Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 7

“DIE BEAUTIFUL”

IPINASA NINA:
Arenas, Raven A.
Bugarin, Michelle Ann R.
Cervantes, Melissa B.
Dela Cruz, Janice A.
Lavarias, Alyana Joy P.
Lavaria, Jemina S.
Layacan, Aira Mae S.
PIdlaoan, Brix John B.
Quijano, Mary Cryslaine G.
Romero, Lester B.

IPINASA KAY:
Bb. Daryll Diane Mamaril

I. Pamagat ng Pelikula
Die Beautiful

II. May Akda

Isang Pagpapakilala kay Jun R. Lana

Si Jun R. Lana o ipinanganak sa pangalan na Rudolfo R. Lana Jr. siya ay


isang manunulat, direktor at filmmaker . Siya ay ipinanganak sa Makati City
noong ika 10 ng Oktubre taong 1972. Taong 2013 ay ikinasal siya kay Perci
Intalan sa New York City ng ika 14 ng Oktubre.

Sa kanyang murang edad ay kinahihiligan na niya ang pagsusulat at hindi


naglaon ay nag sumite na siya ng kanyang mga isinulat para sa isang
kompetisyon, sa gulang na 19 ay nakatanggap siya ng "Honorable Mention"
ng Palanca Award noong 1991 sa kategoryang One Act Play na Eksodo at sa
taong din yun ay nasungkit niya naman ang 3rd place sa Churchill sa
parehas na kategorya. Sa mga dumaan na maraming taon ay gayon din ang
kanyang nakamit sa Palanca Award.

Kabilang siya sa mga isa sa writers at direktor ng mga palabas at pelikula sa


Telebisyon ng Pilipinas tulad ng: Sa Pusod ng Dagat (1998), Sagad sa Init
(1998), Jose Rizal (1998), Saranggola (1999), Soltera (1999), Sa Paraiso ni
Efren (1999),Muro Ami (1999) etc. bukod dito nakatanggap din siya ng iba't
ibang parangal at pagkilala tulad ng: Best Screenplay, Best Original Story,
Best Screenplay, Best Foreign Language Oscar dahil dito nakatanggap din

This study source was downloaded by 100000862220431 from CourseHero.com on 02-19-2023 16:10:56 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/96964210/DIE-BEAUTIFUL-GROUP-5docx/
siya ng mga parangal at pagkilala sa Palanca Awards, FAMAS Awards, Metro
Manila Film Festival, Asian TV Awards at Tokyo International Film Festival

III. Buod ng Pelikula

Si Trisha Echevarria na ginanap ni Paolo Ballesteros ay isang transgender na


suki ng mga gay beauty pageants Simula high school hanggang nang
tumanda ay ang pagiging kontesera na ang naging hanapbuhay nito. Ngunit
sa kabila ng taglay nitong ganda at alindog ay lagi siyang umuuwing talunan,
ito'y dahil hirap siya sa pagsagot sa mga katanungang ibinabato sa kanya
pagdating sa question and answer portion

Sa huling beauty pageant na kanyang sinalihan, matapos mapunta sa kaniya


ang tanong na buong buhay niya'y ang tanging tanong na kanyang memorya
ang sagot ay sa wakas kay Trisha napunta ang korona. Ngunit ilang minuto
lang matapos itong makoronahan ay bigla siyang binawian ng buhay dahil sa
aneurysm. Ngayon ay kinakailangang sundin ng kaibigan nitong si Barbs
(Christian Bables) ang mga bilin ni Trisha para sa kanyang lamay, ang bihisan
siya ng iba't-ibang hitsura araw-araw mula kay Angelina Jolie hanggang kay
Beyonce.

IV. Pagsusuri
A. Uri ng Panitikan

Pelikula - salamin ng buhay

B. Pamagat

Die Beautiful ang pamagat ng pelikula, sapagkat tungkol ito sa isang


transgender na namatay na ang tanging hiling sa kanyang matalik na
kaibigan ay bihisan siya at gawing kamukha ng iba’t-ibang kilalang
celebrities bilang pag-alala sa kanya.

C. Mga Tauhan

• Trisha Echevarria (Paolo Ballesteros) - anak ng isang malupit na ama


at isa siyang ganap na bakla na walang ibang pinangarap kundi ang maging
isang "BEAUTY QUEEN"

- dumanas ng mga pasakit sa buhay.

• Barbs (Christian Bables) - Matalik na kaibigan ni Trisha at ang naging


kasangga ni Trisha sa lahat ng bagay.

This study source was downloaded by 100000862220431 from CourseHero.com on 02-19-2023 16:10:56 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/96964210/DIE-BEAUTIFUL-GROUP-5docx/
• Beth (Gladys Reyes) - ate at nag iisang kapatid ni Trisha

• Papa (Joel Torre) - Malupit na tatay ni Trisha at nagtaksil kay Trisha at


tumutol sa kagustuhan ng anak na maging isang bakla.

• Shirley Mae -ang batang inampon ni trisha at itinuturing niyang tunay na


anak ito.

V. Reaksyon
A. Sa mga nagsiganap
•Paolo Ballesteros- Napakahusay niya namang nagampanan ang kanyang
karakter at nakarating din niya ang realidad ng pagiging isang transgender at
nakakaantig ng puso ang kanyang pagiging isang mabuting ina sa kanyang
anak-anakan.
•Christian Bables- Baguhan man sa pag arte at sinasabi ng iba na baklang
tunay o tsismis lang sa buhay ay napaka-epektibo niya ang lakas ng comedy
timing niya bilang si barbs at masasabi kong napaka galing niya itong umarte.

•Joel Torre- Nakakabilib ang kanyang pag arte, napakaseryoso at animo’y


dalang dala niya ang kanyang pag arte o kumbaga damang-dama niya ito kahit
na kakainin mo ito dahil tutol siya sa gusto ng kanyang anak.

•Gladys Reyes- Kahit hindi man kalakihan ang bahagi niya sa pelikula ipinakita
pa din niya ang kahusayan niya sa pag arte at pananagutan niya ang kanyang
karakter bilang isang ate sa pelikula.

•Inah Estrada- Sakto lang ang kaniyang pag arte hindi gaanong OA, dalang dala
din niya ang karakter niya bilang anak ni trisha, napakagaling din niyang
magpakita ng emosyon.

•Sa mga katulong sa pelikula- Napakagaling nila sa kanilang karakter at


nabigyang buhay ang pelikula lalo itong napaganda, napakahusay din nilang
magpakita ng emosyon at natural ang pag arte, hindi din talaga makikitaan ng
hirap sa pag arte.

B. Istilo ng Manunulat ng Iskrip

Ang kanyang paksang ginamit ay sensitibo sa pang-unawa ng mga tao at


talaga lamang na pinagbabatehan ng publiko. Ito ay maaaring estratehiya
upang mang-akit ng mga manonood. Ngunit hindi rin maitatanggi ang
kahusayan ng manunulat sa pagbuo ng mga senaryo na nakatulong upang
mas maunawaan ang istoryang ipinapalabas. Ang mga diyalogo ay punong-
puno ng emosyon na bigla-bigla ka nalang iinisin,patatawarin at paiiyakin.

This study source was downloaded by 100000862220431 from CourseHero.com on 02-19-2023 16:10:56 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/96964210/DIE-BEAUTIFUL-GROUP-5docx/
Ang mga lugar at pangyayari ay tugmang-tugma sa mga nangyayari sa
totoong buhay na tila naging parte din ng tradisyon natin sa tuwing may
pyestahan kung kaya’t ito ay nakaka-relate at nagdadala ng mga alaala. Ang
buong istorya ay imumulat ka sa mga makatotohanang pangyayari na
kinakaharap ng ilan nating kapwa sa lipunan na hindi pa rin bukas ang isipan
sa usaping kasarian. Ito ay may dala ring wastong payo at paninindigan na
siguradong tatatak sa iyong pagkatao .

C. Istilo ng Pagdidirehe

Napakahusay bihasang bihasa ang pagkakadirehe at ang pagkakarebisa ng


director sa mga iskrip na nakakakuha ng atensyon sa mga manunuod. Ang
pagkabuo ng pelikula ay malikhaing ginawa upang maikwento ang isang
istorya. Akmang akma ang pagdidirehe ng director sa napapanahong
sitwasyon ng mga third sex. Nababagay sa napiling pangunahing
karakter(Paolo Ballesteros) ng pelikula sa kanyang ginampanan. Isang typical
na istorya ng baklang hindi tanggap ng kanyang magulang. Bilang man ang
mga karagdagang karakter. Naiayon naman ito ng director sa pelikula.
Epektibong karakter ang mga nagsipag-ganap na napili. Napakagaling at
napakahusay . May mga iskrip ng karakter ang tumatak base sa
pagkakarebisa ng director. Napakagaling mula sa produksyon kasama na rin
ang mga pinakamaliit na tao sa pelikula. Naipokus maigi ang galaw ng
kamera lalo na sa pangunahing karakter. Nabigyang diin ang kanyang
pagpapalit palit nya ng kasuotan sa kanyang burol. Sa ginawang twist ng
director nagkaroon din siya ng kasintahan na may asawa. Ngunit hindi siya
naging sagabal sa kanilang relasyon. Ang kanilang love story ay simple
lamang ngunit binigyan din ng twist ng director. May halong sakit at pait.
Dahil ang kanyang naging kasintahan ay may kinalaman sa kanyang naging
nakaraan. Maganda ang pelikula mula umpisa hanggang katapusan.

VI. Mga Teoryang Pampanitikan

A. Eksistensyalismo

Ipinakita sa pelikula na may kalayaang pumili ang isang tao para mag
desisyon at manindigan sa sarili nito. Tulad ng isang transgender na si Trisha
Echevarria sa kabila ng kanyang mapait na karanasan sa kaniyang ama
ginusto na lamang niyang umalis ito sa kanilang bahay at pinili na lamang
niyang mamuhay sa kung anong pagkataong gusto niya.

B. Realismo

Nagpakita ng mga makatotohanang pangyayari ang pelikula, mga


pangyayaring nangyayari sa totoong buhay ng isang tao. Ang pelikula ay

This study source was downloaded by 100000862220431 from CourseHero.com on 02-19-2023 16:10:56 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/96964210/DIE-BEAUTIFUL-GROUP-5docx/
nagpapakita kung ano ang pangkaraniwang nangyayari sa lipunan. Tulad ng
pagkakaroon ng paghanga sa mga guwapong batang lalaki. At pagkamuhi ng
mga kamag-anak lalo na ang mga ama na hindi tanggap ang kanilang anak
na maging isang bakla at nagnanais na maging isang babae. Ang pelikula ay
nagpapakita din ng karaniwang gawain bilang isang parlorista at beaucon
(beauty contestant) habits, at ang pagbabayad sa ibang lalaki para sa
sekswal na kasiyahan.

C. Teoryang Humanismo
Layunin nitong ipakita na ang tao ay sentro ng mundo. Binibigyan tuon
ang kalakasan at mabubuting katangian ng tao gaya ng talino at
talento tulad lamang ng eksena kung saan sumali si Trisha sa mga
beauty pageant. Ipinakita din sa pelikula na si Trisha ang may hawak
ng kanyang kapalaran na nakapaloob sa panitikan na ito. Ang mga
taong tinatawag nating bakla, tomboy at tao sa ilalim ng pamayanan
ng LGBT, ay may kanya-kanyang desisyon at may kakayahang igalang
ng iba.

D. Teoryang Queer
Ang malayang pelikulang "Die Beautiful" ay naging instrumento sa pag
pakita ng kalagayan ng mga taong bakla. Inilarawan ni Paolo
Ballesteros ang gay aktres na si Trisha Echeverria, na ginahasa ng mga
kalalakihan. Nais niyang maniwala na ang crush lamang niya ang
makikipagtalik sa kanya sa una, ngunit hindi nagtagal ay naging hindi
siya mapalagay dahil lumabag sila sa kanyang karapatang pantao. Sa
kabila nito, patuloy siyang nabubuhay bilang isang beauty queen, na
isang pangkaraniwang stereotype sa mga bading. Ngunit ito lamang
ang nakikita ng lipunan sa kanila mula sa labas. Sa likod ng kanilang
mga makukulay na mukha, isiniwalat ng pelikula ang isang
nagmamalasakit na ina at ama, isang mabuting kaibigan, at isang
dalubhasang dalubhasa sa larangan na kanilang pinili.

VII. Bisang Pampanitikan

A. Bisa sa Isip

“Tanggapin natin ang isang tao anuman ang kanyang kasarian”. Ito ang
tumatak sa aming isipan sapagkat napakahalaga na marunong tayong
tumanggap sa ano mang kasariang tinataglay ng isang tao. Dapat
malawak ang ating isipan sa ganyang bagay dahil hindi natin maikakaila
na sila ay tao rin na nilikha ng Diyos.

This study source was downloaded by 100000862220431 from CourseHero.com on 02-19-2023 16:10:56 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/96964210/DIE-BEAUTIFUL-GROUP-5docx/
B. Bisa sa Damdamin

Sobrang nakakatuwa ang pelikula na ‘to dahil sa mga parting


masasaya at komedya ang eksena. Subalit nakakalungkot lang isipin
na nangyayari ito sa tunay na buhay. Malamang sa lahat ng nasa LGBT
community ay may pare-parehas na nararamdamang sa pelikulang ito
dahil lahat tayo ay para sa ibang tao ay mahirap tanggapin dahil
salungat ang sekswalidad natin sa ating tunay na nararamdaman. At
may mali na kaagad silang iisipin at hinuhusgahan sila, ang
pakiramdam ng mabuhay ng ganito ay hindi madali halu-halo ang
nararamdaman ng isang karakter. Sobrang nakakaantig ang pelikulang
ito at mahuhuli ang bawat puso ng manunuod nito.

C. Bisa sa Kaasalan

“Respeto sa kapwa”. Bilang isang tao, dapat binibigyan natin ng


respeto ang ating kapwa.
Hindi dahil sa gusto mong o napipilitan ka lang. Magbigay ng respeto
sapagkat ito ay sumasalamin sa iyong pagkatao. Lalaki,Babae,Bakla at
tomboy, nararapat pa rin niyang makatanggap ng respeto. Ang pag
respeto ay isa sa mga asal na dapat nating taglayin upang maiwasan
ang diskriminasyon.

D. Bisa sa Lipunan
Sa isang lipunan, may iba’t ibang mga tao ang nakapaloob o bumubuo
dito. Bilang isang mamamayan dapat ay marunong tayong tumanggap
at umunawa ng ating kapwa lalo na kung anong kasarian ang
pagbabasehan. Katulad na lamang ni Trisha, ang mga taong nasa
kanyang paligid ay tanggap siya kung ano siya. Noong siya ay
nabubuhay pa lamang at nakatira sa kaniyang kaibigan ay mas naging
malaya ito sa kanyang kilos at ginagawa niya ang mga gusto niyang
gawin. Naging malaya ang kanilang pamumuhay sapagkat ang
lipunang kanyang ginagalawan ay buong puso siyang tinanggap at
inuunawa. Magiging tahimik, walang gulo at higit sa lahat walang
magiging bastos mamamayan kung marunong tayong tumanggap sa
ating kapwa.

E. Bisang Pangmoral

May natatanging mensahe ng pagpapakatao, pagtanggap at pagiging


totoo sa kung anong nais mo sa buhay, sa kabila ng hamon at mga
pasakit na darating at ang pang huli ay wag kalimutang maging
masaya. Ang pagkakaroon nito ng boses sa lipunan, nagnakaw sa mga

This study source was downloaded by 100000862220431 from CourseHero.com on 02-19-2023 16:10:56 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/96964210/DIE-BEAUTIFUL-GROUP-5docx/
taong mapanghusga at pagpapakita ng tunay na
pangyayari, kalagayan ng mga mapang abuso at ang pagtanggap at
tunay na pagmamahal sa kapwa.

This study source was downloaded by 100000862220431 from CourseHero.com on 02-19-2023 16:10:56 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/96964210/DIE-BEAUTIFUL-GROUP-5docx/
Powered by TCPDF (www.tcpdf.org)

You might also like