Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Pangalan : Niel Patrick Tero Petsa :

Kurso : DMMAT – 2nd Year

SINESOSYEDAD
MODYUL 5
Gawain 3 : Pagsulat ng Rebyu

Sino ba naman ang hindi makakaalala kay Ina Montecillo at sa 12 niyang mga anak? Humakot ang
pelikulang ito ng higit 178 milyong piso noong taong 2003- pinakamalaki hanggang sa taong 2006. Ang
Tanging Ina ay isang pelikulang nagkuwento kung paano magmahal ang isang ina. Pinasukan ni Ina
Montecillo ang ano mang trabaho para lamang maitaguyod ang kaniyang 12 anak. Kahit na ilang beses
siyang ikinahiya at sinagot ng pabalang ng kaniyang mga anak, nanaig pa rin ang kaniyang pagmamahal
para sa kanila. Matapos ang malampasan ang ilang pagsubok, sa huli’y napagtanto na rin ng kaniyang
mga anak ang lahat halaga ng kanilang ng ina. Sa wakas ay nahipo na ng mga isinakripisyo ni Ina ang
kanilang mga puso at tumibay rin ang relasyon nila bilang magkalapamilya.

Ipinapakita rin ng Ang Tanging Ina ang problema ng maraming pamilyang Pilipino noon hanggang
ngayon kung saan hindi na maitaguyod ng magulang ang kaniyang pamilya sa sobrang dami niyang anak.
Bukod dito, dinidiktahan din ng lipunan kung paano gumalaw ang mga tao sa panahong ito-
kinakailangang magdebut ni Por, kailangan magpatuli si Shammy, nakakahiya kapag naging stripper ang
iyong ina,

You might also like