Professional Documents
Culture Documents
Common Political Cartoon Symbols
Common Political Cartoon Symbols
Common Political Cartoon Symbols
Mag-review tayo.
Narito ang isang “fast and furious” na pagbabalik-aral sa paggawa ng editorial
cartoons. Sisikaping ipaliwanag nang detalyado at may halimbawa ang pinakamahahalagang konsepto
at kasanayan sa mga tatalakayin. Tayo na. Atin nang salakayin!
Ide-define natin ang editorial cartooning sa context ng campus journalism at preparation para sa
schools press conference. Ang editorial cartooning ay pagguhit, pagdidibuho, pagdro-drawing ng
kartun na gumagamit ng humor (katatawanan) at satire (pagbibigay ng hindi-seryosong pagtalakay o
paglalarawan) to show an opinion about current issues. Kakaiba, strange o “weird” ang art form o
pagkaguhit pati na ang mensahe o pagpuna sa isang isyu. Pumapasok dito ang elemento ng
exaggeration. Sa ganitong paraan, mas nagiging makabuluhan sa makakakita ng kartun ang porma at
sustansiya nito. Bukod sa natuwa, natawa at nakaunawa ang nakakita ng kartun, na-challenge din siya
na umayon o komontra sa opinyon ng kartun na magbibigay-daan na magkaroon ng public consensus o
opinyon ng masa. Sa ganitong paraan, malaki ang maaring gampanan ng editorial cartooning sa
pagresolba ng mga isyung panlipunan.
Nakapokus o nakatuon ang editorial cartoon sa isa lang, specific at clearly identified issue.
Maari rin itong maging pagsi-simplify ng isang malaki at kumplikadong issue.
Upang maging mabisa ang isang editorial cartoon, gumagamit ang kartunista ng mga
“kagamitan” o tools. Ang mga ito ay ang Symbols (mga simbolo o mga
sagisag), Caricature(ginagawang kengkoy o comical ang drowing lalo na sa mga tao o
personahe), Stereotypes(pagbibigay ng mapagkikilanlan o identifier sa mga uri o katangian ng
mga tao, atbp.) atAnalogies (paghahambing o pagtutulad).
Layunin ng kartun na maipaunawa nang madali at mabilis ang isyu sa makakakita kahit wala
silang paunang kaalaman sa nabanggit na isyu.
Mas mahalaga ang kakayahan ng kartunista na “mag-isip” kaysa gumuhit. Hindi ibig sabihin na
ipagwalang-bahala ang drawing kundi kailangang may malalim na pinaghuhugutan ng kartunista
upang makabuo siya ng mabibisang mga simbolo, stereotypes at analogies.
Laging simple lang ang isang magandang kartun.Ipinahahayag lang nito nang malinaw ang
isang usapin.
Hindi dapat magulo o “makalat” ang drawing. Dapat ay walang mga anino (shades) na hindi
kailangan o mga “borloloy” na magpapahina sa impact ng drawing.Dapat ay malalaki at
madaling mabasa ang anumang salitang gagamitin sa label, pangalan, dialogue, atbp.