Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

1. ano ang pamantayang sinusunod ng mga Kristiyano sa pag-aasawa?

Ano lang ang makakasulatang


basehan para sa diborsiyo?

Sinusunod namin ang pananaw ng Bibliya tungkol sa pag-aasawa at diborsiyo. Para sa Diyos, ang pag-
aasawa ay dapat na panghabambuhay na pagsasama ng isang lalaki at isang babae. Seksuwal na
imoralidad lang ang tanging basehan para sa diborsiyo na sinasang-ayunan ng Bibliya

2. Sino si Jehova?

* Si Jehova po ang tanging tunay na Diyos, ang maylalang, ang kataas-taasan at Diyos ng Buong lupa

* isiniwalat ito ng perpektong libro po na bibliya sa awit (83:18) at (deutronomio 4: 39)

3. Bakit mahalaga na gamitin mo ang personal na pangalan ng Diyos?

* Dahil sya nga po ang kataas-taasan at bilang mga alagad nya dapat po natin itong ipangaral at ipakilala
at lalong-lalo na gamitin dahil nga po hindi natin mapapalugdan ng lubos ang tunay na Diyos kung hindi
natin sya tatawagin sa personal nyang pangalan

* Bawat isa na tumatawag sa pangalan ng Diyos ay maliligtas (Roma 10:13)

* Malaman nawa (awit 83:18)

* Malaman nawa ang pangalan mo (mateo 6:9)

4. Ano ang ilang terminong ginamit sa Bibliya para ilarawan si Jehova?

* Diyos ng pagibig (1 juan 4:8)

* Maylalang (isaias 40: 28)

5 Ano ang maibibigay mo sa Diyos na Jehova?

. * Bilang isang kabataan nga po nais ko pong gamitin yung buong makakaya, lakas at panahon ko
habang malakas pa po ako para paglingkuran si jehova dahil nga po alam ko mas marami pa po akong
magagawa at alam ko po na kapag hindi po ako naglingkod sa kaniya ay pagsisisihan ko to sa dakong
huli ( eclesiates 12:1 )

* Buong puso, pagiisip, lakas at kaluluwa (marcos 12:30)

6. Bakit gusto mong maging tapat kay Jehova?

* Gusto ko pong pasayahin sya at sisikapin ko pong maging tapat.

* Alam ko po na kapag naging tapat akk sa kaniya ay aapaw ang pagpapala at gantimpala.

* (Awit 106 3) maligaya ang mga makatarungan at gumagawa ng kung ano ang tama
* Maging tapat para mapasaya at may maisagot sa mga tumutuya kay jehova ( kawikaan 27: 11)

7. Kanino ka nananalangin, at sa pamamagitan nino?

* (Juan 16:3) kung hihingi kayo sa ama ng anuman ibibigay nya iyon sa pangalan ko

8. Ano ang mga puwede mong ipanalangin?

* Pattern ( mateo 6: 9-13) dumating nawa ang kaharian mo

* Pagpapala

* Kapatawaran

* Lakas, tapang sa mabuting paraan, makapagtiis, proteksyon at marami pang iba.

* Syempre mahalaga ang pagpapasalanat sa lahat.....

* Lahat ng hilingin natin basta ayon sa kalooban nya ay ibigay nya ( 1 juan 5:14)

9. Bakit hindi pinakikinggan ni Jehova ang ilang panalangin?

* (Mik 3:4) masama ang ginagawa jila pero humihingi sila ng saklolo

* Pansariling pakinabang, malimg motibo hindi dinidinig

* Boksingero, lotto (santiago 4:3) hindi kayo nakatangap dahil humihingi kayo na may maling intensyon

*(Santiago 1:15) hindi ako nakikinig dahil puno ng dugo ang kamay nyo

10. Sino si Jesu-Kristo?

* Sya po ang tinawag na kaisa isang anak ng tunay na Diyos, ang panganay sa lahat ng nilalamg at ang
kasama ng Diyos na lumalang ng lahat ng bagay

* Na binanggit din sa (mateo 16: 16) sya ang kristo ag anak ng tunay na diyos

Mateo 3 17 ito ang anak ko ang minamahal ko at kinalulugdan

You might also like