ang bubong ng kaniyang bahay

5. Ano ang ikinamatay ni Federico Taroza?

a. Nalunod
b. Nadulas
c. Nahulog
d. nabagsakan ng kahoy

Karagdagang Gawain
Sumulat ng isang ulat-balita ayon sa napili mong paksa. Gamitin ang mga
gabay na tanong sa pagkuha ng datos para mapadali mo ang pagsagawa ng
ulat-balita.
Rubrik sa Pagmamarka sa Pagsulat ng Balita

Pamantayan Diskripsyon Puntos

Nilalaman 10
Na-aayon sa tema o paksa
ang nilalaman.
Organisasyon Maayos ang pagkakalahad 10
ng mga datos simula sa
pinakamahalagang
detalye pababa.

Paraan ng pagsulat 5
Malinis, maayos
at malinaw ang
pagkakasulat.

Kabuoan 25

Sanggunian:
Aklat:
Pinagyamang Pluma 7 (K-12); pahina 375, 388-390; Ailene Baisa-Julian,
Nestor S. Lontoc, Carmela H. Esquerra, at Alma M. Dayag, et al; 2015;
Phoenix Publishing House, Inc.
Internet:
https://news.abs-cbn.com/amp/news/01/12/20/bulkang-taal-nagalboroto-
mga-residente-pinalilikas
https://news.abs-cbn.com/amp/news/11/26/2020/12-inmate-sa-
ilocosnorte-nagpositibo-sa-covid-19
https://www.philstar.com/pilipino-star-
ngayon/metro/2020/11/25/20559289/12-anyos-patay-sa-sunog/
https://radyo.inquirer.net/275002/lima-patay-sa-pananalasa-ng-
bagyongulysses
https://radyo.inquirer.net/271322/rabiya-mateo-itinanghal-bilang-
missuniverse-philippines-2020
Region IX: Zamboanga Peninsula Hy mn – Our Eden Land Here the trees and flowers bloom Gallant

men And Ladies fair

Here the breezes gently Blow, Linger with love and care
Here the birds sing Merrily, Golden beams of sunrise and sunset
The liberty forever Stays, Are visions you’ll never forget
Oh! That’s Region IX
Hardworking people Abound,
Here the Badjaos roam the seas Every valleys and Dale
Here the Samals live in peace Zamboangueños, Tagalogs, Bicolanos,
Here the Tausogs thrive so free Cebuanos, Ilocanos, Subanons, Boholanos,
With the Yakans in unity Ilongos,

All of them are proud and true


Region IX our Eden Land

Region IX Our..
Eden...
Land...

The Footprints Prayer Trees I


by Joyce Kilmer
One night I had a dream. I dreamed think that I shall never see A
that I was walking along the beach with poem lovely as a tree.
the LORD.
A tree whose hungry mouth is prest
In the beach, there were two (2) sets of Against the earth’s sweet flowing breast;
footprints – one belong to me and the other
to the LORD. A tree that looks at God all day,
And lifts her leafy arms to pray;
Then, later, after a long walk, I noticed
only one set of footprints. “And I ask the A tree that may in Summer wear
LORD. Why? Why? Why did you leave A nest of robins in her hair;
me when I am sad and helpless?”
Upon whose bosom snow has lain; Who
And the LORD replied “My son, My son, intimately lives with rain.
I have never left you. There was only one
Poems are made by fools like me, But only
(1) set of footprints in the sand, because it
was then that I CARRIED YOU! God can make a tree.
Susi sa Pagwawasto

Gawain A

5
1
2
4
3
6
7

You might also like