Synopsis of The Lost Guevarra's Heir

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Almira Fate Ferreira, ang babaeng masungit at kahit kailan ay hindi nakikitaan ng ngiti sa

kanyang labi simula nang mamatay ang kanyang magulang. Ngunit mababago iyon nang isang
lalaking mabait at masipag mula sa isang mahirap na pamilya, ang lalaking magpapa-ibig sa
kanya, si Castriel Crisostomo.

Si Castriel ay ampon lang ng kanyang kinikilalang magulang at pinagbubutihan niya ang


kanyang pag-aaral para kapag nakapagtapos na siya at nakahanap ng magandang trabaho ay
hahanapin niya ang kanyang tunay na pamilya. Hanggang sa dumating sa puntong nagkagusto
siya sa isang babaeng kasalungat niya sa estado sa buhay na si Almira. Lumalim ang pagtingin ni
Castriel kay Almira hanggang naging magkarelasyon na sila. Niligawan ni Castriel si Almira
kahit pa magkasintahan na sila.

Nakalipas ang ilang buwang magkarelasyon sila Almira at Castriel ay nang-gulo ang isa
sa matagal nang nanliligaw kay Almira, si Xavier Enriquez. Naglagay si Xavier ng isang flyer sa
bulletin board ng eskuwelahan nila na may nakalagay na pineperahan daw ni Castriel si Almira.
Sa sobrang galit na nararamdaman ni Almira ay hindi na napigilan ng dalaga ang sarili niyang
sabihin ang isang rebelasyong matagal na niyang itinago. Isang rebelasyon na magiging sanhi ng
pagbagsak ng pamilya ni Xavier.

Ninakaw kasi ng mga magulang ni Xavier ang lahat ng pagmamay-ari nila Almira at ang
pinakamasama na ginawa ng mga ito ay ang pagpapatay sa magulang at tito ni Almira. May mga
ebidensya na rin si Almira na magpapatunay na ang mga magulang ni Xavier ang may pakana ng
pagkamatay ng magulang at tito niya. Nakahanda na ito at kakausapin na lang niya ang abogado
ng pamilya nila. Pero naudlot ang pagpapakulong sa mga may sala dahil sa hindi inaasahang
pangyayari.

Ang sandaling saya na nararamdaman ni Almira kasama ang kanyang nobyo ay napalitan
ng lungkot nang maaksidente at nawalan ng memorya si Castriel. At ang masakit pa ay si Almira
lang ang hindi nito maalala. Inakala rin ni Castriel na ang nobya niya ay hindi si Almira kundi
ang dati nitong kasintahan na si Sadie Alves. Imbis na sumuko si Almira ay nagpatatag siya at
itinuloy niya ang pagsampa ng kaso sa mga Enriquez para maipakulong ang mga ito at
ipinaglaban niya pa mismo sa korte ang hustisya para sa magulang at tito niya.

Dalawang linggo ang tinagal ng kaso hanggang sa nakamit ni Almira tagumpay na


maipakulong ang mga Enriquez ng habang buhay. Nang araw rin na iyon ay bumalik na ang
lahat nang alaala ni Castriel at naging masaya na ulit sila. Pumunta sila sa bahay ng mga um-
ampon kay Castriel at doon ay binigay ng nagpalaki kay Almira ang gintong kwintas na suot ni
Castriel ng makita nila ang kanyang nobyo noong ito ay bata pa.
Akala ni Almira ay doon na matatapos ang lahat ng hindi magagandang mangyayari sa
buhay niya at hahanapin na lang nila ang magulang ni Castriel pero nagkamali si Almira,
mayroon pa pala silang problema. Iyon ay ang malaman niyang nakabuntis ang nobyo niya at sa
dati pa nitong kasintahan na si Sadie. Imbis na hiwalayan ni Almira si Castriel ay tinanggap niya
pa rin ang nobyo kahit may anak na ito sa iba.

Hanggang sa dumating ang araw na nalaman nila Almira at Castriel ang totoong pagkatao
ng binata. Iyon ay malaman niyang si Castriel ang nawawalang tagapagmana ng Guevarra Clan
na itinago sa lahat.

Masaya na silang lahat pero muling nagulo ang lahat dahil sa isang katotohanan ang
magsasanhi ng pagkawala ng saya nilang lahat. Ang malaman nilang hindi si Castriel ang ama ng
pinagbubuntis ni Sadie. Nagalit ang mga Guevarra kay Sadie lalo na si Castriel at Almira dahil
sa panloloko nito sa kanila.

Pagkatapos ng lahat ng mga hindi magagandang nangyari ay nagpatuloy ang relasyon


nila Almira at Castriel hanggang sa ikasal silang dalawa. Makalipas ang ilang buwan ay
napagkamalan ni Almira na buhay ang Mommy niya ngunit ito pala ay kakambal ng kanyang ina
at ito rin pala ay ang Mommy ni Sadie. Nag-usap sila Sadie at Almira, nagkapatawaran sa mga
hindi magandang ginawa nila sa isa't-isa. Nagkaroon ng kambal na anak sila Castriel at Almira.
Isang lalaki at isang babae na siyang lalong magpapatibay sa relasyon nilang dalawa.

You might also like