Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

1.

Nasa 16 na katao na ang naitalang nagtamo ng injury buhat ng malakas-lakas na bagyong


yumugyog sa Mindanao nitong Miyerkules, ayon sa pinakasariwang ulat ng Office of
Civil Defense.

Matatandaang naitala sa bayan ng Compostela ang epicenter ng lindol, dahilan para


maramdaman ang intensity 6 (very strong) sa ilang bahagi ng Davao de Oro at Davao del
Norte noong Miyerkules ng gabi.

2. Tinanggihan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang courtesy resignation ni Philippine


National Police (PNP) Chief, Gen. Rodolfo Azurin.

Sinabi ni Department of the Interior and Local Go¬vernment (DILG) Secretary Benhur
Abalos na nag-usap na sila ng Pa¬ngulo at mananatili si Azurin bilang hepe ng PNP.

3. Nagbabala sa publiko ang Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) na mag-
ingat sa nauuso ngayon na “online scam” na nagsasabing kaya umanong maalis sa record
ng immigration blacklist ang isang indibidwal kapalit ng P1 milyon hanggang P5 milyon.

Naalarma ang VACC dahil ang mga iligal at hindi awtorisadong advertisement umano na
ito ay pwedeng makapanloko ng publiko at mapaniwala na talamak pa rin ang korapsyon
sa mga ahensya ng pamahalaan.

4. Iminungkahi ni Senador Joseph Victor Ejercito na bigyan ng subsidiya o sagutin ng


gobyerno ang kalahati ng ibinabayad na kontribusyon ng mga OFWs sa Philippine Health
Insurance Corporation (PhilHealth).

Ito ang mungkahi ni Ejercito sa pagdinig ng Senate health and demography sa


panukalang pag-amyenda sa Universal Health Care (UHC) law.

5. Nanghihinayang si dating Partylist representative at Cybersecurity advocate Ashley


“Ace“ Acedillo sa pagbibitiw sa puwesto ni dating Undersecretary for Police ang Legal
Affairs ng Department of Information and Communications Technology (DICT) Atty.
Jose Vicente Salazar.

6. Muling umapela ang pinatalsik na si Albay Governor Noel Rosal sa Supreme Court na
maglabas na ng status quo ante order (SQAO) para makabalik na siya sa pwesto habang
naka-pending sa korte ang kanyang petisyon kontra sa naging desisyon ng Commission
on Elections (Comelec) na nag-disqua¬lify sa kanya.

7. Nananawagan ang isang progresibong grupo ng kabataan kay Pangulong Ferdinand


"Bongbong" Marcos Jr. na agarang magdeklara ng isang "mental health emergency" sa
gitna ng papataas na bilang ng mga estudyanteng nagpapatiwakal.

Lunes lang kasi nang ipresenta ng Department of Education na umabot sa 404 estudyante
ang nasawi sa pagpapakamatay habang 2,147 naman ang nag-suicide attempt noong
taong 2021.

8. Ikinatuwa ng Commission on Elections (Comelec) ang mataas na resulta ng katatapos na


voter’s registration na may average na 600 aplikante kada registration site.

Sinabi ni Comelec spokesperson Atty. John Rex Laudiangco na natukoy nila ito
makaraan na magtalaga sila ng monitoring teams sa lahat ng registration sites sa Metro
Manila at ilang lokalidad sa Cavite at Bulacan.
9. Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. si Valenzuela City First District Rep. Rex
Gatchalian bilang bagong pinuno ng Department of Social Welfare and Development.

Ibinahagi sa social media ng Presidential Communications Office (PCO) ang isang video
kung saan pinangunahan ni Marcos ang panunumpa ni Gatchalian.

10. Tinatayang 102 kaso ng kidnapping at iba pang mga krimen na may kinalaman sa
Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) ang naitala ng Philippine National Police
(PNP) mula 2019 hanggang Enero 31, 2023.

11. Ilan ngayon ang bumibili ng "frozen eggs" bilang alternatibo sa mahal ng presyo ng
sariwang itlog sa merkado — pero babala ng Department of Health (DOH), maaaring
food poisoning ang kabagsakan mo rito dahil sa Salmonella at E. coli bacteria.

Nasa P55 kada kilo lang ang frozen eggs kumpara kung bibili ng isang buong tray na
aabot ng hanggang P285, dahilan para makamura nang husto sa nauna.

12. Nais ng mga nakakaraming Filipino na unahin at resolbahin ng Department of Education


(DepEd) ang kakulangan sa mga silid-aralan.

Base sa survey na isinagawa ng Pulse Asia noong Setyembre 17-21,2022, tinanong ang
1,200 respondents kung alin sa mga nakalistang isyu ang dapat aksyunan.

13. Personal na binisita ka¬hapon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang burol ng OFW na
si Jullebee Ranara na pinatay sa Kuwait ng anak ng kanyang amo.

Sa isang panayam, sinabi ni Marcos na nagpahatid siya ng kanyang pakikidalamhati at


nangako ng tulong sa pamilya.

14. Inihayag ng isang opisyal ng Department of Migrant Workers (DMW) nitong Sabado na
rerepasuhin ang kasalukuyang Bilateral Labor Agreement (BLA) sa Kuwait upang higit
na maprotektahan ang mga OFWs kasunod ng pagpatay kay Jullebee Ranara ng anak ng
kanyang amo.

15. Aabot sa 1,571 ektaryang lupa ang ipinamahagi ng Department of Agrarian Reform
(DAR) sa 1,006 agrarian reform beneficiaries sa Eastern Visayas.

Mismong sina Senador Imee Marcos at Agrarian Secretary Conrado Estrella III ang
namahagi ng 1,047 land titles sa mga benepisyaryo mula sa anim na probinsya sa Eastern
Visayas.

16. Kinikilala ang kanilang mga sakripisyo at mahalagang papel sa panahon ng kalamidad,
inihain ni Senator Christopher “Bong” Go sa Senado ang panukalang batas na
magbibigay ng hazard pay sa disaster response personnel.

Binigyang-diin ni Sen. Go na ang pinakamaliit na manggagawa ng gobyerno ay dapat


lamang mabigyan ng maayos na kompensasyon.

17. Kahit mabilis ang paglago ng ekonomiya bago pumasok ang 2023, duda ang isang
research group na mauulit pa ito — ito maliban sa hindi ito naramdaman ng karaniwang
tao dahil sa kahirapan at kawalan ng permanenteng trabaho.
Ito ang sinabi ng economic think tank na IBON Foundation, Biyernes, matapos iulat ng
Philippine Statistics Authority na umabot sa 7.2% ang gross domestic product (GDP)
growth sa huling kwarto ng 2022, dahilan para umabot ito sa 7.6% para sa buong taon.

18. Patay ang dalawang piloto ng Philippine Air Force (PAF) matapos na bumagsak ang
sinasakyan nilang aircraft sa Pilar, Bataan kahapon ng umaga.

19. Arestado ang anim na katao, kabilang ang may-ari ng isang printing shop dahil sa pag-
iimprenta at pagbebenta ng pekeng driver’s license sa Sta. Cruz, Maynila, kamaka¬lawa
ng gabi.

20. Maging ang pamunuan ng Manila Rail Transit Line 3 (MRT-3) ay humihirit na rin ng
taas-pasahe dahil sa kawalan umano nito ng kita.

Nabatid na naghain ang MRT-3 ng petisyon sa Rail Regulatory Unit ng Department of


Transportation (DOTr) para sa fare rate increase na mula P4 hanggang P6.

21. Kritikal ang isang babaeng empleyado ng Office of the Ombudsman matapos na holdapin
at barilin ng isang motorcycle rider sa Quezon City, kahapon ng umaga.

22. Nasa 20 modern public utility jeepneys ang hinuli ng mga tauhan ng Land Transportation
Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa magkahiwalay na ‘anti-overloading’
operation, kahapon sa Caloocan at Quezon City.

23. Labing-anim katao ang nasugatan sa naganap na pagsabog sa isang laundry shop dahil
umano sa tagas ng tangke ng liquefied petroleum gas (LPG) na nagdulot din ng sunog sa
Malate, Maynila, ka¬makalawa ng gabi.

24. Naglabas na ng show cause order ang Land Transportation Franchising and Regulatory
Board (LTFRB) laban sa operator ng modern jeep matapos na himatayin ang isang
pasahero nito dahil sa umano’y siksikan.

25. Inihayag ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Rodolfo ¬Azurin, Jr. na
pansamantalang ipagpapaliban ang rekomendasyon ng Internal Affairs Service (IAS) na
sibakin sa serbisyo si Master Sgt. Rodolfo Mayo, Jr. na mi¬yembro ng PPNP Drug
Enforcement Group na nakuhanan ng P6.7 bil¬yong halaga ng shabu sa Maynila noong
nakaraang taon.

26. Nais ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Rodolfo Azurin, Jr. na isama ang e-
sabong sa listahan ng mga illegal gambling sa bansa.

Ayon kay Azurin, inirekomenda ng Anti Cybercrime Group sa Kongreso ang pagsasama
ng e-sabong sa ilegal na sugal na may parusa sa ilalim ng Presidential Decree 1602.

27. Pinagkalooban ng bagong bahay ng National Housing Authority (NHA) ang may 216
pamilya na nasunugan sa lalawigan ng Bataan.
Ayon kay NHA Ge¬neral Manager Joeben Tai, bukod sa mga nasunugan, nabigyan din
ng pabahay ang mga naninirahan sa gilid ng waterways sa Orion, Bataan.

28. Magsasagawa ng imbestigasyon ang Department of Education (DepEd) sa mga ulat na


overpriced ang mga biniling camera ng ahensiya.
Sinabi ni DepEd Spokesperson Michael Poa na aalamin ng ahensiya ang katotohanan sa
mga kumakalat sa social media hinggil sa umano’y “overpriced camera”.

29. Tinabla ng Sandiganbayan ang kahilingan ni dating First Lady Imelda R. Marcos at anak
nitong si Irene Marcos-Araneta na ibalik ang mga ari-arian nito sa P200 bilyong
forfeiture case na pinanalo ng gobyerno subalit nanatiling nakaapela.

30. Nababahala ang Commission on Population and Development (PopCom) sa pagtaas ng


bilang ng mga kabataang nagbubuntis na nasa pagitan 10 hanggang 14 na taong gulang.

Ito ay sa kabila na bumaba ang teenage pregnancies sa mga kabataang Pilipino na may
edad 15 hanggang 19 na taong gulang.

31. Nakalusot na sa ikalawang pagbasa sa Kamara ang House Bill 6717 o ang panukalang
naglalayong suspendihin ang Mother Tongue bilang medium ng pagtuturo sa
Kindergarten hanggang Grade 3.

Ayon kay House Committee on Basic Education and Culture chairperson Pasig Rep.
Roman Romulo, kailangan nang masusupindi ang paggamit sa mother tongue dahil hindi
naman sapat ang mga educational materials na nakalimbag para rito.

32. Ipaprayuridad ng Department of Education ang pagpapaganda sa literacy at numeracy


programs, maging ang integration ng “peace competencies” sa revised K to 12 program,
sa harap ng kanilang mga hakbang na gawin ang naturang programa bilang relevant sa
pag- producie g job-ready, active, at responsible citizens.

33. Ipa-prayoridad ng Department of Health ang mga healthcare workers, senior citizens at
mga indibidwal na may comorbidities sa rollout ng bivalent vaccines sa bansa.

Ang pagbibigay prayoridad sa vulnerable group ay naaayon sa mga kondisyon na


itinakda ng COVAX facility na magdo-donate ng humigit-kumulang 1 million doses ng
Pfizer’s bivalent COVID-19 vaccine.

34. Nanawagan ang Amnesty International ng independent at walang kinikilingang


imbestigasyon sa pagpatay sa mamamahayag na si Percy Lapid at umano’y middleman
na si Jun Villamor.

Sa isang pahayag, hinikayat ng grupo ang gobyerno na gawin ang lahat ng naaangkop na
hakbang na walang kinikilingan upang matukoy ang katotohanan sa likod ng pagpatay.

35. Hindi umano nagsagawa ng tamang autopsy ang Philippine National Police sa bangkay ni
Kian delos Santos na napatay sa war on drugs ng gobyerno noong 2017.

Sa isang press conference, ibinahagi ni forensic pathologist Raquel Fortun na ang


isinagawa niyang re-autopsy sa bangkay ni delos Santos ay nagpapahiwatig na gumawa
lamang ng konklusyon ang PNP batay sa superficial cut sa kanyang katawan.

36. Bahagyang tumaas ang ranggo ng Pilipinas sa international corruption index sa 180 mga
bansa.

Sa 2022 Corruption Perception Index (CPI) ng anti-corruption watchdog na Transparency


International, napunta ang Pilipinas sa ika-116 na puwesto mas mataas sa dating ranggo
nitong ika-117 noong 2021.
37. Naghain ng isang resolusyon ang isang mambabatas upang imbestigahan ang
kuwestyonableng third-party auditor ng Philippine Amusement and Gaming Corporation
o Pagcor.

Inihain ni Sen. Sherwin Gatchalian ang Senate Resolution No. 452, kung saan inihayag
niya ang pagkadismaya sa mga issues sa kredibilidad ng Global ComRCI. Sa huling
pagdinig ng Senate committee on ways and means, nalaman ng mga senador na nabigo
ang Pagcor na sumunod sa mga umiiral nitong procurement rules.

38. Lusot na sa ikalawang pagbasa sa Kamara ang panukala na naglalayong mabigyan ng


proteksyon ang kapakanan ng mga manggagawa sa film, television at radio entertainment
industry.

Ang panukala na may titulong kapangalan ng beteranong aktor na si Eddie Garcia na


pumanaw noong 2019 matapos magtamo ng neck injury habang nagsho-shoot para sa
television series o ang House Bill 1270, ay naglalayung mabigyan ang mga manggagawa
ng opurtunidad para sa gainful employment at desenteng income, at protektahan sila mula
sa pang-aabuso, harassment, hazardous working conditions at economic exploitation.

39. Ibinasura ng Department of Justice panel kahapon ang motion for reconsideration na
inihain ni suspended Bureau of Corrections chief Gerald Bantag sa murder cases
isinampa laban sa kanya.

Ang mga kaso ay may kaugnayan sa pagpatay sa broadcaster na si Percy Lapid at New
Bilibid Prison inmate na si Jun Villamor na tinaguriang “middle man” sa pagpatay kay
Mabasa.

40. Pinagtibay ng House of Representatives ang panukalang batas na layong maibaba sa 56


taong gulang ang optional retirement age sa gobyerno mula sa kasalukuyang 60 taon.

Ang panukalang House Bill No.206 ay nakatanggap ng 268 affirmative votes sa


isinagawang nominal voting at lumusot na sa ikatlo at huling pagbasa.

Aamyendahan nito ang Section 13 ng Republic Act 8291 o Government Service


Insurance System (GSIS) Act of 1997.

You might also like