Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 33

8

Araling Panlipunan
Ikatlong Kwarter: Modyul 5:
Ikalawang Yugto ng Kolonyalismo
(Imperyalismo)
Araling Panlipunan – Ika-walong Baitang
Ikatlong Markahan – Modyul 5: Ikalawang Yugto ng Kolonyalismo (Imperyalismo)
Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Marnel D. Gealon
Tagasuri: Merlyn Labrador Jose
Tagalapat: Jhona Mae L. Jabajab
Tagapamahala: Josephine L. Fadul - Schools Division Superintendent
Melanie P. Estacio - Assistant Schools Division Superintendent
Christine C. Bagacay - Chief in Curriculum Instruction Division
Leila L. Ibita - Education Program Supervisor-AP
Lorna Ragos - Education Program Supervisor in LRMDS

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Region XI-Division of Tagum City

Office Address: E-Park Apokon, Tagum City, Davao del Norte


E-mail Address: tagumcity@deped.gov.ph
8

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 5:
Ikalawang Yugto ng Kolonyalismo
(Imperyalismo)
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda
para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito
ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang
bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy
na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit
ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral
ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang
nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito
ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa
tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos
ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng
pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat
gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang
bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na
ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o
mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng
hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa
kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa
mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga
tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit
wala sila sa paaralan.

ii
Aralin

2 Ang Ikalawang Yugto ng


Kolonyalismo (Imperyalismo)

Alamin Natin

Ang modyul na ito ay inihanda upang matulungan at masusuri ang


Ikalawang Yugto ng Kolonyalismo (Imperyalismo).

Ang mga paksa na nakapaloob sa modyul na ito ay sadyang inayos


upang madaling maintindihan ang pag-aaral.

Ang mga gawaing inihanda dito ay makabuluhan para sa iyong pag-


aaral kailangan mong gawin o sagutan ang lahat ng mga Gawain sa modyul.
Gumamit ng ibang papel sa pagsagot.

Ang modyul na ito ay nakasentro sa pagsusuri tungkol sa pamana o


kontribusyon ng Rome sa kabihasnan.

Pinakamahalagang Kasanayang Pagkatuto


Naipapaliwanag ang dahilan, pangyayari, at epekto ng Ikalawang Yugto
ng Kolonyalismo (AP8pMD-llli-10)

Pagkatapos mong mapag-aralan ang Modyul, inaasahang iyong:


• Nasusuri ang Ikalawang yugto ng kolonyalismo
• Natataya ang dahilan, pangyayari, at epekto ng Ikalawang yugto ng
kolonyalismo
• Napahahalagahan ang kontribusyon ng ikalawang yugto ng
kolonyalismo
• Mapahalagahan ang mga kontribusyon ng Renaissance sa daigdig

1
Subukin Natin
Panuto: Word Puzzle…

Ayusin ang mga rambled letters sa bawat bilang upang malaman ang mga

kanluraning bansang tatalakayin sa modyul na ito.

1. TAINBIR _______________

2. YNGMAER _______________

3. NFRCEA _______________

4. GIUMBEL _______________

5. TEUNID SSEATT _______________

Aralin Natin

Magbasa at Matuto

ANG IKALAWANG YUGTO NG KOLONYALISMO

ANG MGA DAHILAN, PANGYAYARI, AT EPEKTO NG


KOLONYALISMO
Noong ika 18-siglo nanumbalik ang kasiglahan sa pananakop ng mga

kanluranin at tinawag itong imperyalismo. Ang imperyalismo ay ang

pagdomina ng isang makapangyarihang bansa sa aspektong pampolitika,

pangkabuhayan, at kultural na pamumuhay ng isang mahina at maliit na

bansa. Sentro nito ang mga bansa sa Asia at Africa.

3
Own work, Independence Seaport Museum 226, https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Independence_Seaport_Museum_226.JPG, Creative Commons Attribution 3.0 Unported

May mga iba’t-ibang mukha ang imperyalismo, ito ay ang mga

sumusunod:

4
• Protectorate -hinahayaan nila na manatili ang mga katutubo bilang

lider sa sariling lugar, ngunit nasa likod nito ang mananakop na

bansa na umaaktong tagapangalaga.

• Concession – Ito ay nagbigay Kalayaan at karapatang pang-

ekonomiya sa mga dayuhan at kapitalista, tumutulong o

sumusuporta sa pagpapatayo ng mga imprastraktura at industriya at

pakikipagkalakalan.

• Annexation – Ito ay ang pagsanib sa mga lupaing natuklasan ng

isang bansa o kabilang na ng kanilang imperyo.

• Sphere of influence – Pananakop na mag-angkin ng espesyal na

prebilihiyo partikular sa ekonomiya at pulitika.

Dahil sa paglakas ng Europa partikular sa ekonomiya, nagkaroon ito

ng matinding kakulangan sa mga bagay na kakailanganin, kaya naghanap

ito ng mga bagong bansa na mapagkukunan.

MGA DAHILAN, URI AT LAWAK NG PANANAKOP

• Pangangailangan ng mga Pamilihan -Noong 1870 ay ang kasagsagan

ng rebolusyong industriyal, naging magkalaban o magkaribal ang

France, Belgium, United States, Great Britain at Germany pagdating

sa pamilihan, dahilan upang maghanap muli ng masasakop na lugar,

kung saan mapagkunan nila partikular mga hilaw na sangkap,

kabilang na ang Pilipinas.

5
• Pangangailangan ng hilaw na sangkap – Matinding pangangailangan

sa mga hilaw na sangkap gaya ng bulak, at iba pang produktong

tropical, kailangan din nila ang lahat ng uri ng mineral.

• Interes ng mga kapitalista – Umasa sa malaking tubo ang mga

kapitalista. Umupa ng mga mananaliksik at inhenyero upang

maghahanap ng kayamanang mineral. Bumuo sila ng korporasyon

para sa minahan, magpapautang sa mga katutubo sa malaking tubo.

• Pambansang Karangalan -Pag sa papalawak ng kapangyarihan ang

higit na hinahangad nila dahilan na pagsakop ng mga bansa

partikular sa Asya at Africa. Maraming bansa ang masakop maraming

yaman ang makukuha.

• Dakilang Tungkulin ng mga Puti – Nakaempluwensiya ang

konseptong isinulat ni Rudyard Kipling na “The White’s Man Burden”

isang ideya na may kaakibat na sakripisyo, hangad nito na maturuan

at gabayan ang kolonya sa sibilisadong pamaraan.

Hangad na matulungan ang mga katutubo na maging

kristiyano, matuto at masanay sa kaalamang kanluranin tungkol sa

kalusugan, teknolohiya, at medisina. Ang mga kanluranin ay may

paniniwala na nakaangat sila sa lipunan kaya ayon sa kanila sila mag

pananagutan sa sangkatauhan o bansa na kanilang nasakop.

• Pangangailangan ng mga Base Militar – Pagpapatupad ng himpilan

para sa mga sasakyang-dagat sa mga nasakop na bansa at kailangan

din ang base militar para sa proteksyon.

6
IBA’T-IBANG PANGYAYARI SA MGA BANSANG NASAKOP

Augusto Grossi (1835–1919) , Flickr - …trialsanderrors - I volatori, political cartoon, 1880, https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Flickr_-_%E2%80%A6trialsanderrors__I_volatori,_political_
cartoon,_1880.jpg, Creative Commons Attribution 2.0 Generic

7
• HATIAN SA AFRICA NG MGA BANSA SA EUROPA

Sa panahon at kasagsagan ng pananakop ang Africa ay pinag-

aagawan at pinaghahatian ng mga imperyalista.

Zz1y, Draner, IMGCDB82 - Caricatura sobre conferencia de Berlín, https://commons.wikimedia.org/wiki/File:IMGCDB82_-_Caricatura_sobre_conferencia_de_Berl%C3%ADn,_1885.jpg, Creative


Commons Attribution-Share Alike 4.0 International, 3.0 Unported, 2.5 Generic, 2.0 Generic and 1.0 Generic license

8
1. Great Britain (England) -Dominado nito ang Timog Africa,

nakipag-agawan din ito sa Hilagang Africa partikular sa

Hilagang Nigeria nakuha ito sa pamamagitan ng digmaan.

Naging protectorate din nila ang Morocco 1912.

2. France -Naangkin nila ang lupain ng Algeria at Tunisia

1885.Itinatag din ang kolonya nito sa Kanlurang Africa

(French West Africa)

3. Belgium – nasakop nito ang Congo.

4. Germany -Nasakop nito ang Togo, Cameroon at Southwest

Africa.

5. Italy – Napunta ang Eritrea at Somaliland sa pamamagitan

ng digmaan, nasakop din nila ang Ethiopia.

• PAGSAKOP SA TIMOG ASIA

Own work, Flag map of America with the Chinese flag on it, https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Flag_Map_of_USA_China.png, Creative Commons Attribution-Share Alike 3.0 Unported

9
AGAWAN SA CHINA -Hinati sa Spheres of Influence ng mga

Kanluranin ang China sa dahilan na mabigyan sila ng

konsesyon sa kalakalan ng mga Tsino. Madaling nakuha at

nasakop ng iba’t-ibang kanluranin ang China dahil sa kahinaan

ng Dinastiyang Manchu sa panahong yaon, kabilang sa mga

umangkin ay ang Russia, France, Great Britain, at Japan.

• AGAWAN SA TIMOG-SILANGANG ASIA AT OCEANIA – Ang mga

kanluraning bansang nanakop ay ang mga sumusunod:

1. Russia – sinakop ang Khanates na tirahana ng mga Mongol,

Afghan, Turko, at Tartar sa Hilagang Pakistan at India.

2. Britain – sinakop ang Ceylon, Burma, at Malaya

3. France – sinakop ang IndoChina

4. Holland – Indonesia

5. United States – Sa larangan ng pananakop hindi

nagpapahuli ang United States, napasali sa digmaan laban

sa Spain, dahilan sa nasakop ang Guam, Puerto Rico, at

Pilipinas na naging sagana sa yamang asukal, bulak, at

tabako, naging sakop din ang Samoa, at Hawaii 1959.

10
• AGAWAN SA GITNANG SILANGAN

Naging tagpuan ang mga kontinenteng Africa, Asia, at Europa

ang lahat ng mga bansa sa Gitnang Silangan dahil sa sagana ito

sa mga yamang mineral tulad ng langis particular Iran, Iraq, at

Saudi Arabia.

File: User:Darwinek, Map of Arabic-speaking countries, https://commons.wikimedia.org/wiki/File:A_map_of_the_Arab_World_with_flags.png, Creative Commons Attribution-Share Alike 3.0 Unported

11
EPEKTO NG IKALAWANG YUGTO NG KOLONYALISMO AT

IMPERYALISMO

https://wellcomeimages.org/indexplus/obf_images/5d/0f/e2f125d713241e5c8e7070aa0929.jpg, Disraeli and Northcote leavingParliament,https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Disraeli_and_Northcote_


leaving_Parliament_Wellcome_V0050316.jpg, Creative Commons Attribution 4.0 International

Malaki ang naging epekto sa buhay ng katutubo ang pananakop ng

mga kanluranin, naaapektuhan ang gawaing pang-ekonomiya, pampulitika,

espiritwal, panlipunan, at pangkultura. Ipinagagawa tulad ng pagsilbi at

pagtatrabaho sa pataniman, paggawaan, at maging sa hukbong

12
sandatahan, daan ito ng pagsasamantala, paniil sa patakaran ng

kanluranin, pag-aabuso at higit sa lahat ang pang-aalipin, ang sapilitang

paggawa, at pagbayad ng tribute o buwis sa mataas na halaga.

Pinagsamantalahan ng mga dayuhan ang kanilang likas na yaman at lakas-

paggawa.

Sanhi rin ito ng pagkawala ng kultura ng mga katutubo, nabago ang

paniniwala, pananamit, pagkain, atbp. Naging di makatuwiran ang

pananakop ng mga dayuhan lalo na sa Pilipinas.

Gawin Natin

GAWAIN 1: Isulat ang tamang sagot kung anong kanluraning bansa ang tinutukoy
dito. Hanapin ang sagot sa loob ng kahon

BRITAIN RUSSIA ITALY


UNITED STATES FRANCE SPAIN
HOLLAND PORTUGAL
________________ 1. Bansa na umangkin sa Morocco noong 1912.

________________ 2. Bansa na sumakop sa Eritrea at Ethiopia.

________________ 3. Ang sumakop sa Mongol, Afghan, Turko.

________________ 4. Ang sumakop sa Timo-Silangang Asya particular ang

Pilipinas.

________________ 5. Ang sumakop ng Samoa at Hawaii

13
Sanayin Natin

GAWAIN 2 – Alamin ang di kabilang sa grupo. Isulat ang titik sa sagutang

papel.

_________ 1. a. Bagong Pamilihan c.Sobrang Produksyon

b. Hilaw na Sangkap d. Kapitalista

_________ 2. a. Pagpalawak ng Teritoryo c. Kolonyalismo

b. Nasyonalismo c. Likas na Yaman

_________ 3. a. France c. England

b. Russia d. Pilipinas

_________ 4. a. Ceylon c. Malaya

b. Burma d. Indo-China

_________ 5. a. Togo c. Southwest Africa

b. Cameroon d. United States

14
Tandaan Natin

TAYAHIN: Basahin at alamin ang tamang sagot. Titik lamang ang isulat sa
sagutang papel.

______ 1. Ang Asya at Africa ay mga rehiyon na pangunahing biktima ng mga

kanluranin, dahil sa?

a. Walang kaalamang mamuno

b. Mayaman sa mga likas na yaman

c. Kawalan ng mga lider

d. Di sibilisado

______ 2. Ano ang tawag sa mukha o anyo ng kung pananakop na hinahayaan ang

mga katutubo na siyang mamuno at ang mga mananakop ang nagsilbing

tagapangalaga lamang.

a. Annexation b. Protectorate c. Concession d. Sphere of Influence

______ 3. Anong anyo ang kinikilala kung saan ang nananakop na bansa ang may

espesyal na prebilihiyong pang-ekonomikal at pulitikal?

a. Annexation b. Protectorate c. Concession d. Sphere of Influence

______ 4. Anong kaisipan o konsepto ang hangarin ng mga kanluranin na

matulungan ang mga katutubo na maging kristiyano at mga kaalamang

pangkalusugan, teknolohiya at medisina?

a. Konseptong “ The White’s Man Burden “

b. Konseptong “The White’s Man Castle”

c. Konseptong “The Man and the Castle”

d. Konseptong “The White’s Man Hair”

______ 5. Ano-anong mga bansa ang nakisali sa pag-aagawan sa Africa MALIBAN sa

Isa?

a. France b. Britain c. Germany d. Japan

15
______ 6. Ano-anong mga epekto ang dala ng ikalawang yugto ng imperyalismo sa

pananakop MALIBAN sa isa?

a. Nabago ang pang-ekonomiya ng bansa mga bansang sinakop

b. Nabago ang kultura at paniniwala ng mga katutubo

c. Nakaranas ng mga pagsasamantala at pag-aabuso ang mga

katutubo

d. Yumaman ang mga maliit na bansa na kanilang sinakop

______ 7. Sa Timog-Silangang Asia at Oceania, sinakop ng Great Britain ang

Ceylon, Burma, at Malaya. Saang bansa nman napunta ang Indo-China?

a. England b. France c.Hollad d. United States

______ 8. Ano-anong mineral na napakahalagang makukuha sa Africa?

a. diamond at gold c. salt at water

b. silver at copper d. gold

______ 9. Ano ang salik ang ginamit nila upang maprotektahan ang mga kolonyang

bansa laban sa iba pang mananakop?

a. base militar b. sasakyang-dagat c. himpilan d. armas

______ 10. Bakit yumaman ang mga kapitalista ng bansa sa Europa?

a. Dahil sa lawak ng nasasakupan nila.

b. Dahil sa sobra at laki ng interes ng kanilang kalakal.

c. Dahil sa mabilis ang benta ng kalakal.

d. Dahil sa matinding pangangailangan

16
Payabungin Natin

PANUTO: Ibigay ang sariling opinion batay sa iyong natutunan.

1. Pano mo ilalarawan ang Rebolusyong Amerika? Namangha ka ba dito?

_____________________________________________________________________

__________________________________________________.

2. Sang-ayon ka ba sa pananakop ng ibang bansa sa mahihinang bansa?

Ipaliwanag ang iyong opinion.

_____________________________________________________________________

__________________________________________________.

15 10 5
Pagkakabuo Angkop at wasto May iilang salitang
Walang
ang mga salitang ginamit na hindi kaugnayan at
ginamit sa angkop at wasto hindi wasto ang
pagbubuo mga salitang
ginamit
Nilalaman Mabisang Hindi gaanong Hindi naipahayag
naipahayag ang naipahayag ng nang mabisa ang
mensahe ng tula mabisa ang nilalaman ng tula
mensahe ng tula

17
Pagnilayan Natin

1. Ikaw ay bibigyan ng kalayaan na pumili ng isang lugar upang

sakupin at ipalaganap ang iyong paniniwala at kapangyarihan.

Sagutin ang mga katanungan sa ibaba.

Pangalan ng iyong IMPERYO Sagot :

Mga ipinagbabawal Sagot:

1.

2.

3.

Benepisyo sa mamamayan Sagot:

Rubriks
15 10 5
Pagkakabuo Angkop at wasto May iilang salitang
Walang
ang mga salitang ginamit na hindi kaugnayan at
ginamit sa angkop at wasto hindi wasto ang
pagbubuo mga salitang
ginamit
Nilalaman Mabisang Hindi gaanong Hindi naipahayag
naipahayag ang naipahayag ng nang mabisa ang
mensahe ng tula mabisa ang nilalaman ng tula
mensahe ng tula

18
19
SUBUKIN NATIN GAWIN NATIN
1. BRITAIN 1. BRITAIN
2. GERMANY 2. ITALY
3. FRANCE 3. RUSSIA
4. BELGIUM 4. UNITED STATES
5. UNITED STATES 5. UNITED SYTATES
SANAYIN TAYAHIN NATIN
NATIN 1. B
1. B 2. B
2. B 3. D
3. D 4. A
4. D 5. D
5. D 6. D
7. B
8. A
9.A
10. B
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

AKLAT
De Leon, Zenaida M., Discipulo, Neiva J., Rillo, Priscila H., Vivar, Teofista L. Ed.D.
Kasaysayan ng Daigdig: Batayang Aklat Para sa Ikatlong Taon. pp 185-186, pp. 261-
265,G. Araneta Ave. Col Ma. Clara Street 5197, Quezon City Philippines: SD
Publication, Inc., 2000

Grace Estela C. Mateo, Ph. D., Rosita D. Tadena, Ph. D., Mary Dorothy dl. Jose,
Celine E. Balonso, Ph. D., Jphn N. Ponsaran, Jerome A. Ong. Kasaysayn ng Daigdig:
Batayang Aklat sa Araling Panlipunan Ikatlong Taon. pp.286-293, Davao Kalamansi
St., cor. 1st Ave., Juna Subd., Matina, Davao City, Philippines: Vibal Publishing
House, Inc. 2012

Angelo C. Espiritu, Edna L. De Jesus, Asher H. Pasco, Rowel S. Padernal,


Yorina C. Manalo, KalennaLorene S. Asis Rosemarie C. Blando, Michael M.
Mercado, Mark Alvin M. Cruz Modyul ng Mag-aaral Araling Panlipunan
Kasaysayan ng Daigdig ph. 357 – 362, 2014

20
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Division of Tagum City

E-Park Apokon, Tagum City, Davao del Norte

Telefax:

Email Address: tagumcity@deped.gov.ph


1

You might also like