Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Tunay nang napakarami nang nagbago sa Mall sa kasalukuyan at patuloy parin itong nagbabago sa

paglipas ng panahon dahil iba na ang mall na kinalakihan ng mga magulang ko sa mall na nadatnan ko
noon bata pa lang ako at ngayon nasa kolehiyo na ako marami parin akong mga nakitang pagbabago at
mga nadagdag sa loob ng mall. May iba’t ibang dahilan kung bakit nagpupunta ang tao sa Mall at iba’t
iba rin ang pananaw ng mga tao tungkol sa espasyo sa Mall. Simula ng Junior High School ako ay
nagsimula akong mamulat sa Mall dahil narin naging patok ito sa aking mga kaklase dahil kakabukas pa
lamang ng Robinson kung kaya’t ang pananaw ko sa espasyo ng Mall ay lugar kung saan maari kang
maglibang na kung saan kapag ikaw ay namomoblema at madaming iniisip maari kang maglibot-libot sa
mall upang magpalamig, sumaya at pwede naring pampalipas oras mo kung ikaw ay naiinip
samakatuwid ang lahat ng mga nakikita natin sa mall ay maaring makapagbigay ng kasiyahan sa ating
paningin dahil nakikita ko na sa maikling oras nagiging masaya ang mga tao sa loob ng mall.
Matatandaan noon na dinadayo ang Mall noon dahil narin sa mga sinehan subalit ngayon ay nagkaroon
na ng mga iba’t ibang inihahandog ang Mall upang mapukaw ang mga tao at mawili na pumunta rito
dahil nagkaroon na ng mga palaruan sa mga bata, katahan at dumami ang inihahandog nilang produkto
at serbisyo. Sa module na ito ay ngayon ko higit na unawaan ang iba’t ibang pananaw sa espasyo ng Mall
dahil kung ang pananaw natin dito ay isang lugar na pwedeng kainan, pasyalan at magpalamig, para sa
mga guwardiya, saleslady, crew ng fast food, at iba pang manggagawa sa loob nito ay maaring tignan
nila ito nilang lugar na kung saan ay isang espasyo na sumisimbilo ng hindi pagkakapantay-pantay para
sa pagod na tauhan na nagbebenta ngunit walang pambili.

You might also like