Ako, JOSELITO DE CASTRO RAMOS, Filipino, nasa wastong
gulang, nakatira sa Taal, Pulilan, Bulacan, matapos makapanumpa ng naayon sa batas ay nagsasaad na;
1. Noong January 29, 2023, araw ng Linggo, mga bandang
alas nuebe y medya ng gabi habang ako ay nagbibisikleta pauwi ng bahay ng biyenan ko ng napansin ko na bahagyang nakabukas ang gate ng aming simbahan na JESUS IS OUR SHELTER CHURCH INTERNATIONAL MINISTRY, INC. 2. Balak ko sanang isarado ang gate pero nakita ko na may mga tao sa loob ng bakuran na nakapaikot at mga nakaitim na damit at nagbubungkal. 3. Tinawagan ko kaagad si Brother Norvin Flameno (Norvin) para tanungin kung siya yun o may alam siya tungkol sa pagbubungkal kasi malapit din yun sa truck na nakaparada dun. 4. Sinabi niya na hindi niya alam ang tungkol sa nabanggit ko kung kaya sinabi niya sa akin na pupuntahan niya kaagad. 5. Dumating naman siya agad at dali-dali syang pumasok sa loob ng bakuran ng nasabing simbahan. Nakilala namin ang isa sa dati naming miyembro na si Mark Anthony M. Reyes, II (Mark), kasama ang ibang mga taong nagbabakod. 6. Hindi nagtagal ay dumating naman sila kuya Nelson Leonardo (Nelson) at ang kanyang asawang si ate Mallorie R. Leonardo (Malou). Dumiretso sila sa may nakakabit na “NO TRESPASSING” sign. 7. Sinita ni kuya Nelson ang mga taong nagbabakod kung bakit nila ginagawa yun ng gabi at walang pinapakitang legal na basehan para magbakod. 8. Napansin ko din na nagbabakakod sila Mark ng walang kasamang pulis, barangay tanod o kapitan. Buti na lang, maliban sa matataas at malalakas na boses ni Mark at kuya Nelson ay wala namang physical na sakitan na nangyari. 9. Sa kabutihang palad ay na i video ko ang pangyayari para malaman ang buong katotohanan sa illegal na pagbabakod ni Mark at kanyang mga kasamahan sa loob ng bakuran ng simbahan. Screen capture of the video footage are hereto attached as Annexes Page |2
“A” to “A-” and the video footage (USB) is hereto attached as Annex “B”
JOSELITO RAMOS Affiant
SUBSCRIBED AND SWORN to before me this
_______________________2023, affiant personally exhibiting to me his _______________________________.