Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Northwest Samar State University


Rueda St., Calbayog City 6710
Website: http//www.nwssu.edu.ph
Email: main@nwssu.edu.ph
Telefax: (055) 2093657
ISO 9001:2015 Certified

Baloca, Vincent Jay, C.

COLLEGE OF EDUCATION
BSEd 2 - English
Course Instructor: Bb. Roshel Judilla

Modyul 5 – Aktibiti 2
Panuto: Sumulat ng journal batay sacnaobserbahan sa paligid habang patungo sa
iskul o di kaya’y habang nasa loob ngkampus.

September 13, 2021


Mahal na Talaarawan,
Itong araw na ito ay nasasabik ako dahil muli akong pupunta sa Northwest
Samar State University, ang unibersidad na kung saan ako ay kasalukuyang nag-
aaral makalipas ang ilang buwan, upang makipagkita sa mga officer’s ng
organisasyon na aking sinalihan dahil kami ay magpupulong at maghahanda
patungkol sa darating na English Month Celebration. Habang ako ay naglalakbay
papunta sa unibersidad at nakasakay sa isang motorsiklo inisip ko kung may
nakalimutan ako kagaya ng ID, QR Code, at Alcohol na mga dapat dalhin lalong lalo
na hindi pa ligtas ang paligid dahil sa pandemya. Sa loob ng motorsiklo, napansin
kong hindi lahat sumusunod sa protokols dahil hindi lahat ay nakasuot ng faceshield
at ang iba ay nakababa ang facemask, at higit sa lahat hindi na masyadong malayo
ang distansya ng bawat isa upang malayo sa nakakahawang Covid-19. Komportable
ako sa aking pagkakaupo habang nakasilip sa mga tanawin na aking dinaraanan.
May nakita akong magkakaibigan sa daan na masayang masaya na para bang muli
pa lang nilang pagkikita. Naala ko tuloy ang aking mga kaibigan na medyo matagal
ko ng hindi nakakasama dahil abala sa online class at hindi rin nakakalabas dahil sa
pandemya. Habang patuloy ang biyahe ko sa loob ng motorsiklong walang imik ang
mga tao ay bigla na lang tumigil ng biglaan ang aming sinasakyan na nagpasigaw sa
mga pasahero, napakamot ang driver dahil sa walang kontrol na paghinto ng
sasakyan sa aming harapan. Buti na lang at hindi kami bumangga sa likod nito.
Tumagal ng sampung minuto at sa wakas ay nakarating na ako sa siyudad at

Filipino 3: Masining na Pagpapahayag


bumababa na sa kanto patungong unibersidad. Habang naglalakad ako patungong
NWSSU may nakasalubong akong grupo ng mag-aaral na balisa na may dala
dalang mga papel, tila iyon ay kanilang ipapasa sa kanilang guro.
Napagtanto kong, kahit online class at limitado lang ang pagpapapunta sa
unibersidad sa mga estudyante dama pa rin pa la kung paano at ano ang buhay ng
estudyante sa loob ng kampus. Nakarating na ako sa harap ng gate ng aking
paaralan matapos ang apat napung biyahe at tatlong minutong paglalakad. Bakas sa
aking mga labi ang sabik habang papasok na ako sa loob ng kampus. Kitang kita ko
na marami rami din ang mga tao, kabilang na ang mga guro at estudyante na abala
sa kanilang mga ipapasa at kinukuha sa registrar office. Nakakapanatag ng loob na
karamihan sumusunod na man sa social distancing at lahat ay nakasuot ng
facemask. Habang naghihintay ako sa sinsabing meeting place at nawiwili ako sa
mga balisang mag-aaral at sa gusaling aking kinakabisado ay biglang may tumawag
sa aking apilyedo na agad ko namang nilingon, ang mga kapwa officers ko pa la sa
organisasyon. Pumunta naman ako sa kanilang kinaroroonan at sabay na kaming
lumakad at pumunta sa College of Education, Room 204 dahil dun kami
magpupulong.
Masaya na ako sa isang araw na pagpunta sa unibersidad dahil maraming
akong naobserbahan sa aking paligid at mga napagtanto. Higit sa lahat, nagbigay sa
akin yun ng konting pag-asa at mas lalo akong umasa na malapit na bumalik sa
normal ang lahat at hindi na rin magtatagal na makakabalik rin ang aming pag-aaral
sa loob ng silid aralan.

Filipino 3: Masining na Pagpapahayag

You might also like