Script Brigada Pagbasa

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Isang mapagpalang umaga po sa ating lahat! “Magandang buhay!” Kumusta po ba kayo?

Excited na po ba
kayo sa darating na pasukan? Oh kumusta naman po yung mga anak natin na papasok, isang malaking katanungan
na naman po, nakakabasa na po ba sila?

Kaya naman po sa mga minamahal na magulang natin, napakahalaga po na naririto kayo ngayon sa ating
programa, lalung-lalo na sa may mga anak po dito na hirap pabasahin ang kanilang mga anak. Di po ba minsan
magtataka tayo, teacher pinapabasa ko naman yung anak ko sa bahay, pero bakit hindi pa din sya matuto-tuto. May
mali po ba sa akin? May pagkukulang po ba ko? Oh tamad lang po ba yung anak ko? Oh kaya naman sasabihin natin,
eh teacher pinapabasa ko, ayaw naming makinig sakin. Napakarami po nating katanungan sa totoo lang. so mamaya
po lahat ng iyan ay mabibigyan natin ng kasagutan.

Tunay nga na napakahalaga ng pagbasa. Sabi nga, “Nasa Pagbasa ang Pag-Asa.”

Sa ating supportive na Brgy. Kapitan ng Tipo, Kapitan Judy T. Ramon, sa ating masisipag na Brgy Kagawad sa
pangunguna ni Kagawad Elvin Iglesia, mga minamahal naming magulang, sa punung-guro ng TIPO ES, Ma’am Rosario
S> Canlas, at sa aking mga kapwa guro, Welcome sa ating Brigada Pagbasa 2022. Simulan natin ang ating programa
sa pamamagitan ng pagbibigay pugay sa watawat, susundan naman ito ng Project watch prayer na pangungunahan
ni Ma’am Bernilda B. Belarmino, guro mula sa Kindergarten. Magsitayo po ang lahat.

---------------------

Ang Brigada Pagbasa ay maihahalintulad din natin sa Brigada Eskwela. Kung sa Brigada eskwela, ang
inihahanda po natin ay ang pisikal na kaayusan ng ating paaralan, dito naman sa brigada pagbasa, ang mga mag-aaral
naman ang ating inihahanda, at ating binibigyan pansin ang kanilang kahandaan sa pagbasa. Isa itong programa na
nagsisilbing daan upang mas dumami pa ang mga bata na marunong bumasa, hindi lamang basta bumabasa kung
hindi bumabasa nang may pag-unawa. Sa panahon po kasi ngayon, maraming bata ang nakakabasa, pero kapag
tinanong muna kung tungkol saaan yung binasa nila, wala na po silang maisagot. Kaya Brigada Pagbasa, hindi lamang
po guro ang pwede magpabasa, magkatuwang po ang mga magulang, kamag-anak o kahit na sinong indibidwal sa
pagpapabasa sa mga bata. So ngayon, para tignan naman po natin kung sino-sino na ba ang nandirito sa mga oras na
ito, aking tinatawagan si Ma’am Analiza G. Paez, guro mula sa Grade 1 para sa ating roll call.

Para naman bigyan tayo ng mensahe sa umagang ito, atin pong pakinggan ang punong-guro ng Tipo ES,
Ma’am Rosario S. Canlas.

Thank you so much Ma’am Che. Alam po Ninyo, napablessed po ng ating paaralan noh maging ng buong brgy
ng Tipo dahil meron po tayong mga lider na lagging nakasuporta sa mga programa ng ating paaralan. At talaga
naming thankful and grateful po kami dahil yung pagaaccomodate po talaga nila sa amin ay napakaayos. Kaya naman
palaging successful yung mga programs and projects ng ating paaralan dahil meron tayong lider na handing
sumuporta sa atin. Kaya naman upang bigyan po tayo ng isang mensahe, aking tinatawagan ang ever supportive at
napakakisig na ama ng Brgy Tipo, Kapitan Judy T. Ramon.

Isa pa rin pong lider mula sa Brgy Tipo ang magbibigay ng mensahe sa atin. Ay ito parang hindi niyo pa siya
kilala. Ay dito naman talaga wala ka ng mahihiling pa pag sinabi mong support, support talaga, at ito po yung lider na
masasabi ko na talagang may pagpapahalaga po siya sa values and also sa eddukasyon ng mga bata. NAririto po ang
ating masipag na kagawad, at chairman ng committee on education, Honorable Elvin Iglesia.

Syempre hindi rin naman magpapatalo yung mga magulang natin kung ang pag-uusapan ay pagsuporta sa
ating school. Ito pong tatawagin ko ay talaga din naming one call away lang din po. Akin pong tinatawagan ang ating ,
GPTA President, Mrs. Arleen Greenwood.

Ang susunod naman po natin ngayong magsasalita, ay naku, napakahusay din po niya na parent at talagang
hahangaan din po Ninyo. Kung nakaattend po kayo ng graduation, talagang kapupulutan po Ninyo ng aral yung
kanyang buhay. Naririto po ang ating SGC President, Mrs. Ligaya M. Buccat.

Sa mga oras na ito ay dumako na po tayo sa susunod na parte ng ating programa. Handa na po ba kayo?

Sa lahat ng bagay, kunin mo ang karunungan, at ang pagbasa ang isa sa mga pangunahing paraan.
Upang bigyan po tayo ng kaalaman tungkol sa gabay sa pagbasa, naririto po ang mga mahuhusay na guro mula sa
Kindergarten, Ma’am Ronabelle M. Ibanez at Ma’am Joan M. Bognot.

Ending

Tandan po natin, magbasa, magbasa, magabsa. Dahil ang pagbasa ang pintuan s apagtuklas ng kaalaman.

You might also like