Ang Buddha at Ang Pulubi

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Ang Buddha at ang Pulubi

Alamat ng Nepal (Kuwentong Bayan)


Halaw mula sa Youtube:https://www.youtube.com/watch?v=zjJFc3D0hFk
Isinalin sa Filipino at Isinabuod ni: Zimrose R. Pedrera

“Ang lahat ng mabubuting gawa ay may karampatang gantimpala”

Noong unang panahon may isang pulubing lalaking namamalimos upang makapag-
ipon ng pagkain. Ngunit sa pagdaan ng mga araw napapansin niyang nawawala ang
kanyang iniimbak at nahuli niya ang isang daga na siyang may pakana ng pagnanakaw.
Kinausap niya ang daga at sinabihang pagnakawan na lamang ang mga
mayayaman at hindi nila ito mapapansin huwag lang sa isang pulubing katulad niya.
Namangha ang pulubi sa naging tugon ng daga na ito na ang kanyang kapalaran, hindi siya
dapat magkaroon ng higit sa walong pag- aari.
Hindi matanggap ng pulubi ang kanyang masaklap na kapalaran ayon na rin sa
sinabi ng daga at sinabihan siya nitong subukang kausapin at tanungin si Buddha kung
hindi siya sumasang-ayon sa sinabi nito.
Kaya naman nang araw ding iyon ay inumpisahan ng pulubi ang kanyang
paglalakbay upang hanapin ang Buddha. Buong araw ang kanyang paglalakad hanggang sa
abutan na siya ng dapithapon at natagpuan ang sariling nasa harap at kumakatok sa isang
malaki at magarang tahanan.
Pinagbuksan, pinatuloy at pinakain siya ng mayamang may-aring may magandang loob. Sa
hapag-kainan, tinanong siya nito kung bakit at saan siya maglalakbay.
Sinagot naman niya itong ninanais niyang makita at tanungin ang Buddha ukol sa
kanyang kapalaran at nang marinig ito ng maybahay ng tahanan ay nakisuyo itong puwede
rin ba silang magdagdag ng katanungan. Hindi nag-atubili at sumang-ayon ang pulubi na
ipaaabot nito ang katanungan ng mag-asawa sa oras na magkita sila ng Buddha.
Ipinatatanong ng mag-asawa kung ano ang dapat nilang gawin upang makapagsalita ang
kanilang anak na dalagang 16 na taong gulang na.
Kinaumagahan ay nagpaalam at nagpatuloy sa kanyang paglalakbay ang pulubi
hanggang sa sapitin niya ang hanay ng mga kabundukan. Nangamba siyang hindi niya
kakayaning akyatin ang lahat ng ito. Nang maakyat niya ang isang bundok ay nakita niya
ang salamangkero. Nakiusap siya ritong tulungan siyang malampasan ang mga
bulubundukin. Hindi naman nag-atubili ang salamangkerong matulungin at pinasakay siya
sa mahiwaga nitong tungkod. Habang nasa himpapawid ay tinanong siya nito kung saan
siya patungo. At kagaya ng naunang nagtanong sinagot niya itong ninais niyang makita at
magtanong kay Buddha ukol sa kanyang kapalaran. Nakisuyo ang salamangkero na kung
maaari ay ipaabot din niya kay Buddha ang kanyang katanungan sa kung ano ang kanyang
dapat gawin gayong ilang libong taon na niyang gustong makarating ng langit ngunit hindi
niya magawa.
Nalampasan nila ang mga kabundukan at bumaba ang pulubi mula sa mahiwagang
tungkod. Pinangako nito sa salamangkerong ipaaabot niya ang katanungan nito kapag
nakausap na niya ang Buddha.
Ipinagpatuloy muli ng pulubi ang kanyang paglalakbay hanggang sa humantong siya
sa isang malawak na ilog na may rumaragasang agos ng tubig. Alam niyang hindi niya
kayang tawirin ang nasabing ilog at pinanghinaan siya ng loob. Walang ano-ano’y may
papalapit na higanteng pawikan sa kanyang harapan at walang kagatol – gatol na inihandog
ang tulong nito upang makatawid ang pulubi sa kabilang dulo ng ilog. Laking pasalamat ng
pulubi sa ginawang pagtulong ng pawikan. Nang makatawid sa kabilang dulo ay tinanong
ng pawikan ang pulubi kung bakit ang layo ng kanyang nilakbay, tinugon naman ito ng
pulubi na ninanais niyang mahanap ang Buddha at tanungin ito ukol sa kanyang naging
kapalaran. Sa narinig, nakisuyo ang pawikan sa pulubi na kung maaari ay ipaabot nito ang
kanyang katanungan sa kung anong dapat niyang gawin gayong mahigit 500 daang taon na
niyang gustong maging dragon ay hindi pa rin ito natutupad. Hindi naman nagdalawang-
isip ang pulubi at nangakong itatanong niya ang katanungang iyon sa Buddha sa oras na
sila ay magkita.
lang araw muli ng paglalakbay ang lumipas at napagtagumpayang marating ang
kinaroroonan ng Buddha. Sa pagpasok ay agad na bumati at yumukod ang pulubi sa harap
nito bilang tanda ng paggalang at sinabi niya rito ang kanyang pakay. Tumango naman ang
Buddha nang may paggiliw at sinabi nitong pagbibigyan niya ang tatlong katanungan ng
pulubi. Biglang nalungkot at napaisip nang mataman ang pulubi sa tinuran ng Buddha
sapagkat may apat siyang katanungan gayong tatlo lamang sa mga ito ang sasagutin.
Humantong ang pulubi sa isang matibay na desisyon at napagtantong higit na masaklap ang
kapalaran ng salamangkerong ilang libong taon ng gustong makapunta ng langit ngunit
hindi nito magawa, ng pawikan na 500 daang taon ng gustong maging dragon at hindi pa
natutupad at ang mag- asawang ang sinisintang anak ay hindi makapagsasalita nang
tuluyan kung hindi niya mahahanapan ng kasagutan ang mga tanong ng mga ito.
At dito niya naunawaan na higit na malaki ang kanilang naging suliranin kaysa sa
kanya. Kaya ipinagpaliban niya ang sariling katanungan at tinanong ang katanungan ng
mga tumulong sa kanya upang makausap ang Buddha.
Sinagot ng Buddha ang tatlong katanungan. Ang pawikan ay magiging dragon
lamang kung hindi ito matatakot na iwan ang kanyang tahanan. Ang salamangkero naman
ay makapupunta ng langit sa oras na bitawan nito ang kaniyang mahiwagang tungkod. At
ang anak ng mag-asawa ay makapagsasalita sa oras na makita nito ang lalaking nakatakda
para sa kanya. Dala ang mga kasagutan ay masayang nagpaalam at nagpasalamat ang
pulubi sa Buddha at humayo pabalik sa kanyang pinanggalingan.
Nang magkita silang muli ng pagong, sinabi niya ang kasagutan sa tanong nito na
agad naman nitong ginawa at naging dragon. Bilang gantimpala, ang naiwang bao nito na
puno ng mga perlas ay binigay nito sa pulubi.
Sa pagkikita nilang muli ng salamangkero ay hindi ito nagdalawang-isip na ibigay sa
pulubi ang kanyang mahiwagang tungkod matapos malaman ang sagot sa kanyang
katanungan at agad itong umangat patungong langit.
At nang sapitin niya ang tahanan ng mag-asawa agad siyang tinanong ng mga ito sa
kasagutan, at siya namang pagbaba ng hagdan ng dalaga nitong anak. Nang magtama ang
paningin nila ng pulubi agad na nahulog ang loob ng dalaga sa mabuting binatang pulubi at
sa di - inaasahang pagyayari nakapagsalita ito at nagtanong kung ito ba ang pulubing
nagawi sa kanilang tahanan ilang araw na ang nakalilipas. Sa labis na katuwaan ng mga
magulang nito at nang malaman ang kasagutan ng Buddha agad na inayos ng mga ito ang
agarang kasalan ng dalawa. Mula noon namuhay nang maligaya ang mag-asawa at
natagpuan ng pulubi ang kanyang tunay na kaligayahan.

You might also like