Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

ARALIN 7

IMAHISMONG PAGDULOG

Layunin
Ang araling ito ay naglalayon na ipaliwanag at talakayin ang imahismong pagdulog sa
pagsusuri ng panitikan sa Pilipinas. Sa pagtalakay ng pagdulog na ito, inaasahan ang mga mag-aaral
na :

• matukoy ang katuturan ng Imahismong pagdulog

• malaman ang layunin ng imahismo sa panitikan
• masuri ang akda gamit ang pagdulog imahismo.

Introduksyon:
Maligayang Pagdating sa Aralin 7 Modyul 1.
Sa nakaraang aralin, natalakay natin ang humanismong pagdulog na nakatuon sa
dignidad at integridad ng tao. Sa araling ito matututunan at makikilala mo ang imahismong
pagdulog. Matutuklasan mo rin ang pagsusuri ng akda gamit ang pagdulog na ito. May ideya ka ba
patungkol sa pagdulog na ito? Alam kong mayroon! Kaya bago ko ipaliwanag sa iyo ang pagdulog
na ito, halika’t sagutan muna ang Gawain ng aralin 7.

Gawain “Larawan ko, Itula Mo”

Panuto: Gawan ng 2 saknong na tula ang larawan. Ilarawan ito gamit ang mga salita. Isulat ang tula
sa hugis bilong na nakahanay sa gilid ng larawan.

Analisis:

Matapos kompletuhin ang gawain, narito ang ilang mga katanungan para sa isang mapanuring
pag-iisip. Isulat ang iyong sagot sa espasyo na nakahanda sa ibabang bahagi ng tanong.

1. Paano mo binuo ang iyong tula batay sa larawang ibinigay?

_________________________________________________________________________________

2. Naging maingat ka ba sa paggamit ng mga salita sa pagbuo ng tula? Ipaliwanag.
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
3. Gaano ka halaga ang mga salitang ginamit sa pagbuo ng tula? Agad ba itong maunawaan ng
mga mambabasa? Ipaliwanag ang iyong sagot.
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

Abstraction:
Natalakay sa aralin 6 ang patungkol sa humanismong pagdulog na
pinahahalagahan dito ang dignidad at integridad ng isang tao. Ngayon ay dumako naman tayo sa
pagdulog na Imahismo. Ito naman ang pananaw na isang pamamalagay na kinakailangang gumamit
ng konreto, matipid, at maingat na paggamit ng mga salita upang makabuo ng konkreto ring imahen.

Tinututulan dito ang: Pinahahalagahan dito ang:

Labis na paggamit ng simbolismo na maaari Tuwirang paggamit ng imahen na naglalantad ng
lamang makapagdulot ng kalituhan sa tunay na kaisipang inihahayag sa akda.
mambabasa.

Ang layunin ng panitikan ay gumamit ng mga imahen na higit na maghahayag sa mga

damdamin, kaisipan, ideya, saloobin at iba pang nais na ibahagi ng may-akda na higit na amdaling
maunawaan kaysa gumamit lamang ng karaniwang salita.
Mga Halimbawa:
1. Ang Agila at ang Maya ni Rodolfo S. Salandanan
2. Ang Guryon ni Ildefonso Santos

Aplikasyon:

Panuto: Basahing mabuti ang Ang Guryon. Suriin ang tula at alamin ang simbolismong
ginamit ng may-akda. Salungguhitan ang mga salitang sa tingin mo’y naglalarawan.
Ang Guryon
Ni Ildefonso Santos

Tanggapin mo, anak, itong munting guryon

na yari sa patpat at papel de Hapon;
magandang laruang pula, puti, asul,
na may pangalan mong sa gitna naroon.

Ang hiling ko lamang, bago paliparin

ang guryon mong ito ay pakatimbangin;
ang solo’t paulo’y sukating magaling
nang hindi mag-ikit o kaya’y magkiling.

Saka pag sumimoy ang hangin, ilabas

at sa papawiri’y bayaang lumipad;
datapwa’t ang pisi’y tibayan mo, anak,
at baka lagutin ng hanging malakas.

Ibigin mo’t hindi, balang araw ikaw

ay mapapabuyong makipagdagitan;
makipaglaban ka, subali’t tandaan
na ang nagwawagi’y ang pusong marangal.

At kung ang guryon mo’y sakaling madaig,

matangay ng iba o kaya’y mapatid;
kung saka-sakaling di na mapabalik,
maawaing kamay nawa ang magkamit!

Ang buhay ay guryon: marupok, malikot,

dagiti’t dumagit, saanman sumuot…
O, paliparin mo’t ihalik sa Diyos,

bago pa tuluyang sa lupa’y sumubsob!

Kaugnay na Tanong:
1. Paano inilarawan sa tula ang “Guryon”?
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
2. Naging matipid ba at malinaw ang ginamit na salita sa tula?
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

Analisis:

Panuto: Pumili ng isang bagay na maaari mong maihalintulad sa buhay mo.

Bumuo ng tula na malayang taludturan at binubuo ng tatlong saknong.

______________________________________________
I.

________________________________________

II.

III.

_______________________________________

_______________________________________

_______________________________________

_______________________________________

You might also like