Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Gramatika

Ang modal ay tinatawag na malapandiwa.


Ginagamit ang mga ito na pantulong sa
pandiwang na nasa panaganong pawatas. Ang
mga ito ay ginagamit bilang panuring na may
kahulugang tulad ng pandiwa. Ang mga modal
ay mga pandiwang hindi nagbabago, limitado
kapag binanghay o walang aspekto.
Mga Halimbawa: ibig, nais, gusto, kailangan
Gamit ng modal:
1. Bilang malapandiwa
Gusto niyang bumisita sa palasyo ng hari.
Ibig ng pagong na pumunta sa mundong
ibabaw.
(Ang gusto at ibig ay ginamit bilang
malapandiwa subalit di tulad ng ganap na
pandiwa wala itong aspekto.)
2. Bilang panuring na may kahulugang tulad ng
pandiwa
Gusto niyang maglakbay muli.
(Ang salitang gusto ay nagbibigay turing sa
salitang maglakbay na isang pandiwang nasa
anyong pawatas)
Ibig ng kuneho na makita ang kailaliman ng
timog dagat.
(Ang salitang ibig ay modal na nagbibigay
turing sa salitang makita na isang pawatas.)
Narito ang mga uri:
1. Nagsasaad ng pagnanasa, paghahangad at
pagkagusto
Mga Halimbawa: Gusto kong mamitas ng
bayabas.
Ibig kong matupad mo ang iyong pangarap sa
buhay.
2. Sapilitang pagpapatupad
Halimbawa: Dapat sundin ang sampung utos ng
Panginoon.
3. Hinihinging mangyari
Halimbawa: Kailangan mong magpursigi sa
iyong pag-aaral.
4. Nagsasaad ng posibilidad
Halimbawa: Maaari ka bang makausap
mamaya? Puwede kang umasenso sa buhay.
Gawain: Tukuyin kung anong uri ng
modal mayroon ang sumusunod na
pangungusap.
A. nagsasaad ng posibilidad
B. nagsasaaad ng pagnanasa
C. hinihinging mangyari
D. sapilitang mangyari
_____ 1. Dapat manatili tayong kalmado
sa panahon na ang lahat ay nagkakagulo.
_____2. Ibig ng matandang lalaki na
makauwi sa kanilang bahay.
_____3. Gusto kong maniwala na ang pag-
asa ng bayan ay ang kabataan.
_____4. Kailangan mong matutong
magbanat ng buto upang mabuhay.
_____5. Puwede kang makatulog sa labis
na pagod.
_____6. Kailangang magsikap upang
matupad mo ang iyong mga pangarap.
_____7. Gusto kong bumalik sa nakaraan
kung saan walang sakit na mararamdaman.
_____8. Hindi dapat sumuko ang tulad
mong masipag.
_____9. Ibig niyang sumali sa patimpalak
para makuha ang karangalan.
_____10. Kailangan mong makuntento sa
kung anong mayroon ka ngayon.

You might also like