Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

LITR 101  Maikling Kwento- ito ang isa sa pinakatanyag

na anyo ng panitikan ito ay isang akdang may


SOSYEDAD at LITERATURA o PANITIKANG
banghay o ang magandang daloy ng mga
PANLIPUNANLITR 101
panyayari.
ARALIN 1: BATAYANG KALAMAN SA  Nobela- Ang itinuturing na pinakamahabang
PAMPANITIKAN anyo ng panitikan, tinatawag ding kathambuhay.
 Alamat- kwento ito tungkol sa mga pinagmulan
Ano ang PANITIKAN? ng mga bagay-bagay sa daigdig.
 Anekdota – akdang nagsasalaysay ang mga
 Nanggaling ang salitang panitikan sa pang|titik|
kakaiba o kakatuwang nangyari sa buhay ng
an “”, kung saan ikinabit ang unlaping “pang” at
isangsikat, o kilalang mga tao.
hulaping “an” sa salitang ugat na titik.
 Nagmula ang salitang literatura sa salitang Latin  Pabula- Akda na nagbibigay katauhan sa mga
hayop o halaman, ang layunin nito ay magbigay
“littera” na nangangahulugang "titik".
aral at manlibang.
 Sumasalamin ito sa kaisipan at damdamin ng
 Parabula – o tinatawag ding talinhaga, ito ay
tao gaya na lamang ng pag-ibig, kalungkutan,
mga maikling kuwentong may aral na kalimitang
galit, pagkaawa, paghihiganti at iba pa.
hinahango mula sa Bibliya.
 Nagsasalaysay rin ito ng buhay, pamumuhay,
 Kwentong Bayan – uri na kwento na
lipunan, pamahalaan, pananampalataya at mga
nagsasalaysay ng mga likhang-isip na mga
karanasang kaugnay ng iba't ibang uri ng
tauhan na kumakatawan sa mga uri ng
damdamin.
mamamayan sa isang partikular na pook.
“Ang panitikan ay isang talaan ng buhay… ginagawa ito  Sanaysay – maiksing komposisyon na
ng isang tao sa isang masining na paraan.” kalimitang naglalaman ng personal na kuru-kuro
ng may-akda.
-Arrogante 1983
 Talumpati – isinasalaysay nito ang mga
“Isang lakas na nagpapagalaw sa lipunan. Isa rin itong kaisipan o opinyon ng isang tao upang
kakaibang karanasang pantaong natatangi sa humikayat, tumugon, mangatwiran, magbigay ng
sangkatauhan”. kaalaman o impormasyon at maglahadng isang
paniniwala at isinulat ito upang ipahayag nang
“kasangkapang makapangyarihan na maaaring pasalita.
magpalaya sa isang ideyang nagpupumiglas upang  Talambuhay- isinasalaysay rito ang kasaysayan
makawala” ng buhay ng isang tao na base sa mga tunay na
impormasyon.
--Salazar 1995
Dalawang pangunahing anyo ang panitikan:
2 LAYUNIN NG PANITIKAN:
2. PATULA O PANULAAN (INGLES: POETRY) -
1. ”Maipakita ang realidad at Katotohanan”
pagbubuo ng pangungusap sa pamamagitan ng
2. ”Makalikha ng isa pang daigdig na taliwas sa pagbibilang at pagtutugma ng mga salita, may
katotohanan” sinusunod din itong sukat.

MGA URI NG PANITIKAN:  Tula- Ang Tula ay isang anyo ng sining o


panitikan na naglalayong maipahayag ang
 kathang-isip (Ingles: fiction) damdamin sa malayang pagsusulat. Binubuo
 Hindi kathang-isip (Ingles: non-fiction) ang tula ng saknong at taludtod.
DALAWANG PANGUNAHING ANYO ANG Ang MALAYANG TALUDTURAN- Isang tula na isinulat
PANITIKAN: nang walang sinusunod na patakaran kung hindi ang
ano mang naisin ng sumusulat.
1. TULUYAN O PROSA (INGLES: PROSE) – maluwag
na pagsasama-sama ng mga salita sa loob ng  Ito ay ang anyo ng tula na ipinakilala ni
pangungusap. Ito ay nasusulat sa karaniwang takbo ng ALEJANDRO G. ABADILLA.
pangungusap o pagpapahayag.  Ayon sa ALEJANDRO G. ABADILLA, maaaring
HALIMBAWA ng mga Anyong Panitikan na “Tuluyuan” makalikha ng tula na walang sukat at walang
tugma. Ngunit dapat manatili ang karikatan, ito
 Dula- isang akda na nabuo sa pamamagitan ng ay ang paggamit ng matatalinhagang pahayag.
isang manuskrito na mayroong dayalogo at
pagsasalaysay..
Ang TRADISYONAL NA TULA - Ito ay isang anyo ng Tulang Pasalaysay- tumutukoy sa pagsasalaysay na
tula na may sukat,tugma at mga salitang may malalim na pinapaksa ang mahahalagang mga tagpo o pangyayari
kahulugan. sa buhay ng isang tao.

 Samantalang ang dalawa ay maiintindihan na sa Korido – Ito ang tulang nagtataglay ng walong pantig sa
tawag pa lamang dito. Ang anyo ng tula na May bawat taludtod. Karaniwang mahaba at may mahusay na
sukat na walang tugma at Walang sukat na may banghay ng mga pangyayaring isinasalaysay.
tugma.
Awit – Ito ay nagtataglay ng labindalawang pantig sa
MGA TULA AYON SA PAKSA: bawat taludtod. Higit na masigla ito kaysa korido.

 Awit –Ang karaniwang paksa nito ay pag-ibig, Tulang Pandulaan - Sadyang ginawa upang itanghal.
kawalang pag-asa o pamimighati, pangamba, Naglalarawan ito ng mga tagpong lubhang madula na
kaligayahan, pag-asa at kalungkutan. maaaring makatulad ng, o dili kaya’y naiiba sa
 Soneto – Ito ay tulang may 14 na taludtod, nagaganap sa pang-araw-araw na buhay.
hinggil sa damdamin at kaisipan, may malinaw
Tulang Patnigan - Tulang sagutan na itinatanghalng
na kabatiran sa likas na pagkatao.
mga nagtutunggaliang makata ngunit hindi sa paraang
 Dalit – Ito ay mga awit na pumupuri sa Diyos o
padula, kundi sa tagisan ng mga katwiran at tagisan ng
sa Mahal na Birhen. mga talino sa paraang patula.
 Oda – Ito ay nagpapahayag ng isang papuri ng
isang panaghoy o ng iba pang masidhing  Balagtasan – Tagisan ito ng talino sa pagbigkas
damdamin, walang tiyak na bilang ng pantig o ng tula, bilang pangangatwiran saisang paksang
taludtod sa isang saknong. pagtatalunan. Ito’y sa karangalan ni Francisco
 Elehiya – Nagpapahayag ito ng damdamin o “Balagtas” Baltazar.
guniguni tungkol sa kamatayan.  Karagatan – Ito ay isang laro sa tula o isang
 Epiko- sinasalaysay rito ang kabayanihan at paligsahan sa pagtula na kabilang sa tinatawag
pakikipagtunggali ng isang tao o mga tao laban na “libangang itinatanghal” na ang taglay na
sa mga kaaway na kadalasang hindi pamagat ay nanggaling sa isang alamat ng
mapaniwalaan dahil sa mga tagpuang singsing ng isang dalaga na nahulog sa dagat.
makababalaghan at di-kapani-paniwalang mga  Duplo – Ito ay isang laro sa tula o isang
pangyayari. paligsahan sa husay sa pagbigkas at
 Tanaga – tumutukoy ito sa mga maikling pangangatwiran nang patula. Hango ang
katutubong Pilipinong tula na naglalaman ng pangangatwiran sa Bibliya, mga salawikain at
pang-aral at payak na pilosopiyang ginagamit ng mga kasabihan.
matatanda sa pangangaral sa mga kabataan.
KAHALAGAHAN NG PANITIKAN:
• Haiku ay tulang binubuo ng labinpitong pantig, na may
tatlong taludturan; na ang unang taludtod ay may limang “Magandang pagtakas sa realidad at libangan para
pantig, sa ikalawa ay may pitong pantig, at ang ikatlong sa mga tao”
taludtod ay may limang pantig. Ito'y nagtataglay ng “Tumutulong sa paghulma ng lipunan dahil
talinghaga. tinutulungan nito ang mga mamamayan na bumuo
Diyona o diona ay isang sinaunang tulang may tatlong ng opinyon sa mundo at kwestiyonin ang
taludtod at taludtod at súkat na pipituhin ang bawat kasalukuyang Sistema”
saknong at binibigkas o inaawit sa kasalan. “Sumasalamin sa kulturang pinagmulan nito”
Tanka ay isang salitang Hapon na may kahulugan na “Mahalagang panlunas na tumutulong sa mga tao
"maikling tula" o "short poem" sa Wikang Ingles. Ang upang makapagplano ng sari-sariling mga buhay,
tanka ay may limang taludtod lamang. Ang mga tanka ay upang matugunan ang kanilang mga suliranin, at
may karaniwang sukat na 5-7-5-7-7 o di kaya'y 7-7-7-5-5 upang maunawaan ang diwa ng kalikasan ng
sa mga taludtod ng mga ito. pagiging makatao”
Bugtong – pangungusap o tanong na may iba o
nakatagong kahulugan isa sa paboritong libangan at
pampatalas ng isipan ng mga sinaunang Pilipino.

MGA AKDANG PATULA


1. Ang kritiko ay matapat na kumikilala sa akda bilang
isang akdang sumasailalim sa paraan ng pagbuo o
konstruksyon batay sa sinusunod na alituntunin at
pamantayan.

2. Ang kritiko ay matapat sa sariling itinuturing ang


panunuri ng mga akdang pampanitikan bilang isang
UNANG BAHAGI sining.
ARALIN 2: PANUNURING PAMPANITIKAN

PANUNURING PAMPANITIKAN -ay isang malalim na 3. Ang kritiko ay handang kilalanin ang sarili bilang
pag-aaral, pagtalakay, pagpapaliwanag at paghimay ng manunuri ng akdang pampanitikan at hindi manunuri ng
mga akdang pampanitikan sa pamamagitan ng lipunan, manunulat, mambabasa o ideolohiya.
paglalapat ng iba’t ibang dulog ng kritisismo.
4. Ang kritiko ay laging bukas ang pananaw sa mga
 Sa pagsusuri, kinakailangan ang lubos na pagbabagong nagaganap sa panitikan.
kaalaman sa kathang sinusuri tulad ng buong
nilalaman ng akda, paraan ng pagkakabuo nito 5. Ang kritiko ay iginagalang ang desisyon ng ibang mga
at ang ginamit ng awtor na pamamaraan o istilo. kritiko na patuloy na sumasandig sa ibang disiplina gaya
ng linggwistika, kasaysayan, sikolohiya, at iba pa.
MGA BAHAGI NG PANUNURING PAMPANITIKAN
Mga Kritikong ng Panitikan
 Pamagat – binubuo ito ng pangalan ng akda at
may-akda ng iyong sinusuri at paksa na iyong  Alejandro G. Abadilla – isang makata,
ilalahad sa paghihimay. sanaysayista at kuwentista at tinaguriang “Ama
ng Makabagong Tulang Tagalog”.
 Panimula – impormasyon na may kaugnayan sa
iyong sanaysay at kasiya-siyang pambungad na  Teodoro Agoncillo – isang bantog na
talata na kinabibilangan ng angkop na tesis na manunulat, makata, manunuri at mananalaysay.
pahayag . Siya ay tanyag sa kanyang aklat na “Ang
Maikling Kwentong Tagalog”.
 Paglalahad ng Tesis –nakapaloob sa panimula;
nagsasabi sa iyong mambabasa kung ano ang  Clodualdo Del Mundo – isang bantog na
aasahan sa kaniyang mababasa: ito ay manunulat, kritikong pampanitikan at nobelista
nagpapahayag ng layunin ng iyong sanaysay at ng komiks. Naging co-founder at naging unang
ng puntong iyong gustong iparating. Presidente ng Panitikan noong 1935.
 Katawan – naglalaman ng paliwanag ng iyong  Virgilio S. Almario – kilala sa kanyang sagisag-
mga ideya at katibayan mula sa teksto at panulat na Rio Alma. Isa siyang makata, kritiko,
sumusuporta sa iyong inilalahad na tesis. taga-pagsalin, editor, guro at tagapamahalang
pangkultura ng Pilipinas.
 Konklusyon – ang buod ng mga pangunahing
punto na iyong ginawa, na maykatuturang  Lamberto E. Antonio – Isang Pilipinong
komento tungkol sa teksto na iyong pinag- manunulat at kabilang sa tatlong tungkong
aaralan. batong panulaang Filipino kasama sina Virgilio
S. Almario at Rogelio G. Mangahas.
PAKINABANG NG PANUNURING PANITIKAN:  Lope K. Santos – isang tanyag na manunulat,
abogado, kritiko, lider, obrero, mananalaysay,
 Nagbibigay ng kakayahan upang makita ang nobelista at “Ama ng Balarila ng Pilipinas”.
mas malalim na kahulugan ang nilalaman ng Naging director ng Surian ng Wikang
akda at kung paano ang lahat ng ito ay nagiging Pambansa. Isa sa kanyang nobela ay ang
isang buong ideya. Banaag at Sikat.
 Tumutulong ito na pahalagahan ang lalim ng  Rogelio G. Mangahas – isang kritiko na
kuwento at ang mensahe na binabanggit ng kabilang sa tungkong batong panulaang Filipino.
may-akda. Siya ang namuhunan at namatnugot ng
Katangian ng Mahusay na Kritiko sa Panitikan antolohiyang Manlilikha (1967) na unang
nagpakilala sa tatlong modernistang makata sa
Ayon kay Alejandro G. Abadilla, kailangan ng isang Filipino.
kritiko ang tigas ng damdaming naninindigan upang  Fernando B. Monleon – laureadong makatang
maging tiyak na kapakinabangan ng panitikan ang nagsulat ng nobelang “Tres Muskiteras”. Kilala
kanyang pagmamalasakit. siya bilang “Prinsipe ngBalagtasan”.
 Ponciano B. Pineda – isang manunulat, guro,  Paraan ng pagkakasulat ng akda
linggwista, abogado, at “Ama ng Komisyon ng
Mga Halimbawang Akda:
Wikang Filipino”.
“Uhaw ang Tigang na Lupa” ni Liwayway Arceo
IKALAWANG BAHAGI
“Ako‘y si Bukid” ni Lope K. Santos
MGA SANGAY NG PANUNURING PAMPANITIKAN
MORALISTIKO
FORMALISTIKO O PANG-ANYO
 Itinuturing na ang mga akdang pampanitikan ay
 Ang Teoryang Formalistiko o Formalismo ay
may layuning magbigay-aral sa mga
isinilang noong 1910 at yumabong noong
mambabasa. Sinusuri ang pagpapahalagang
dekada 50 at 60.
ginamit.
 Ang teoryang ito ay may pananaw na ang akda
 Itinuturing ang isang akdang pampanitikan
o teksto ay dapat suriin at pahalagahan kung
bilang bukal ng mga kaisipang batayan ng
ibig talagang masukat ang kagandahan ng akda.
wastong pamumuhay at pakikipagkapwa.
LAYUNIN NG PAGDULOG FORMALISTIKO:  Pagbibigay-halaga sa pagpapanatili ng
integridad at dignidad ng tao bilang nilalang na
 Iparating sa mambabasa ang nais niyang may isip.
ipaabot gamit ang kanyang tuwirang panitikan;  Pangunahing tungkuling dapat gampanan ng
kung ano ang sinasabi ng may-akda sa kanyang mga manunulat sa pagdulog-moralistiko ay ang
panitikan ang siyang nais niyang ipaabot sa magbigay-aliw, magsilbing guro at tagapangaral
mambabasa – walang labis at walang kulang. sa kanyang lipunan.
 Ang pagbibigay pansin sa anyo ng panitikan at  Sa panahon ng katutubo, maituturing na mga
ang pisikal na katangian ng akda ang akdang moralistiko ang mga salawikain,
pinakaubod ng pagdulog na ito. kasabihan, pabula, ilang alamat at iba pang mga
ISTILO NG FORMALISTIKO: kwentong bayan.
 Sa panahon ng Kastila, naglitawan ang mga
 Inilalabas dito ng manunulat ang pagiging akdang tungkol sa buhay ng mga santo‘t santa.
masining sa paglikha ng akda.
LAYUNIN NG MORALISTIKO:
 Tinitingnan nito ang panitikan bilang isang
likhang-sining na mayroong organic unity o  Ang mga ideya ay tumutulong sa pagkilala sa
isang kabuuang maykaisahan. mga bagayna tinatanggap sa lipunan- kung ano
PAGSUSURI NG FORMALISTIKONG AKDA: ang tama at mali, angmabuti at masama.
 Ang akda ay kapupulutan ng mga aral at
 Sa pananaw na ito mahalaga ang pagwawasto samga maling landasin sa buhay.
pagbabalangkas, pagsusuri kahit sa mga maliliit  Ang layunin ng panitikan ay ilahad ang iba’t
na detalye tungkol sa akda. Binibigyang ibang pamantayang sumusukat sa moralidad ng
atensiyon din ang salita o bokabularyo at ang isang tao.
kaibahan ng mga salitang pampanitikan sa pang  Ang pamantayan ng tama at mali.
araw-araw na salita.
 Sa pagtalakay ng akda, dapat mailantad ang ISTILO NG MORALISTIKO:
lahat ng mahahalagang bagay mula sa simula  Inilalarawan sa teksto ang mga paksang
patungo sa iba’t ibang elementong pagtatagumpay ng kabutihan sa kasamaan,
magkakaugnay hanggang sa katapusan. pagwawagi ng katarungan laban sa pang-aapi,
 Dapat makita kung may ironi o paradoks o may pangingi-babaw ng kalinisan ng pagkatao at
kalabuan o may iba pang elemento sa akda. katatagan sa harap ng mga pagsubok at
Kung makikita ang mga elementong ito, kahinaan.
masasabing mahusay ang akda.  Ang akda ay nagsisilbing batayan ng mga
 Kailangang masuri ang tema o paksa ng akda, kaisipang magtuturo sa tamang pagpili at
ang sensibilidad at ugnayan ng mga salita, pagbuo ng mga desisyon sa buhay na ayon sa
istrukturang wika, metapora, at iba pang pamantayang itinakda ng moralidad.
elemento ng akda.  Ipinapakita ang pagtutunggali ng lakas ng
 Ang tunguhin ng pananaw na ito ay matukoy katwiran at impluwensya ng mga elementong
ang sumusunod: sumisira sa tao.
 Nilalaman  Ang impluwensya ng akda ay ipinakikita sa
 Kaanyuan o kayarian naging pag-uugali o asal at panuntunan sa
buhay na taglay ng mahahalagang tauhan sa  Ipinaliliwanag ang mga nangyayari sa tauhan na
akda. Ang akda ay salamin ng mga kapintasan ipinakita sa kanyang paraan ng pagsasalita,
at kagandahang dapat taglayin ng pagkatao. daloy ng pag-iisip at kilos na may sinasagisag.
 Inaalam ang mga nagaganap sa mga antas ng
SA PAGSUSURI NG MORALISTIKONG AKDA:
kamalayan ng isang tao na batayan ng kanyang
 Ang mga karakter ay sinusuri bilang pagtutol pag-iisip at pagkilos.
o pagkilala sa umiiral na pilosopiya sa buhay  Sinusuri nito ang mga proseso at pangyayari na
o sistemang moral sa lipunan. nagsasaad ng personalidad ng mga taong
 Inilalahad din nito ang mga pilosopiya o sangkot. Tinatawag ito na “id,” “ego,” at “super
proposisyong nagsasaad sa pagkatama o ego.”
kamalian ng isang kilos ugali ayon sa  Ang “id” ay yaong mga natural o
pamantayang itinakda nglipunan. instinctive na reaksyon ng tao batay sa
 Ang moralidad ay napagkakasunduan ayon kung ano ang masarap o masakit sa
na rin sa kaantasan nito. pakiramdam (pleasure-pain principle)
 Ang liwanag at dilim ni Emillio Jacinto Kilala  Ang “superego” (morality principle)
rin ang Florante at Laura ni Francisco naman ang tumatayong konsensya ng
Balagtas sa taglay nitong matatayog na mga tao.
kaisipang moralistiko.  Ang “ego” (reality principle) ang siyang
nag-uugnay at naninimbang sa‘id’ at
SIKOLOHIKAL ‘superego.

 Ang sikolohikal na pagdulog ay nagpapakita ng Halimbawang akda sa ilalim ng Pagdulog na


isang ekspresibong pananaw sa pamamagitan Sikolohikal:
ng pagpapakita ng mga salik sa pagbuo ng
 Amerkanisasyon ng Isang Pilipino ni Ponciano
naturang pag-uugali, paniniwala, pananaw,
Pineda
pagkatao sa isang tauhan sa akda.
 Maling edukasyong ni Jorge Bacobo
 May dahilan ang bawat kilos o gawi, may
 Ang Ama ni Mauro R. Avena
pinagmulan ang bawat bagay o pangyayari.
 Sinasabing walang katapusan ang diwa at SOSYOLOHIKAL-PANLIPUNAN
espiritu ng tao na makalaya sa kinabibilangang
daigdig  Sa pagdulog sosyolohikal, tinitingnan ang akda
 Ipinalalagay sa pananaw na ito na ang akdang bilang produkto ng kamalayang panlipunan ng
pampanitikan ay nagsisiwalat ng isip, may-akda, kung gayon, ang kaalaman tungkol
damdamin, at personalidad ng may-akda. sa kaganapang panlipunan ang
 Inaanalisa sa pagdulog-sikolohikal ang ugnayan pinahahalagahan dito.
ng may-akda at ng kanyang akda. Upang  “Ugnayan ng lipunan at tauhan ang pokus ng
maisakatuparan ito, tulad sa bayograpikal na pagdulog na ito”
pagdulog, kailangang may kaalaman ang Hal: “Impeng Negro” ni Rogelio Sikat
mambabasa sa buhay ng may-akda.  Ang akda ay hindi nagmula sa kawalan. Ang
mga pananaw at saloobin ng mga karakter ay
LAYUNIN NG SIKOLOHIKAL / SAYKOLOHIKAL: hinubog ng mga pangyayari.
 Ang panitikan ay may mabuti at
 Ipaliwanag sa pamamagitan ng pagpapakita ng
kapakinabangang dulot sa lipunan at ang
mga salik(factor) sa pagbuo ng naturang
lipunan ay kailangang tumugon sa mga
behavior (pag-uugali, paniniwala, pananaw,
sitwasyon o kalagayang inihihingi ng pagbabago
pagkatao) ng isang tauhan sakanyang akda.
upang maiangat ang tao.
ISTILO NG SIKOLOHIKAL / SAYKOLOHIKAL:  Ang akda ay salamin ng kaligiran ng isang tiyak
na pook, kultura, tradisyon, kaugalian at paraan
 Makikita ang takbo ng isip ng may katha, antas ng pamumuhay. Dito naniniwala ang kritiko na
ng buhay, paninindigan, pinaniniwalaan, ang panitikan ay hindi humihiwalay sa lipunan.
pinahahalagahan at mga tumatakbo sa isipan at
kamalayan sa may akda. LAYUNIN NG SOSYOLOHIKAL:

SA PAGSUSURI NG AKDANG SIKOLOHIKAL  Ipakita ang kalagayan at suliraning panlipunan


ng lipunang kinabibilangan ng may-akda.
 Ang mga panlabas na katangian ng karakter ay  Ipakita ang mga kaganapan sa isang lipunan at
sinusuri ayon sa mga panloob na sanhi. ang dulot nito sa mga tao.

ISTILO NG SOSYOLOHIKAL:
 Ipinapahayag ng akda ang mga saloobin, mithiin personal niyang nararanasan at nakikita sa
at pangarap na hango sa galaw ng panahon. kanyang paligid. Kung gayon, ang mga
 Naniniwala ang mga tagapagtaguyod nito na isinusulat niyang mga akda ay mga hibo o
ang manunulat ay produktong kanyang impluwensiya ng mga karanasan at nangyari sa
panahon, lugar, mga kaganapan, kultura at buhay. Ito'y namamayagpag sa kasalukuyan.
institusyon sakanyang kapaligiran kung saan  Makababasa tayo ng ilang mga pangyayaring
itinuturing sila bilang boses ng kanyangpanahon nangyari sa tunay na buhay na may-akda upang
dahil dito, ipinalalagay na ang akdang kanilang mas mapaganda panito ang paghubog sa
nilikha ay repleksyon o salamin ng mga kanyang sinulat at akda.
nagaganap sa lipunang kanyang kinalalagyan  Kakikitaan din ito ng pilosopiya ng may akda sa
dahilang kinapapalooban ito ng kanyang
pananaw. Patungkol ito sa mga bagay na nais
niyang ihatid sa mga mambabasa.

SA PAGSUSURI NG AKDANG SOSYOLOHIKAL:

 Ang akda ay sinusuri sa konteksto ng iba’t ibang SA PAGSUSURI NG AKDANG BAYOGRAPIKAL:


institusyon sa lipunan at ang kaugnayan nito sa  Ang tanging tugon ng pagsusuri ay akda mismo
indibidwal. na siyang binabasa at sinusuri kung kaya’t
 Sinusuri rito ang pamaraan ng mga tauhan sa kailanman ay hindi ito ipinapalit sa buhay ng
pagsugpo sa suliranin o kalagayan ng lipunan makata o manunulat.
na nagsisilbing gabay sa mga mambabasa sa  Ang kahinaan at kapintasan ng may-akda sa
pagpuksa sa mga katulad na suliranin. kanyang akda ay hindi dapat maging
Mga akda sa ilalim ng pagdulog na Sosyolohikal: kapasyahan ng sinumang bumabasa ng akda.
 Upang mas maging epektibo ang pagsusuri sa
 Isang daang damit akdang bayograpikal, bigyang-pansin ang
talambuhay ng may-akda – ang kanyang
BAYOGRAPIKAL
pinagmulan, mga karanasan lipunang kanyang
 Tumutukoy sa karanasan ng may-akda sa kinabibilangan, mga suliranin at tagumpay sa
kanyang sinulat na akda. buhay.
 Ang teoryang ito ay tumutukoy sa background  Iugnay ang iyong mga nasaliksik sa buhay ng
ng may akda sakanyang sinulat na akda, may-akda sa kanyang katha at suriin ang
makababasa tayo ng ilang mga pangyayaring pagkakabuo, damdamin atistilo nito.
nangyari sa tunay na buhay ng may-akda upang HISTORIKAL
mas mapaganda pa nito ang paghubog sa
kanyang sinulat na akda.  Kakikitaan ang mga akda ng mga pagbabago sa
 Ang teoryang ito ay patungkol sa may-akda ng paggamit ng mga salitang naaayon sa panahon
mga akdang pampanitikan, na siyang at sa kultura na may kinalaman sa mga
nagsusulat o sumusulat ng mga akdang pagbabagong nagaganap sa ating bayan,
pampanitikan na ating nababasa hanggang kasama rito ang mga pagbabagong nagaganap
ngayon. sa ating lipunan, ekonomiya, edukasyon,
agrikultura at higit sa lahatang ating
LAYUNIN NG BAYOGRAPIKAL: pananampalataya.
 Ang layunin ng panitikan ay ipamalas ang  Kumikilala sa gampanin ng isang institusyon,
karanasan o kasagsagan sa buhay ng may may malaking papel na ginagampanan ang
akda. institusyon sa pagbubukas ng daan sa uri ng
panitikang dapat sulatin ngmay-akda.
ISTILO NG BAYOGRAPIKAL:
LAYUNIN NG HISTORIKAL:
 Ipinahihiwatig sa mga akdang bayograpikal ang
mga bahagi sa buhay ng may-akda na siya  Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang
niyang pinakamasaya, pinakamahirap, karanasan ng isang lipi ng tao na siyang
pinakamalungkot at lahat ng mga “pinaka” na masasalamin sa kasaysayan at bahagi ng
inaasahang magsilbing katuwang ng kanyang pagkahubog.
mambabasa sa kanyang karanasan sa mundo.  Nais din nitong ipakita na ang kasaysayan ay
 Naniniwala ang mga bayograpikalista na ang bahagi ng buhay ng tao at ng mundo.
manunulat ay nagsusulat ng mga bagay na SA PAGSUSURI NG AKDANG HISTORIKAL:
 Ang akdang susuriin ay dapat na maging epekto
ng kasaysayan na maipaliliwanag sa
pamamagitan ng pagbabalik-alaala sa panahong
kinasangkutan ng pag-aaral.
 Pinapayuhan na magkaroon din ng sariling
pananaliksik hinggil sa panahong kinabibilangan
ng may-akda upang mas maging mahusay ang
gagawing pagsusuri.
ARALIN 2: PANUNURING PAMPANITIKAN (ikatlong Layunin ng Klasisismo:
Bahagi)
 Maglahad ng mga pangyayaring payak, ukol sa
pagkakaiba ng estado sa buhay ng dalawang
nag-iibigan.
HUMANISMO
 llan sa mga katangiang taglay ng akda ay payak
Nagbibigay ng malaking pagpapahalaga sa tao sa ngunit masining, matimpi ngunit makahulugan,
paniniwalang ang tao ay sentro ng daigdig, ang sukatan may kaayusang alinsunod sa itinakdang
at panginoon ng kanyang kapalaran. kumbensyong mahigpit at di nababago, dakila,
marangal at matapat sa estilo nakagigiliwan ng
 Pokus ng teoryang ito ay ang itinuturing na mga mapagmahal sa katotohanan.
sibilisado ang mga taong nakatuntong ng pag-  Ang mga tauhan ay angat sa karaniwang buhay,
aaral na kumikilala sa kultura. ang anumang bagay tungkol sa kamunduhan ay
 Kinikilala ang tao bilang panukatan ng maraming iniiwasan sapagkat ang mahalaga ay ang
bagay at pangyayari. pagiging marangal sa kilos at pananalita.
 Matipid sa paggamit ng wika ang mga klasista –
Layunin ng Humanismo:
“hindi angkop ang paggamit ng mga salitang
 Binibigyang-tuon ang kalakasan at mabubuting balbal. Hindi rin angkop ang labis na emosyon.
katangian ng tao gaya ng talino, talento atbp.
Sa pagsusuri ng akdang klasismo:
 Naglalayong maipakita ang mga karanasan ng
tao,masaya man o kalungkutan, ang bumubuo  Huwag kalimutang balikan ang kahulugan,
sa kanyang katauhan, ang talino, talento, layunin at istilong klasismo sa pagsusuri ng
katayuan sa buhay at lahat ng may kinalaman isang akda nang sa gayon ay matukoy at
sa isang indibidwal. mabusisi kung angkop nga ba ang akda sa
pananalig na klasismo.
Istilo ng Humanismo:
Katangian ng akdang klasiko:
 Inilalarawan kung paanong ang tao ay
nakikibaka sa buhay at mga karanasan sa  Pagkamalinaw, Pagkamarangal, Pagkapayak,
mundo. Pagkamatimpi, Pagkaobhetibo, Pagkasunod-
 Itinatanghal ang kalagayan ng tao bilang isang sunod at pagkakaroon ng hangganan.
indibidwal na may pananaw sa buhay at
malayang ekspresyon ng kakayahang intelekwal Sa pagsusuri ng akdang klasismo:
ng tao ang higit na mahalaga.
 Huwag kalimutan ang mga patunay sa iyong
Sa pagsusuri ng akdang Humanismo: pagsusuri.
 Bigyang-pansin ang mga tauhan sa akda – ang
 Maaring ilapat sa maraming paniniwala, kanilang kilos, kung paano sila mag-isip, kung
pamamaraan at pilosopiyang nagbibigay-tugon paano nila harapin ang mga sitwasyon, ang
sa kalagayan at karanasan ng tao. kanilang mga salitang ginagamit, at ang kanilang
mga desisyon.

KLASISMO
ROMANTISISMO
 layunin ng Panitikan ay maglahad ng mga
 layunin ng teoryang ito na ipamalas ang iba’t
pangyayaring payak ukol sa pagkakaiba ng mga
ibang paraan ng tao o sumasagisag sa tao sa
estado sa buhay ng dalawang nag-iibigan,
pag-aalay ng kanyang pag-ibig sa kapwa ,
karaniwan ang daloy ng mga pangyayari,.
bansa at mundong kinalakhan.
 Itinuturing ang isang akdang pampanitikan
 Ipinapakita rin sa akda na gagawin at gagawin
bilang bukal ng mga kaisipang batayan ng
ng isang nilalang ang lahat upang maipaalam
wastong pamumuhay at pakikipagkapwa.
lamang ang kanyang pag-ibig sa tao o bagay na
 Tumatalakay ito sa mga paksang pang alin
napupusuan.
mang panahon. Kinikilala ang katwiran,
kadakilaan at kaganapan ng mga bagay. Dalawang uri ng romantisismo:

 Romantisismong Tradisyunal
 Romantisismong Rebolusyunaryo
 Ang daigdig sa pananaw na romantisismo ay Istilo ng Realismo:
maganda at Mabuti anuman ang bigat ng
suliranin o higpit ng pagsubok na dumadating.  Ang teksto ay tumatalakay sa mga suliranin sa
mundo at ang kanilang pinag-ugatan.
 Hinihikayat nito ang labis na pag-aalaga at
pagpapalago ng sarili at ang walang pagpipigil  Inilalantad ang mga katotohanan sa
na pagpapahayag. pamamagitan ng mga paksa at salitang
karaniwan ngunit gumagamit ng matapang kung
Layunin ng Romantisismo: hindi man mapangahas na paraan.
 Binibigyang-buhay ang mga tauhan
 Ipamalas ang iba’t ibang paraan ng tao o nakikisangkot, nanunuligsa o nanghihikayat
sumasagisag sa tao sa pag-alay ng kanyang upang mapabuti at maiangat ang kalagayan ng
pag-ibig sa kapwa, bansa at mundong tao sa lipunan. Kadalasang paksain ang
kinalakhan. karanasan ng mga mahihirap, pagiging bulag ng
 Gagawin at gagawin ng isang nilalang ang lahat katarungan, paglabag sa karapatan at ang
upang maipaalam lamang ang kanyang pag-ibig tunggalian ng iba’t ibang uri ng tao sa lipunan.
sa tao o bayang sinisinta.  Ang awtor ay malaya at walang kinikilingan sa
Istilo ng Romantisismo: paglalantad ng buong katotohanan.
 PAKSA: Kahirapan, kamangmangan,
 Ang tema ay umiikot sa wagas na pag-ibig ng karahasan, krimen,bisyo, katiwalian, kawalan ng
magsing-irog. Ang pag-ibig na ito ay dumaranas katarungan, prostitusyon,atb.
ng mga pagsubok o balakid.
 Mas may diin sa imahinasyon at kutob kaysa
lohika. Sa pagsusuri ng akdang Realismo:
 Pinapanigan nito ang maluwag na daloy ng  Sinusuri ang akda batay sa mga pangyayaring
emosyon at malalayang kilos kaysa pinipigil at hango sa realidad
pag-aayos.
 Higit na mahalaga ang pagpapalutang ng Pinong (GENTLE) Realismo
damdamin kaysa paghamon sa pag-iisip ng
 May pagtitimping ilahad ang kadalisayan ng
bumabasa.
bagay- bagay at iwinawaksi ang anumang
Sa pagsusuri ng akdang Romantisismo: pagmamalabis at kahindik- hindik

 Bigyang-tuon ang mga karakter at ang kanilang Sentimental na Realismo


damdamin sapagkat ang romantisismo ay
 Mas optimistiko at inilalagay ang pag-asa sa
nakapokus sa Kalayaan ng damdamin kaysa sa
damdamin kaysa kaisipan sa paglutas ng pang
kaisipan.
araw-araw na suliranin.
 Hindi lamang ito nakapokus sa pag-iibigan ng
dalawang magsing-irog kundi pati sa Kritikal na Realismo
pampamilya, magkaibigan atbp.
 Inilalarawan ang gawain ng isang lipunang
burgis upang maipamalas ang mga aspektong
REALISMO may kapangitan at panlulupig nito.
 Ito ay tumatalakay sa katotohanan sa lipunan. Sosyalistang Realismo
Karaniwan nitong pinapaksa ang kalagayan na
nangyayari sa lipunan tulad ng kurapsyon,  Ginabayan ng teoryang Marxismo sa paglalahad
katiwalaan, kahirapan, diskriminasyon at ng kalagayan ng lipunang maaaring mabago
gobyerno. tungo sa pagtatayo ng mga lipunang
pinamumunuan ng mga anak pawis.
Layunin:
Mahiwagang (Magic) Realismo
 Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga
karanasan at nasaksisan ng may-akda sa  Pinagsanib na pantasya at katotohanan nang
kanyang lipunan sa makatotohanang paraan. may kamalayan. Higit na mahalagaang
 Ayon sa mga realista, ang sinumang tao, katotohanan kaysa kagandahan.
anumang bagay at lipunan, ay dapat maging
makatotohanan ang isasagawang paglalarawan
o paglalahad.
FEMINISMO  Basahin at unawaing mabuti ang akda.
 Sa imahismo, bigyang-tuon ang mga imaheng
 Isang teorya ng sining na naglalayong
ginamit sa akda. Kunin ang kahulugan ng mga
iwasto ang mga maling pananaw,tungkol sa
imahe na ginamit sa akda batay sa
kahalagan, tungkulin at kahulugan ng babae sa
pagkakagamit at paglalarawan nito.
lipunan.
 Iugnay ang mga imahen sa buong kahulugan ng
 Tumutukoy sa prinsipiyo o paniniwalang dapat
akda. Ano ang gamit nito sa akda? Ano ang
maging pantay ang mga babae at mga lalaki.
kahulugan nito? Paano niya ito binigyang-
Feminismong Pananalig. buhay? Nakatulong ba ang imahen upang mas
maipahayag ang ibig ipahiwatig ng may akda?
 Ang pananalig na ito ay nagsusuri ng imahe ng
mga kababaihan at konsepto ng pagiging babae
sa panitikan; gumagamit ng sikolohikal, ARKITAYPAL –
archetypal, at sosyolohikal na pagdulog;
 Ito ay tinatawag din na mitolohikal o ritwalismo.
nakapokus sa katauhan ng mga kababaihan na
Ayon kay Scott (1922), sa pagbasang arketipo,
di-nabibigyang pansin.
kailangan ng masusing pagbabasa gaya ng
 Ang mga feministang kritiko ay nagsisikap na pormalismo.
itama ang alam nilang pananaw na  Ayon naman kay Reyes (1992), ang mga
pinangingibabawan ng mga kalalakihan ang
banghay, tema at imahe sa mga akda ay
lipunan.
interpretasyon ng mga mag kakatulad na
 Sa Pagsusuri ng akdang Feministiko, elemento ng mga matatandang mito o alamat.
kinakailangan masuri ang mga natatanging kilos
 Layunin ng panitikan na ipakita ang mahalagang
at pagpapahalaga ng isang babaeng karakter.
bahagi ng akda sa pamamagitan ng mga
Walang ibang tuon ito kung’di itangi ang
simbolo. Ngunit hindi agad basta- bastang
kababaihan.
makikita ang mga simbolismo sa akda. Ang
simbolismo ay naayon sa tema at konseptong
IMAHISMO pinapakita ng akda sa mga mambabasa.

 Ginagamit ng imahismo ang wika at simbolismo Tatlong Pangunahing Hati ng arketipo:


upang epektibong maihatid ang wastong imahe 1. Arketipong Tauhan: Ang bayani, ang Martir, ang
na magbibigay daan sa wastong mensahe. Rebelde, mabagsit na madrasta, ang sawing mag-irog at
 Ito rin ay isang pananaw na kinakailangang iba pa.
gumamit ng konkreto, matipid at maingat na
paggamit ng mga salita upang makabuo ng 2. Arketipong Pangyayari- Paghahanap, Paglalakbay,
konkretong imahen. ang Pagbagsak, ang kamatayan at buhay.

“Nagbibigay pansin sa hanay ng mga salita at 3. Arketipong Simbolo at kaugnayan na gumagamit ng


simbolismo”. tambalan

Layunin ng Imahismo Hal: Liwanag at dilim- ang liwanag ay sagisag ng pag-


asa at ang dilim naman ay kabaligtaran.
 Ang layunin ng panitikan ay gumamit ng mga
imahen na higit na maghayag sa damdamin,  Sa pagsusuri ng akdang Arkitipo, mahalaga na
kaisipan, ideya, saloobin at iba pang nais na matukoy muna ng magsusuri ang mga tiyak na
ibahagi ng may akda na higit na madaling simbolismong arketipo.
maunawaan kaysa gumamit lamang ng
karaniwang salita.
MARXISMO
Istilo ng Imahismo:
 Ang Marxismo ay isang pandaigdigang pananaw
 Ang akda ay nagtataglay ng mga salitang at pagsusuri ng lipunan na tumutuon sa ugnayan
karaniwan ngunit mayaman sa matayog na at hidwaan ng mga antas ng lipunan na
kaisipan. gumagamit ng materyalistang interpretasyon ng
 Kadalasan, higit na nakikita ang indibidwalidad takbo ng kasaysayan, at pananaw ng
ng makatasa kanyang malayang taludturan at pagbabago ng lipunan.
malaya ang awtor sapagpili ng paksa.  Hinahamon nito ang mga istruktura ng
 May kulay at hugis, dugo at laman ang akda. kapangyarihan sa lipunan, nagtatangkang
buwagin ang mga mapaniil na puwersa at
Sa pagsusuri ng akdang Imahismo:
inilalantad ang mga tunggaliang pang-uri na
nag-ugat sa kalagayang pang-ekonomiya
 Ipakita na ang tao o sumasagisag sa tao ay may
sariling kakayahan na umangat buhat sa
pagdurusang dulot ng pang-ekonomiyang
kahirapan at suliraning panlipunan at
pampulitika.

Istilo ng Marxismo:

 Ang epekto ng kabuhayan ng tao sa kanyang


pagtingin sa buhay, pakikitungo sa kapwa, mga
hangarin at pangarap, pagtanggap sa mga
karanasan ay mababasa sa mga karakter. Ang
panitikan ay tumutugon sa Pagtataguyod ng
pagbabago
 Ang paksa ay mabigat, seryoso, at kadalasang
tumatalakay sa buhay, kalagayan at kaugnayan
ng mga uring manggagawa sa uring
makapangyayari sa lipunan. Ang mga paraan ng
pag-ahon mula sa kalugmukan sa akda ay
nagsisilbing modelo para sa mga mambabasa.

Sa pagsusuri ng akdang Marxismo:

 Mahalagang mapagtuunan ng pansin ang mga


bahaging tiyakang nagpapakita ng paglabanan
ng malakas at mahina; mayaman at mahirap.
 Makabuluhan din kung paano natalo ng mahina
ang malakas ng; mahirap ang mayaman.
 Sa Marxismo kailangang unawain ang akda
batay sa kalagayan ng mga tauhan.
Hinahanapan ang akda ng patunay ng mga
naglalabasang lakas sa pagitan ngmahina at
malakas, matalino at mangmang, duwag at
matapang, mahirap at mayaman.
 Bigyang-pansin din kung paano natalo ng
mahina ang malakas at kung ano ang naging
bunga nito na maaaring makapagpamulat sa
lipunan

You might also like